GIRLS' SIDE
"Guys? K-kanino tong humintong van?" nauutal na sabi ni Mary. Mas lumapit pa sya ni Alchi at hinawakan ang side ng shirt nito na para bang bata.
Nabigla ang mga pitong dalaga na magbabarkada dahil may humintong van sa harapan nila.
Nakaramdam sila ng kaunting takot. Nataranta sila at hindi makaisip ng mabuti.
"Baka mga kidnapper! Putek! Tumakbo na tayo! " natarantang sabi ni Denise.
Pero hindi nila magawang maigalaw ang mga paa nila. Para bang may pumipigil sakanila.
"Kalma lang pwede? Sige, ganito na lang, kung may lumabas dyan at nagsusuot ng itim na mga masks na kadalasang ginagamit ng mga kidnapper, tatakbo tayo." sabi ni Alchi sakanila na parang kalmado lang, pero sa totoo lang, natataranta na rin sya.
Hindi niya napansin na lumabas na pala yung driver sa van at nasa likod na niya.
"Miss!"
At baka dahil sa gulat, nasuntok niya sa mukha ang taong nasa likuran niya at huli na para mabawi niya ang nagawa.
"Sht! Manong,sorry po. Hindi ko po sinasadya. Akala ko po kidnapper kayo." Tinulungan niya itong tumayo. Agad ring tumulong ang mga kaibigan niya.
Nakokonsensya si Alchi sa nagawa niya.Tsk tsk. Naaawa ako sa matanda.
"Okay lang iha.Naiintindihan ko." sagot nito habang nakangiti.
"Sorry talaga." Kinain parin si Alchi ng konsensya niya.
"Kalimutan na natin yan. Diba pupunta kayo sa concert ng BTS?" tanong ng driver sakanila habang pinupunasan ang ilong na dumudugo.
Nakonsesya na naman si Alchi sa nakita.
"Opo pero nag-aabang pa kami ng masasakyan. Baka hindi na kami makakaabut sa concert nito." sagot ni Mericris.
Tumango lang ang driver na parang naiintindihan nya sila.
"Bakit alam nyo po na may concert ang BTS ngayon?" tanong naman ni Leah sa driver.
Naintriga naman ang mga dalaga. Tinignan nila ang driver at naghintay sa sagot nito.
Ngumiti ang driver sakanila bago sumagot. "Papunta kasi kami dun.Pwede kayong sumama samin dun sa concert."
"Kami? Marami kayo dyan?" tanong ni Jessel sa driver at tinuro ang van.
"Oo. Sila nga yung gustong pasabayin kayo papunta dun." sagot nung driver na nakangiti na parang may alam sya na hindi nila alam.
Nagtaka naman sila kung anong ibig sabihin ng ngiting iyon.
"Talaga po? Nakakahiya naman po." sabi ni Kathleen.
"Wag na kayong mahiya.Kesa namang hindi kayo makakaabut dun." sabi ng driver.
Tatango-tango naman sila. May point kasi ito.
"O sige na, sakay na kayo dahil male-late na kayo."
"Maraming salamat po talaga."
Binuksan ng driver ang pinto ng van. Tumambad sa kanila ang pitong taong nakatingin sa bintana.Nagtaka sila kung bakit parehong-pareho ang mga ito ng position.
Di nila matukoy kung lalaki ba o babae dahil madilim sa loob. At nakasuot ang mga ito ng hood.
Binalewala na lang nila yun at umupo katabi ang mga ito.
Di nila alam na ang katabi pala nila ang mga taong gusto nilang makita, at ang mga taong dahilan kung bakit pupunta sila sa concert.
"Can we go now, sir?" tanong nung driver sa lalaking katabi ni Alchi.
Nalaman nila na mga lalaki pala ang mga katabi nila.
Tumango ang lalaki sa driver at saka nagsimula ng tumakbo ang sinasakyan nila.
Tahimik ang naging byahe nila. Hindi kasi nila alam kung paano magsimula ng isang convo sa katabi nila dahil hindi naman sila pinapansin ng mga ito at nakatingin lang sa bintana.
"We're here." sabi ng driver.
Parang nadagdagan naman ang excitement ng mga dalaga sa narinig. Sa wakas! Makikita na rin nila ang BTS!
"Maraming salamat po, manong." Nagulat pa sila nang sabay silang nagsalita.
"Hindi dapat ako ang pasalamatan nyo. Yang katabi nyo ang pasalamatan nyo mga iha.Foreigners sila kaya magsalita na lang kayo ng Inglis."
Napatingin naman agad sila sa katabi nila at napalunok ng laway. Hindi nila alam kung bakit kinakabahan sila.
"Thank you so much for the ride, sir." sincere na sabi nila sa mga lalaki bago sila lumabas sa van.
Nagtaka naman sila nang hindi pa umalis ang van.
Lumabas ang driver at lumapit sa kanila.
"Pwedeng hingin ang mga pangalan nyo,mga iha? Gusto kasi nilang malaman ang mga pangalan nyo." sabi ng driver na ang tinutukoy ay ang mga lalaki sa van.
Ah! Yun lang naman pala eh.Ngumiti sila sa driver bago binigay ang pangalan nila.
"Maraming salamat,mga iha. Sige na pumasok na kayo,baka malate kayo. Pupunta pa kami sa parking lot."
Tumango lang ang mga dalaga habang nakangiti.
Pumasok ang driver sa driver's seat at nagsimula na syang mag drive.
Nakangiti namang kumakaway ang mga dalaga bago sila pumasok sa loob.
BINABASA MO ANG
Fake Love
Fanfiction"Guys? K-kanino tong humintong van?" Nabigla ang mga pitong dalaga na magbabarkada dahil may humintong van sa harapan nila. Nakaramdam sila ng kaunting takot. Nataranta sila at hindi makaisip ng mabuti. "Baka mga kidnapper! Putek! Tumakbo na tayo...