BOTH SIDES*dingdong* *dingdong*
Napatingin naman ang mga girls sa pinto at agad tinapos ang paghahanda sa mga pagkain sa hapagkainan.
Nakakakaba na naeexcite sila dahil nandito na ang BTS!
*dingdong* *dingdong*
Agad namang tumakbo si Denise para pagbuksan ang mga lalaki ng pinto.
"Hi guys. Come in!" masiglang sabi ni Denise sakanila at nilaki ang awang ng pinto para makapasok ang mga ito.
Napatanga sya ng ilang segundo dahil sa mga outfit ng mga boys. Ngayon niya lang 'to napansin. Napunta naman niya ang tingin kay Jungkook na ang gwapong-gwapo sa suot nito.
Pati mga kaibigan niya ay napatanga din dahil sa kagwapuhan ng mga lalaki.
Hindi naman nila sinabi na maghanda ng masyado sa isusuot. Nahiya na tuloy sila dahil hindi man lang sila naghanda ng masyado. Nagsusuot lang kasi sila ng simpleng mga damit. Hindi naman sila nag expect na pinaghandaan ito ng BTS.
"Whoah! You really are prepared for our dinner night." manghang sabi ni Kathleen sakanila. Napunta rin agad ang tingin niya kay Taehyung. Namula naman sya nung binigyan sya ng isa sa mga HOT na smile nito.
"I guess we're not the only ones that are prepared for this night. You look beautiful." nakangiting sabi ni Namjoon sa mga girls at napasulyap pa kay Leah.
Simple yet elegant and cute. Yan yung madescribe nila sa mga suot ng babae.
Nakita naman nilang namula ang mga babae sa compliment ni Namjoon.
"We really didn't prepare for our outfits tonight not like you guys, you look stunning!" manghang sabi ni Leah sakanila. Napatingin sya kay Namjoon at namula nang makitang nakangiting nakatingin rin ito sakanya.
"Well, since you're the most frank here, Alchi. Who do you think has the most stunning look tonight?" birong sabi ni Jungkook kay Alchi. Pero may part sakanya na gusto niyang sagutin iyon ni Alchi at sya ang pipiliin nito.
Napatingin naman sila kay Jungkook. Nakita nilang nagbibiro lang ito pero alam nilang half-joke yun para nito.
Si Jimin naman ay kinakabahan ng konti sa tabi.
Napatingin naman ang mga girls kay Alchi at nakita itong napalunok. Pati si Denise ay napalunok sa maaaring sagot nito. Pero di nila alam na nagjojoke lang si Jungkook.
Mukhang sineryoso naman ni Alchi ang tanong. Hindi sya makasagot agad dahil nalilito pa sya. Hindi naman niya maisagot na si Jimin ang pinakagwapo nila ngayon dahil magmumukhang biased yun. Hindi naman pwede na sabihin niya na si Jungkook or kung sino ba sakanila ang pinakagwapo ngayon dahil ayaw naman nyang magsinungaling dahil si Jimin talaga yung nag stand out para sakanya.
Pero may naisip naman syang paraan para hindi na sya malito at ma-pressured.
Pinunasan na muna nya ang pawis sa ilong niya dahil sa panghohotseat nila sakanya bago sya ngumiti sa mga ito.
"Of course me! I have the most stunning look tonight! Don't you agree with me, Oppa?" sagot niya na parang proud pa talaga sya sa kanyang sarili.
Ang kasalukuyang umiinom ng tubig ngayon na si Jessel ay napaubo at napunta sa ilong ang tubig na ininom. Agad itong pumunta sa sink para dun ilabas lahat ang tubig na pumunta sa ilong nito.
Tumahimik naman ang lahat sa sinabi ni Alchi pati na ang boys.
Hindi nila inexpect yun. Akala talaga nila isa sa kanila ang isasagot nito.
Hindi inakala ng mga kaibigan niya na may tinatagong confidence pala ito.
Mahinang napalakpak naman si Suga habang mahinang napatawa.
"So witty! Of course! Jungkook didn't specify his question." natatawang sabi ni Suga.
Sumunod naman sila sa pagtawa ni Suga kasama na ang mga girls.
"I really hoped you were going to pick me but you just crushed my hopes." birong sabi ni Jungkook nito bago tumawa ng malakas.
Nag-'blee' lang si Alchi kay Jungkook. At mas lalo pa itong tinawanan sya.
"Really chi? How about us? You don't want to share that title with us?" sabi ni Mericris na may mapaglarong ngiti sa labi.
Nahihiya pero ngumiti naman si Alchi sakanila.
"Let me rephrase what I said before. Ehem!.." panimula niya at proud na tumingin sa mga kaibigan niya.
"Of course US LADIES! We're the most stunning tonight! Don't you agree, GENTLEMEN?" masiglang sabi ni Alchi sakanila.
Pumalakpak naman ang mga kaibigan niya.
"THAT! That is the most stunning answer I've ever heard! " pabirong sabi naman ni Mary kay Alchi at tumawa.
Tumawa rin ang mga kaibigan niya at nag-high five sila sa isa't isa.
Sumabay naman sa tawanan at palakpakan ang mga boys. Naenjoy talaga nila ang company ng girls dahil sa playful side ng mga ito.
"We couldn't agree more to that." nakangiting sabi nila.
Nakita naman nilang ngumiti ang mga girls. Nandun parin sa mga mata ng mga ito ang playfulness.
"Because we have no other choice but to agree with you." pabirong dagdag naman ni J-Hope sa sinabi nila.
Agad nawala ang ngiti ng mga ito pero nandun parin ang playfulness sa mga mata ng mga ito. Nakita nilang nag-smirk ang mga girls.
Nalaman nilang mga palaban ang mga babae. Nakikita nila iyon sa mga mata ng mga ito ngayon.
"Yeah, because if you didn't agree with us, I swear Mary will bite you." sabi ni Jessel na natatawa. Bago lang ito nakabalik sa dinning area matapos yung nangyari sakanya. Nakita naman nyang nag mouth ng words si Yoongi ng 'are you okay?' sakanya. Ngumiti sya dito at tumango.
Sinapak naman ni Mary si Jessel. Aba! Ginamit pa talaga ang pangalan niya!
Nanlaki naman ang mga mata ng mga boys. Nabibiruan pa ba sila nito?
"Are you kidding?!" napasambit ng malakas si Jimin nang marinig yun. Takot na sya ngayon ni Mary.
"She bites?! Like..like a zombie?" sabi ni V at tinignan si Mary na para itong zombie. Pero hindi naman sya takot.
Nakita naman nilang tumango ang mga girls na natatawa. At nakita rin nila si Mary na sinapak ang mga kaibigan nito.
Hindi nila alam kung nagbibiruan pa ba sila.
Nakita naman ng mga babae na hindi tumawa ang mga boys sa sinabi nila. Mukhang natakot nila ang mga ito.
"Don't worry guys. I just bite if I like that someone so much. So, don't let me like you so much, okay? Especially you Hobi." sabi ni Mary sakanila at napatingin kay J-Hope. Muntik na syang natawa nung napalunok ito ng laway. Nagbibiro lang naman sya.
"Guys, please let's eat. I'm so hungry." biglang sambit ni Jin.
Napatingin naman ang lahat kay Jin na ngayon lang nila napansin. Kanina lang itong gutom na gutom at ngayon lang ito nagsalita.
Napatingin naman ang mga kaibigan niya sakanya pati na ang mga girls.
Tumawa sila sa pinakamatanda sa kanila. Pero nakita nilang naawa ang mga girls dito kaya tumigil sila sa pagtawa at tumango.
"We're very sorry about that." sabi ni Mericris kay Jin at nginitian ito. Nakita naman niyang nginitian din sya nito.
"Come guys, let's eat!"
BINABASA MO ANG
Fake Love
Fanfiction"Guys? K-kanino tong humintong van?" Nabigla ang mga pitong dalaga na magbabarkada dahil may humintong van sa harapan nila. Nakaramdam sila ng kaunting takot. Nataranta sila at hindi makaisip ng mabuti. "Baka mga kidnapper! Putek! Tumakbo na tayo...