CHAPTER 19: Serendipity

12 2 0
                                    


GIRLS' SIDE

"Sabi ko na nga ba! Ikaw nga yung nag set-up nito!" pasigaw na sambit ni Kathleen sa babaeng tinatawagan niya sa kanyang cellphone. Ang kaibigan nila na naghandle sa branch ng business nila sa South Korea ang tinatawagan nila.

"Ano naman kung ako nga?" natatawang sabi naman ng kaibigan nila. Halatang iniinis ang mga kaibigan nito.

"PAOLA!" sabay namang sigaw ng mga babae dito sa phone. Halatang nainis sa pagtawa ng kaibigan nila.

"Aray! Mga leche kayo! Ang sakit ng tenga ko!" reklamo naman ni Paola. "Hindi ba kayo nasiyahan sa surpresa ko?" dagdag niya.

"Ahhh.. Kaya pala.."

"Kaya pala ano?" nagtatakang tanong ni Paola sakanila.

"Nasurprise talaga kami. Salamat ha? Kasi dahil sa surprise mo, muntik na kaming magpatayan. Salamat talaga at aware kaming nandito sila. Tsk" sarcastic na sabi ni Alchi dito.

"ANO?!"

Sila naman ang napa-cringe ng mukha dahil sa lakas ng boses nito.

"Bakit naman kayo muntik na magpatayan?" natatawang sabi nito. Natatawa ito dahil napicture out niya ang nangyari.

"Kasi, ganito kasi yun..." At inexplain naman ni Denise ang nangyari.

"Hahahaha. Mga baliw!" sabi nito na ang lakas pang tumawa.

"Bakit ba kasi hindi mo sinabi ha?! Yan tuloy napahiya pa kami sa harapan nila! Mukha na kaming baliw nun." pagmamaktol naman ni Leah dito.

Mas lumakas naman ang tawa ni Paola sa phone.

"Wag nyong sabihin, puro mga nakakahiyang nangyari lang ang naranasan nyo? Wala bang nangyaring maganda?" sabi pa nito na parang may nalalaman na hindi nila alam.

Mukhang na picture out nila ang smirk nito.

Natahimik naman sila ng ilang segundo. Pinamulahan sila ng mukha ng maalala nila ang dinner kasama ang BTS.

"So?" naghihintay naman si Paola sa sagot nila.

"M-meron naman." nauutal pang sabi ni Mary.

Nagulat na lang sila nang biglang tumili ng malakas si Paola.

"Ang sakit talaga sa tenga yang tinig mo!" pagsita naman ni Jessel kay Paola.

"Ayiiiee!!! Share! Share!" sigaw naman ni Paola kasabay ang pagtili. Binalewala lang niya si Jessel.

"Ayaw nga namin!" sabi nila dito.

Parang nafeel nilang nagpout ito.

"Ayyy ang KJ ng mga ito talaga! Wag kayong mag alala, bibisita ako jan soon!" bumalik naman ang sigla sa tono nito.

Nagkatinginan naman ang magkakaibigan sa isa't isa na parang naalarma.

"NO!" sabay nilang sigaw dito.

"Wow! At tinig ko pa daw ang masakit sa tenga. Tsk tsk. At bakit hindi nyo ako pabibisitahin sa mga kaibigan ko aber?" sabi nito.

"Hindi naman talaga kami ang bibisitahin mo dito. SILA naman talaga ang puntirya mo dito." sabi ni Mericris na napairap pa sa mga mata.

Tumawa naman si Paola. "Takot ba kayo dahil aagawan ko kayo?" sabi nito na nang aasar sakanila.

"We don't need to be afraid to compete with you because right now, I can already see your downfall. You're not even a challenge for us." sabi ni Kathleen na naka smirk. Para bang sineryoso niya ang sinabi ni Paola pero alam naman niyang nagbibiro lang ito at alam din nito na nagbibiro lang sya.

Napatawa naman ang mga kaibigan niya kasama na si Paola.

"Ouch ha? Ang sakit nun. Hahaha. Panalo ka na! Wag mo na akong ingglisin dyan! My nose is bleeding already!" natatawang sagot ni Paola.

Tumawa naman silang lahat. Nagpatuloy pa sila sa pagkwekwentuhan ng ilang oras bago sila nagpaalam sa isa't isa.

------------

Napamulat sa kanyang mga mata si Alchi mula sa pagtulog at napatingin sa terrace ng kwarto niya.

Nagulat sya dahil madilim pa. Napatingin sya sa wall clock niya at napag alaman na 4:00 am pa lang.

Hindi naman sya makabalik sa pagtulog kahit anong pilit niya kaya napagpasyahan niyang lumabas na lang ng bahay at humiga sa mga buhangin dun.

Napatingin sya sa mga bituin at nakangiti dahil sa kagandahan ng mga ito.

Nag-hum sya sa kanta ni Jimin na Serendipity.

"Just let me love youuu. Let me love, let me love you"

Napaupo naman sya sa gulat at napatingin sa nagmamay ari ng magandang tinig na yun.

Nanlaki naman ang mga mata niya sa nakitang nasa harapan niya.

"JUNGKOOK?! Why are you here so early?" gulat na sabi niya dito.

"I could ask you the same question." nakangiting sagot nito.

"Can I sit beside you?"
sabi pa nito.

Tumango naman si Alchi at umupo naman si Jungkook katabi niya.

Nagkwentuhan sila tungkol sa mga nangyari sa buhay nila at nagtawanan sa mga nakakahiyang nararanasan nila.

Akala ni Alchi na mahirap pakisamahan ang lalaki, pero kasalungat pala ito sa inaasahan niya.

Masaya sya dahil may isa na syang close sa BTS.

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon