Bria
ENROLLMENT na pala, sobrang bilis ng araw at hindi man lang namin na-enjoy ang bakasyon.
Paano nga ba mag-enjoy? Gayong ang mga kaibigan ko ay nagdurusa lalo na ang best friend kong si Sky.
Wala parin kaming balita kung nasaan si Miley, yung number din ni Kiana ay hindi namin ma-contact. Pinuntahan narin namin ang lahat ng nalalaman ni Kiana na posibleng puntahan ni Miley pero bigo kaming makita ito.
Mas lalo tuloy akong nag-aalala kay Sky. Sobrang laki na kasi ng pinagbago niya, parang hindi ko na siya kilala, pati yung pakikitungo niya sa akin ay nagbago.
Pero syempre hindi ko susukuan ang kaibigan ko, kahit na hindi niya ako kausapin, kahit na hindi niya ako yakapin pabalik, kahit na hindi niya sagutin yung mga I love you ko sa kanya, for me siya parin ang nag-iisang best friend ko.
Alam ko na babalik din si Sky, kailangan lang talaga namin maibalik si Miley.
Iintindihin ko na lang siya, inisip ko na lang na kung sa akin mangyari 'to, malamang hindi rin ako susukuan ni Sky.
"Babe, kamusta si Sky?" Mahinang tanong ni Kiana.
Nandito kaming tatlo sa CR at si Sky ay nasa loob ng cubicle habang kaming dalawa ay nag-aayos ng sarili.
"Ganun parin, tahimik at hindi nagsasalita." Sabi ko.
"Paano kapag biglang pumunta yung Mom ni Sky sa unit niyo at maabutang ganun si Sky?"
Tanong ni Kian."No choice kundi sabihin ang totoo." sagot ko
Bigla namang pumasok si Thomas sa CR na ikinagulat namin dahil pasigaw pa itong nagtawag.
"GUYS" sigaw ni Thomas.
"OH MY GOD!" sabay naming bigkas ni Kiana, nabitawan niya nga yung hawak niyang perfume buti na lang hindi nabasag.
"Couz ano ba!" Irita kong sabi ko sa kanya.
"Thomas anong ginagawa mo dito? Lumabas ka nga pasalamat ka kami lang tatlo ang tao dito sa CR." sabi ni Kiana.
"ANG TAGAL NIYO! NAKITA NAMIN SI MILEY." sigaw ni Thomas.
"WHAT?" sabay ulit naming sabi ni Kiana.
Bigla namang lumabas sa cubicle si Sky at tila nagkaroon ng pag-asa ang aura niya.
"Nasaan si Miley?" nagsusumamong tanong ni Sky.
"Pinasundan ko kay Brix, hali na kayo guys ito na ang pagkakataon natin para makausap siya." sabi ni Thom.
Mabilis namang tumakbo palabas si Sky na sinundan narin namin.
NAKITA namin si Brix na tahimik na nakatanaw sa kinaroroonan ni Miley.
Napansin ko rin na hindi maialis ang tingin ni Brix sa kinaroroonan ni Miley, tila curious din ito.
Pupuntahan na sana namin pero pinigilan kami ni Brix.
Kahit si Sky ay napigilan niya.
"Ano ba Brix? Bitawan mo'ko." sabi ni Sky.
"Sky, may mga body guards siyang kasama.. Tiyak na magkakagulo kapag nilapitan natin si Miley." sabi ni Brix.
"Wait sino yung babaeng yumakap kay Miley?" sabi ni Kiana.
Nagkatinginan kami ni Kiana.
Napatingin narin ako at nakita ko nga ang tinitukoy ni Kiana, napansin ko rin na ang sweet ng dating nung dalawa.
BINABASA MO ANG
Girl Crush
Fiksi Remaja(COMPLETED) What if you're straight... Pero ng makilala mo siya ay nagbago ang lahat? Yung pinipilit mong wala lang ay lalong umusbong? Yung dating akala mo ay "Girl Crush" lang ay nauwi sa "Mahal na kita"??? Ipagpatuloy mo pa kaya kung ano ang iyo...