Skyler
FREE time namin ngayon at itong si Bria ay kinukulit akong iadd ko daw sa FB si Kiana, follow ko narin daw sa twitter and IG. Pero bakit ko naman gagawin yun? Eh ako ang dapat i-add at i-follow!
"Aish! Ang arte kunwari ka pa, baka akala mo, hindi ko napansin kung paano ka mapa WOW kay Kiana kahapon." pinandilatan pa niya ako ng mata. Jusme!
"FYI hindi lang ako 'noh. At bakit ba pinagpipilitan mo ako kay Kiana? Kung gusto mo ikaw na lang."
"Hmm pag-isipan ko. Siguro pag hindi ko na mahal si Paul?"
Napailing-iling na lang ako. Nababaliw na ata itong kaibigan ko.
"Hi babe~" sulpot ni Paul ang boyfriend ni Bria.
"Yan na pala si monkey. Hoy monkey bantayan mo yang girlfriend mo. Baka mauntog yan at iwan ka na lang bigla." Walang kagatol-gatol na sabi ko sa boyfriend ng kaibigan ko.
"Grabe ka naman sa boyfriend ko." Nag pout pa si Bria.
"Okay lang babe, baka dahil wala pa siyang nagiging boyfriend kaya ganyan siya ka-bitter." sabay smirk ng monkey.
Tsk! Hindi ko talaga gusto itong si Paul para sa best friend ko pero dahil mahal na mahal siya ni Bria kaya pinakikitunguhan ko na lang.
Eh kung ipush ko na lang kaya itong si Bria kay Kiana? Para mag mukhang kawawa itong si Monkey?
Kaso straight din kasi itong si Bria ay..
"Narinig ko yung sinabi mo Monkey.. Ito ang tatandaan mo nasa akin ang huling halakhak." Pinandilatan ko pa siya ng mata.
PAG uwi namin sa unit ay nagulat ako sa sigaw ni Bria.
"OMG may friend request sa fb ko! And guess what?" ngiting tagumpay pa na humarap sa akin si Bria.
"Hanep ka kala ko kung ano nang nangyari sayo! Ano bang bago doon? Lagi namang may nag aadd sayo."
"Iieeehh 'nuka ba si Kiana yung nag add! Dali tingnan mo narin yung sayo."
Aish! Ang kulit.. Siya na yung kumuha sa cellphone ko at excited na kumalikot sa fb ko.
"Password!" sabi niya.
Kinuha ko yung phone ko at binigay ulit sa kanya ng mabuksan ko na yung fb ko.
"OMG! Inadd karin niya.. Pagkakataon mo na ito."
"Magtigil ka nga.. Mabuti pa kumain na muna tayo.. Nagugutom ako."
"Mag padeliver na lang tayo at habang naghihintay tayo sa pagkain ay kilalanin natin si Kiana okay ba?"
"Bahala ka, gawin mo kung anong gustong mong gawin. Magbibihis lang ako. At ikaw ang umorder."
Nagtungo na ako sa kwarto ko.
Iniwan ko narin sa kanya yung phone ko.
"Accept ko na huh?" Sigaw niya.
Bahala siya..
PAG balik ko sa sala ay nangingiting mag-isa si Bria.
"Para kang anga diyan." sabi ko sa kanya.
"Ay nandiyan ka na pala. Ang cute kasi ng mga video ni Kiana at nung girlfriend niya. Kanina ko pa nga hinahanap yung sinabi ni Thomas na sinasaktan siya ni Max pero wala akong makita."
"Malamang hindi niya ipapakita iyon."
"Kung sa bagay.. At alam mo ba influencer pala itong si Kiana? Look oh meron siyang 100,749 na followers sa FB. At lahat ng post niya ay may sense."

BINABASA MO ANG
Girl Crush
Ficção Adolescente(COMPLETED) What if you're straight... Pero ng makilala mo siya ay nagbago ang lahat? Yung pinipilit mong wala lang ay lalong umusbong? Yung dating akala mo ay "Girl Crush" lang ay nauwi sa "Mahal na kita"??? Ipagpatuloy mo pa kaya kung ano ang iyo...