GIRLS' SIDE
"Hoy! Bumangon ka na bruha ka! Ikaw na lang ang natutulog dito!" sigaw ni Alchi ni Leah at niyugyog pa ito.
Nainis naman si Leah at pinalo ang mga kamay nito.
"Peste! Umalis ka dito! Disturbo ka sa maganda kong tulog!" sigaw rin ni Leah sakanya at saka tinakpan ang mukha ng unan.
"Ah ganun? Gusto mong buhusan kita ng kumukulong tubig dyan?! Hala bangon!" sigaw rin ni Alchi sakanya habang nakapamewang. Para syang inang pinapagalitan ang anak.
Nakasimangot namang bumangon si Leah. Napakamot sya sa buhok niya sa inis.
"Leche! Ang laki talaga ng bunganga mo!" inis paring sabi ni Leah.
"Tignan mo lang kapag hindi ko nakikitang bababa ka dun." sabi ni Alchi sakanya na parang nagbigay ng death threat kay Leah.
Tumalikod si Alchi kay Leah at lumabas ng kwarto nito.
Nakita naman ni Jessel na pababa ng hagdan si Alchi.
"Toy! Halika na! Kumain na tayo." tawag ni Jessel sakanya. Para bang aso ang pagtawag nito kay Alchi.
(ang 'toy' ay shortcut ng 'itoy' na ibig sabihin ay 'tuta' sa bisaya.yun ang CS ng dalawa—Alchi at Jessel)
"Parang aso talaga, toy?" natatawang sabi ni Alchi.
Lumapit si Alchi sakanila sa hapagkainan at saka umupo sa upuan niya.
"Si Leah?" tanong ni Kathleen kay Alchi. Nagtaka ito kung bakit hindi kasama si Leah.
"Coming!"
Napatingin naman sila kay Leah na patakbong bumaba ng hagdan. Lumapit siya sa hapagkainan at umupo sa upuan niya.
Nagsimula na silang magdasal at pagkatapos ay kumain.
"Grabe talaga ang BTS kagabi no? Mas gumwapo pa sila lalo. Walang kakupas-kupas pa rin si Jin!" sabi ni Mericris na kinikilig habang kumakain.
"Mas lalo rin silang naging hot." sabi rin ni Kathleen.
Tumango naman sila.
"Grabe rin tong mga ARMY eh. Ang loyal parin." sabi ni Leah bago sinubo ang pagkain.
"Talaga!" agree naman nila.
"Sya! Magmove on na tayo dyan. May isa kasi DIYAN na may dapat gagawin ngayon. Natalo sya sa laro natin kahapon. I hope she didn't forget about that." naka smirk na sabi ni Denise na pasulyap sulyap kay Alchi.
Alam ni Alchi na sya ang tinutukoy ng mga ito. Pero hindi niya pinansin sila at nagkunwaring hindi niya narinig. Nagpatuloy lang siya sa pagkain.
"Ay oo nga! Bakit parang umaakto sya na hindi niya alam? Hmmm.." sabi ni Mary. Tumingin sya sa kisame at hinawakan ang chin niya na kunyari parang nag iisip. Pinariringgan lang niya si Alchi.
Binalewala lang ni Alchi yun pero nung sumali rin ang iba nyang mga kaibigan sa trip nina Denise at Mary, dun na tumingin si Alchi sakanila na defeated ang mukha.
"Pwede mag pass?"
"No way!" sabay nilang sabi.
"Sabi naman namin sayo na truth na lang, dare talaga yung pinili mo. Kaya, face the consequences of your choice." sabi ni Kathleen sabay irap ng mga mata niya.
Bumuntong-hininga na lang si Alchi sa pagkatalo niya.
"Fine!"
Ngumiti naman ang mga kaibigan niya na para bang may balak na masama.
"Anong gagawin ko?"
"Kakanta ka ng 'BOY IN LUV' sa harapan ng mga taong pipiliin namin. Habang kumakanta ka, sasayaw ka ng chacha." natatawang sabi ni Denise kay Alchi.
Agad namang tumawa ng malakas ang mga kaibigan niya dahil iniimagine nila ang gagawin ni Alchi mamaya.
Nanlaki naman ang mga mata ni Alchi. Napatayo sya sa kinauupuan niya.
"WHAT?! NO FUCKING WAY!""Ooops! You can't back down now." pang asar naman ni Mericris kay Alchi.
"Wag kang mag-alala, toy. Nandito lang kami palagi sa likuran mo, nakaalalay, nakasuporta, at tinatawanan ka habang sumasayaw." sabi ni Jessel bago tumawa na naman ng malakas.
Sumabay naman sa pagtawa ang mga kaibigan niya kay Jessel.
"Pakers."
BINABASA MO ANG
Fake Love
Fanfiction"Guys? K-kanino tong humintong van?" Nabigla ang mga pitong dalaga na magbabarkada dahil may humintong van sa harapan nila. Nakaramdam sila ng kaunting takot. Nataranta sila at hindi makaisip ng mabuti. "Baka mga kidnapper! Putek! Tumakbo na tayo...