iamkathleenmarie, salamat sa pagtulong mo sa'kin na gumawa ng mga titles every chapter. Labyuu! Mwah! 😘
--------------------
GIRLS' SIDE
"Sino ba ang mga yan?"
"Bakit parang mga rockstar?"
"Manahimik na nga kayo! Magsisimula na!"
Yan ang mga narinig ng mga girls sa mga nasa likuran nila. Sila kasi ang nasa unahan malapit sa stage.
Hindi nalang nila pinansin yun at nagfocus na lang sa mga lalaking na sa stage.
Namangha sila sa mga ito dahil napakahusay nila sa pagdidisguise. Talagang hindi mo malalaman na sila yun kung hindi mo alam na magpeperform ang mga ito ngayung gabi.
Pinigil naman nila ang sarili sa paghiyaw at baka malaman ng mga tao dito na hindi lang ito basta-bastang isang banda lang.
Kaya naisip na naman ni Kathleen kung bakit ang BTS pa ang nag offer sakanila?
"Bakit kaya nag offer sila sa'tin? What do you think?" tanong ni Kathleen sa mga kaibigan niya.
They just shrugged their shoulders. Talaga namang hindi nila alam yun. Naguguluhan din sila tulad ni Kathleen.
Natigil ang pag-uusap nila nang nagsimula na ang mga ito sa pagtugtog at pagkanta.
Nakalimutan nila na marunong pala ang mga ito sa pagtugtog. Kaya manghang-mangha na naman sila sa mga ito.
Parang nag-transform ang mga ito. Parang nawala ang BTS ngayon, ang nandito lang ay isang banda na ordinaryo lang.
Hindi nila magawang tumingin sa iba sa mga oras na iyon. Para bang hinihigop ka nila sa mga tinig at kanta nila.
Hindi lang sila ang nakaramdam nun. Halos silang lahat na nandun ay nakatitig sa mga lalaking nasa stage. Parang naka-glue na ang mga mata nila doon.
Nagpasalamat naman ang mga babae dahil puro English songs ang kinanta ng BTS. Dahil baka mahalata ng mga fans nila na sila yung nagperform ngayon kung Korean songs yun.
Natapos ang napakagandang performance ng mga ito.
Nakangiti ang mga tao habang papunta sa kanya-kanyang mga rooms nila sa hotel.
Napangiti rin sila sa nakitang epekto ng BTS sa mga customers nila.
"Bakit napakafamiliar ng mga tinig nila?"
Nawala agad ang mga ngiti nila nung narinig yun sa paligid nila.
Agad silang napatingin sa dalawang magkakaibigan na hindi pa umaalis.
"Oo nga eh. Hindi sa nag-a-assume ako ha, pero para kasi silang BTS. Nagconcert pa nga sila dito sa pinas diba? Baka hindi pa sila umuwi? Hays! Wag mo na lang pansinin ang sinabi ko."
Rinig pa nila ang pag uusap ng mga ito. Kaya tumigil sila at nakinig.
"Yan din yung naisip ko eh. Hindi kaya?..."
"Di bale, na-videohan ko yung kanina. Ipopost ko yun sa page sa ARMY at tignan din natin kung ano ang reaksyon nila."
Nanlaki ang mga mata nila at napatingin sila sa isa't-isa.
"Shit! Hindi pwede!" mahinang sambit ni Denise.
"Pano nato?" nag-alalang tanong ni Mary.
Walang makasagot sa tanong ni Mary dahil kahit isa sa kanila, hindi kayang sagutin ang tanong niya.
"Diba ang sabi ng mga tao, nandito lang yung mga unkown owners ng hotel and resort nato? Alam kong may alam sila. Tatanungin kaya natin dito yung isa sa mga staffs dito kung nasan at sino ang mga yun?"
"Oh crap!" halos magkasabay pa sila sa pagsalita dahil sa narinig.
So ngayon, kasali naman sila?"What if yung mga irresponsible staffs yung napagtanungan nila? Papatayin ko na talaga sila." Nanggigigil na sabi ni Alchi sakanila habang iniisip ang mga iresponsableng employees nila.
Narealize naman nila iyon kaya mas lalo silang kinabahan.
Hindi nila namalayang lumapit na pala ang dalawang magkakaibigan sa kanila.
"Ahm, excuse me miss. Alam nyo ba kung sino ang mga owners ng hotel and resort nato?"
Agad silang napatingin sa nagsalita. Nagulat sila nung napagtanto nila kung sino yun. Pero hindi nila pinakita.
"Ahm, no. Customers rin kami dito gaya nyo. Wala kaming kaalam-alam kung sino man ang mga yan." nakangiting sabi ni Leah sakanila.
"Ah, okay. Salamat na lang." nakangiti ring sabi ng isa sa dalawang magkakaibigan at umalis na ang mga ito.
Napatingin naman sila sa isa't isa na parang iisa lang yung nasa isip nila.
"We need to tell them!"
BINABASA MO ANG
Fake Love
Fanfiction"Guys? K-kanino tong humintong van?" Nabigla ang mga pitong dalaga na magbabarkada dahil may humintong van sa harapan nila. Nakaramdam sila ng kaunting takot. Nataranta sila at hindi makaisip ng mabuti. "Baka mga kidnapper! Putek! Tumakbo na tayo...