Miley
HINDI ako mapakali sa aking kwarto, kailangan kong pumunta sa hospital pero kapag lumabas ako ngayon ay kailangan ko ring harapin si Mama.
Tiyak akong may alam na siya kung bakit hindi ako pumapasok, ayoko namang magkasagutan pa kami ni Mama ngayon.
Ayoko ng dumagdag pa sa dinadala niya at ngayon nga ay naiintindihan ko na ang lahat.
Nagulat naman ako ng may biglang kumatok.
Shems, tiyak akong si Mama ang kumakatok.
Dapat chill lang akong haharap sa kanya.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nakita ko ang mama na namamaga pa ang mata.
"Ano pang ginagawa mo dito? Baka kailangan ka ni Sky." sincere na sabi ni Mama.
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Si Mama ba talaga 'to? Grabe iba nagagawa ni Tita Laura.
"Totoo ang lahat ng narinig mo kanina." biglang sabi ni Mama.
"P-Po?" mautal-utal kong sabi.
"Alam kong narinig mo ang lahat, at sa mga tanong mo Oo ang lahat ng sagot ko." sabi niya.
Hindi ko alam pero bigla na lang may tumulong luha sa mga mata ko.
Nakikita ko kasi kung gaano ka-vulnerable ang Mama ko ngayon.
"Gusto ko lang linawin Ma, ibig bang sabihin hindi totoo yung sinabi mong ang pamilya ni Skyler ang dahilan kung bakit namatay si Papa?" tanong ko.
"Sinabi ko lang yun para lumayo ka kay Sky, at siguro naman alam mo na ang dahilan." sabi niya.
"Bakit gusto mong puntahan ko si Sky?" Tanong ko.
"Kasi alam ko namang kahit anong gawin ko, hindi kita mapipigilan na mahalin si Sky. Na-realized ko rin kanina na kung hindi man kami nagkaroon ng happy ending ni Laura baka sakaling sa inyo ni Sky ay meron." Naluluhang sabi ni Mama.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at yinakap si Mama.
"Tanggap mo na kami Ma?" Muling tanong ko.
Tumango-tango naman siya kaya hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko.
Isa pa gising narin si Skyler.
"Thank you Ma." sabay halik ko sa pisngi niya.
"One more question Ma." sabi ko.
"What?" kunot noong tanong niya.
"Do you still love Tita Laura?" tanong ko.
Napabuntong hininga si Mama.
"Anak, hindi naman nawala yung pagmamahal ko sa kanya, lagi siyang mananatili dito." Turo ni Mama sa puso niya.
Napangiti ako sa naging sagot niya.
"Okay na'ko Ma, punta na akong hospital." sabi ko.
"Ah wait Miley, pakisabi kay Laura na saka na kami mag-usap, kailangan ko talagang umalis ngayon." sabi ni Mama.
"Pinapatawad mo na si Tita Laura?" muling tanong ko.
"Matagal na anak, hindi lang talaga ako ready na humarap sa kanya. At siguro sa next time na pagkikita namin ay ready na akong marinig yung lahat ng gusto niyang sabihin." sabi ni Mama.
"I love you Ma and I'm so proud of you. At kung ipaglalaban mo ulit yang nararamdaman mo para kay Tita, support lang din ako." sabi ko at yinakap ulit siya.
BINABASA MO ANG
Girl Crush
Teen Fiction(COMPLETED) What if you're straight... Pero ng makilala mo siya ay nagbago ang lahat? Yung pinipilit mong wala lang ay lalong umusbong? Yung dating akala mo ay "Girl Crush" lang ay nauwi sa "Mahal na kita"??? Ipagpatuloy mo pa kaya kung ano ang iyo...
