CHAPTER 29: Kath's Hypothesis

13 2 0
                                    


GIRLS' SIDE

"Bakit mo naman sinet-up sina Jungkook at Denise kahapon?" tanong ni Leah kay Alchi na kumakain ngayon ng paborito nitong chocolate.

Nandito ngayon sila sa living room nila at nag-uusap tungkol sa mga nangyayari nung mga nakaraang araw.
May kanya-kanya naman silang mga kinakain na hawak.

Napatingin naman agad ang mga kaibigan nya kay Alchi.

"Si Jimin nagsabi nun eh. Sumunod lang ako." sagot ni Alchi sabay kagat ng chocolate nya.

"At kailan ka pa sumunod sa gusto ng iba?" sabi ni Mary na napataas ng isang kilay.

Namula naman si Alchi sa tanong nito pero agad din nyang denepensahan ang sarili.

"Gusto ko rin namang maging close sina Denise at Jungkook! Kaya sumabay rin ako sa trip nya!" sabi niya.

"You don't need to be so defensive, Alchi. Normal naman yung inspired ka kaya nagbago ka na. Diba?" dumagdag naman si Kathleen sa panunukso kay Alchi.

"Ewan ko sainyo. Bahala kayo." parang nainis na sabi ni Alchi sakanila.

Tumawa naman sina Kathleen at Mary at nag-high five.

"Teka...Bakit naman kaya gusto ni Jimin na iset-up ang dalawa? I thought Denise is his type? What happened?" nagtatakang sabi ni Jessel sakanila.

Nanlaki naman ang mga mata nila sa sinabi ni Jessel. Hindi nila alam yun! Pwera na lang kay Alchi na pinapatay na nya sa tingin si Jessel dahil sinabi nito ang sekretong ipinagkatiwala nya dito.

"WHAT?!" halos magkasabay na sambit ng magkakaibigan, lalong-lalo na si Denise.

"Nevermind." pagputol agad ni Jessel sa maaaring magiging topic nila.

Pero ngayon nya lang naalala na hindi pala sya tatantanan ng mga kaibigan nya hanggat hindi nakukuha ang sagot na gusto nila.

"Nasabi mo na, Sel. Wag mo nang bawiin. Now, spill the beans!" atat na sabi Mericris.

Napabuntong-hininga naman si Jessel at tinignan si Alchi na may apologetic look. Tumango lang ito. Wala na kasi itong choice.

Sinabi naman lahat ni Jessel yung sinabi ni Alchi sakanya na sinabi rin ni Jungkook kay Alchi.

Pagkatapos nyang sabihin yun, napanganga silang lahat.

"Wait..."

Napatingin naman sila kay Kathleen na parang may biglang nalaman.

"Sabi ni Jungkook na sinabi yun ni Jimin nung SAKAY SILA NG VAN nila papunta dito. Hindi natin sila nakitang sumakay ng van at saka kasama natin sila araw-araw. At una nilang tayong nakita ay nung pumunta sila sa beach house natin or baka nakita rin nila tayo nung tumatawa tayo sa sayaw ni Alchi. Ang point ko dito ay kung pano nya nasabi na type nya si Denise kung hindi pa nya nakita si Denise or tayo nung nasa loob ng van pa lang sila? Unless, kilala na nila tayo nung hindi pa sila nakatungtong dito sa hotel and resorts natin."

Napanganga naman sila sa hypothesis ni Kathleen. Hindi sila makapaniwalang nakita agad nito ang butas.

"Bakit ngayon ko lang na-realize yun?" sabay na sabi nina Jessel at Alchi.

Nag-roll eyes naman si Kathleen sa dalawa.

"Hindi nyo kasi inaanalyze ang sinabi ng tao. Nakinig lang kayo at tinanggap yun pero hindi nyo kinalatis ang sinabi nya." sagot nito.

"Sorry, hindi gumana yung utak ko sa oras na yun eh." palusot pa ni Alchi.

"Kailangang aware ka palagi, Alchi. Pulis ka eh." sabi ni Kathleen sakanya.

Pulis kasi ang trabaho ni Alchi. Nag-leave lang muna sya sa trabaho para makapagbakasyon dito sa hotel and resorts nila. Silang lahat ay nag-leave sa mga trabaho nila.

"Okay, sorry ulit, Attorney." pabirong sagot ni Alchi na sinabi rin ang trabaho ni Kathleen.

Nagroll-eyes naman si Kathleen sakanya pero tumawa rin naman.

"So, ano na? Tatanungin ba natin sila tungkol dyan?" biglang tanong ni Leah sakanila.

"At anong itatanong mo? 'Jimin, pano mo nasabing type mo si Denise ni hindi mo pa nga sya nakita nung sinabi mo iyon sakay ng van papunta dito?' Ganun?" sambit ni Denise na parang hindi gusto ang ideya. In short, nahihiya sya.

"Yan yung itatanong natin, pero yung English version lang sa sinabi mo." sabi ni Mary na natatawa.

"Isa ka pa!" sambit ni Denise.

Hindi naman nagulat si Mary nung sinapak sya nito.

"Dapat ba tayong magalit sakanila dahil tinago nila 'to sa'tin?" tanong ni Mericris sakanila.

Napunta agad ang mga tingin nila kay Mericris dahil sa tanong nito.

"Para sa'kin, hindi tayo kailangang magalit. I'm sure they have their reasons." seryosong sabi ni Jessel sakanila.

Tumango naman sila sa sinabi ni Jessel. Agree silang lahat.

"Pero gusto ko munang asarin sila. Magkukunwari akong nagagalit sakanila at magsto-stolen ako ng pics sa priceless reaction nila." sabi ni Alchi at tumawa pa ng mala-kontrabida.

"Sige!" sagot naman ni Mary na parang naeexcite pa.

Nag-high five naman sila ni Alchi.

Natawa naman ang mga kaibigan nila at napailing na lang sa kanilang mga ulo.

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon