GIRLS' SIDE"Anyare dun?" sabi ni Kathleen.
Sinundan nila ng tingin ang kaibigan nilang nilagpasan lang sila.
"Hala! Puntahan natin! Matampuhin pa naman yun." sabi naman ni Denise.
"Baka di na tayo bibigyan ng mga chocolates nun." pabirong sabi ni Jessel.
Tumawa lang sila at saka sinundan si Alchi na pumasok sa beach house nila.
Nakita nila si Alchi na pabalik-balik sa paglakad na halatang hindi mapakali.
Nung nakita ni Alchi ang barkada niya, lumapit sya agad sa mga ito na may expression na parang natatae.
"Anong nangyari sayo? Hindi mo ba mailabas ang tae mo?" nag aalalang sabi ni Mary kay Alchi.
Nagulat na lang si Mary nang sinapak sya nito.
"Aray!""Bakit ganyan ang mukha mo? Na-praning ka na ba?" sabi ni Leah kay Alchi.
Nilingo ni Alchi ang ulo niya. Para pa rin syang natatae.
"Ano ba talaga ang nangyari sayo, Chi?" sabi naman ni Mericris.
Tumingin sakanila si Alchi at ibinuka ang bibig na parang may sasabihin. Naghintay naman sila sa sasabihin nito. Pero nung walang lumabas ni isang salita sa bibig niya, nawalan sila ng pasensya at sinapak na sya.
Hinimas naman ni Alchi ang ulo niyang nasapak.
"Anong bang nangyari sayo? Ang lutang mo!" inis na sabi ni Kathleen kay Alchi. Inirapan niya ng kanyang mga mata si Alchi.
"Hindi talaga kayo maniniwala sa sasabihin ko." sabi ni Alchi sakanila.
Kumunot naman ang mga noo nila.
"Na ano?"
Ibinuka ni Alchi ang bibig niya at sinara na naman. Inulit na naman niya ang ginawa niya kaya lalong nainis ang mga kaibigan niya sakanya.
Hindi na napigilan ni Denise na kapahin ang noo nito kung may sakit ba ito.
"Wala ka namang lagnat. May iba ka bang sakit na involve ang...utak mo?" parang naghesitate pa si Denise na sabihin yun.
Nanlaki ang mga mata nila. Naisip nilang posible yun.
Binigyan lang sila ni Alchi ng poker face niya.
"Ano ba? Hindi ako baliw!" sagot naman ni Alchi sakanila.
"So, ano nga?! Nakakainis ka na ha!" inis na sabi ni Leah.
"Yung mga lalaking sinayawan ko. Hindi talaga kayo maniniwala sakin. Sila—"
*ding dong*
Napatingin naman sila sa pintuan nila. Si Kathleen na mismo ang lumapit dun para pagbuksan ang nag doorbell.
Nanlaki ang mga mata ni Alchi. Nataranta sya. Baka kasi ang BTS yun, yung mga lalaking sinayawan niya. Nag assume naman sya na sila yun. Assumera! XD
"Kath! Wag!" sigaw ni Alchi.
Napatigil naman si Kathleen sa pagpihit ng doorknob at napatingin sa praning niyang kaibigan.
"Ano ba? Para kang baliw. Isa sa mga staffs lang natin to na may kailangan." sabi ni Kathleen sakanya na naiinis.
Bumalik ang tingin nila kay Alchi.
"Sino ba yung mga lalaking sinayawan mo? Mga kriminal ba na kilala ka?" tanong ni Mericris sakanya.
"Hin—"
"Mga kriminal ba na may galit sayo?" tanong naman ni Mary.
"Hin—"
"O mga pulis na kinaiinggitan ka kaya galit sila sayo?" tanong naman ni Jessel.
"Hin—"
"Wag kang mag alala, Chi. May peephole naman tayo sa pinto natin. Titignan ko na lang kung sino para naman gumaan ang loob mo." naging soft na ang pagsalita ni Kathleen at hindi na yong kaninang naiinis. Naiintindihan niya ang pag aalala ni Alchi sakanila.
Sumuko na lang si Alchi sa pagprotesta. Akala ng mga kaibigan niya na nag aalala siya sa mga ito dahil may mga kriminal na gumagala sa paligid. Naintindihan naman niya sila dahil kapag may danger lang talaga siya parang hindi mapakali.
Tinignan ni Kathleen sa peephole kung sino ang nagdoorbell.
Tumingin sya sa mga kaibigan niya at ngumiti."Don't worry chi, mga staffs lang natin ang nagdoorbell." sabi ni Kathleen kay Alchi at ngumiti para i-assure sakanya na okay lang.
Tumango naman si Alchi sakanya at napabuntong-hininga.
Pinihit ni Kathleen ang doorknob at nakangiting tinignan ang mga staffs. Nilakihan niya ang awang ng pinto para makita ng mga kaibigan niya.
"Good day, Maam. Ah, sorry po sa abala pero po wala kasi yung banda na hinire niyo na dapat sana ay magpeperform ngayong gabi." sabi ng babaeng staff nila.
Nanlaki ang mga mata nila.
"ANO?"Hindi tumingin sakanila at nakayuko lang ang dalawang staffs sa harapan nila.
"Salamat at sinabi nyo agad. Sige na bumalik na kayo sa trabaho nyo. Kami na ang bahala dito." sabi ni Kathleen sa dalawa.
Klarong-klaro sa mga mukha niya at sa mga kaibigan niya na problemado sila. Saan ka naman kasi makakita ng isang banda sa ganitong alanganing oras?Nagpasalamat ang dalawang staffs bago umalis.
"Pano nato? Yun pa naman yung palaging inaabangan ng mga customers natin dito." nag aalalang sabi ni Denise.
Halos sabay silang napabuntong-hininga.
BINABASA MO ANG
Fake Love
Fanfiction"Guys? K-kanino tong humintong van?" Nabigla ang mga pitong dalaga na magbabarkada dahil may humintong van sa harapan nila. Nakaramdam sila ng kaunting takot. Nataranta sila at hindi makaisip ng mabuti. "Baka mga kidnapper! Putek! Tumakbo na tayo...