Kiana
LIMANG ARAW na ang nakalipas since nakipaghiwalay ako kay Bria. Ayoko namang gawin sa umpisa pero ito lang ang naisip kong paraan.
Limang araw narin kaming pasulyap-sulyap lang sa isa't-isa lalo na at classmates kami sa lahat ng subjects maliban lang sa isa.
Hindi ko siya kinikibo ganun din siya sa akin, kahit si Sky ay hindi narin ako kinikibo.
Madalas din na makasama ko pag walang klase ay sina Miley at Sabine.
Siguro mas nakabuting nakakasama ko si Miley at Sabine dahil kahit papaano ay nagkaroon ako ng pagkakataon para makilala ng lubos si Sabine.
Habang tumatagal din ay nagkaroon ako bigla ng pagdududa sa relasyon ng dalawa. Ewan ba para kasing mag kaibigan lang sila at hindi magkasintahan o sadyang ganun lang sila.
First day ng pasukan ay hindi pumasok si Miley sa kadahilanang masama ang pakiramdam niya, pero ng araw ding yun... Parang nakita ko talaga siya.
Second day ay pumasok narin siya, naging normal naman ang pakikitungo niya sa amin, ganun din si Sabine pwera nga lang sa hindi pag pansin ni Miley kay Sky at si Sabine naman ay kay Brix.
Nang araw ding iyon ay napansin ni Miley ang di pagpansinan namin ni Bria, nagkatinginan pa kami at parang gusto niya magtanong pero hindi niya tinuloy.
Third Day ay hindi parin kami nag-uusap ni Bria, pero yung sweetness ni Bria at Sky ay mas lalong lumala, tuloy-tuloy narin ang pag ngiti ni Sky dahil kay Bria.
Nakatanaw lang ako lagi kina Sky, Bria, Thomas at Brix na laging nagtatawanan.
Masaya naman akong masaya sila lalo na si Bria at Sky.
Kabaliktaran naman ng napapansin ko kay Miley at Sabine, madalas ay nahuhuli ko silang nagtatalo pero hindi naman nagtatagal at magkasundo na naman sila. Hindi ko nga lang lagi naririnig kung ano yung pinagtatalunan nila.
Feeling ko talaga may tinatago pa 'tong si Miley ay iyon ang dapat kong alamin.
Fourth day ay hindi na nakatiis si Miley at nagtanong na siya kung anong pinag-awayan namin. Pero ang sagot ko ay "Next time na lang natin pag-usapan, hindi pa ako ready eh."
Mabuti naman at hindi na siya nangulit, pero base sa itsura niya parang may gusto pa siyang itanong kaya lang ay hindi niya matuloy-tuloy.
Madalas ko rin siyang makita na nakatanaw kay Sky at Bria ng may lungkot sa mga mata.
Feeling ko tuloy konting push na lang ay may malalaman na ako sa kung anong pinagdaraanan ni Miley.
At ngayon nga ay pang-limang araw ko ng di nakakasama si Bria, sobrang miss ko na siya.
Kaya naman magpapakalasing na lang muna ako baka sakaling makalimot at sana may mapala ako sa gagawin ko diba?
Tungga dito tungga doon, isip dito at isip doon ang ginawa ko kung ano ba ang dapat ko gawin.
Nakarami na ako ng inom ng biglang bumukas ang pinto sa kwarto ko.
"Ana, naglalasing ka na naman?" si Miley pala ang biglang pumasok sa kwarto. Humarap ako sa kanya at nakita ko ang pag-aalala niya.
Tama ba yung ginawa ko? Pero siguro naman maiintindihan ni Miley yung ginawa ko.
May biglang pumasok din sa isip ko at heto na siguro ang pagkakataon na hinihintay ko.
"Gusto ko makalimot." sagot ko.
Tumingin din ako sa kanya at pinakita ko sa kanya kung gaano ako nasasaktan ngayon.
"Ano bang nangyayari sayo huh? At makalimot?" Nagtatakang tanong ni Miley.
Tumango-tango ako.
"Alam mo kung gaano ko kamahal si Bria diba?" tanong ko.
"Oo naman, kaya nga nagtataka ako kung bakit hindi kayo nagpapansinan nitong mga araw." Sagot ni Miley.
"Wala na kami." walang emosyon kong sabi.
Napakunot noo naman si Miley sa sinabi ko.
"Anong wala? You mean break na kayo? Pero kailan pa? Since Tuesday?" sunod-sunod niyang tanong ko.
"Since Monday." sagot ko.
"Pero bakit? I mean masaya naman kayo di ba? Mahal niyo ang isa't-isa. So bakit biglaan? Hindi ko maintindihan." nagugulang litanya ni Miley.
Natawa ako ng mapakla sa kanyang sinabi.
"Bakit? Miles, iyon nga din ang tanong ko sa nangyari sa inyo ni Sky eh. Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa mo kay Sky iyon. Mahal mo siya di ba? Alam mo kasalanan mo'to eh, kung hindi mo sana iniwan si Sky, eh di sana hindi ko makikita kung gaano kamahal ni Bria si Sky! EH DI SANA HINDI KO SIYA KAILANGANG PALAYAIN!" Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko.
"Teka ano ba yang sinasabi mo? Paano ko naman naging kasalanan? Alam mo lasing ka lang Ana, tama na yan." sabi niya.
"Hindi ako lasing okay? Ano bang malabo sa sinabi ko? Si Sky at si Bria na HINDI MO BA NAIINTINDIHAN?" sigaw ko sa harapan niya.
"NO! HINDI TOTOO YAN! WTH ANA? ANO BANG PINAGSASASABI MO?" sagot niya.
"Yun ang totoo." sagot ko.
"No, mahal ka ni Bria. At si Sky? I can't believe na magagawa niyang- "
"Nangyari na Miles, wala na si Bria sa akin. Wala rin naman kasi akong laban kay Sky. Kung nakita mo lang kung gaano nag-aalala si Bria kay Sky, na kahit magkasama kami, si Sky parin ang bukang bibig niya. Miles hindi ko lang sinasabi sa kanya pero sobrang selos na selos ako. Inisip ko na lang na baka dahil mag best friend sila, kasi di ba ganun din tayo? Pero wala eh, mas pinili parin ni Bria si Sky nung pinapili ko siya." patuloy kong pag tangis.
Nahinto ako sa pag-iyak ng marinig kong humihikbi din si Miley.
"Oh bakit parang ikaw 'tong iniwan?" tanong ko.
Pero patuloy lang siya sa pag-iyak.
Nang mahimasmasan konti.
"I'm sorry. Sorry talaga." ang nasambit niya habang naiiyak parin.
Parang bigla akong naawa kay Miles, para kasing ang bigat ng dinadala niya.
"I'm sorry din Miles. I'm sorry." ang sagot ko sa kanya at yinakap siya.
Patuloy lang siya sa pagtangis, samantalang ako ay tila nakukunsesya.
I'm really sorry.
BINABASA MO ANG
Girl Crush
Teen Fiction(COMPLETED) What if you're straight... Pero ng makilala mo siya ay nagbago ang lahat? Yung pinipilit mong wala lang ay lalong umusbong? Yung dating akala mo ay "Girl Crush" lang ay nauwi sa "Mahal na kita"??? Ipagpatuloy mo pa kaya kung ano ang iyo...