Miley
What time is it? It's Christmas time!
30 minutes before Christmas nang tinawag ako ni Sky para papuntahin sa room niya. Nandito kasi kami sa bahay nila at dito na niya ako inayang magpasko tutal ay wala naman ako kasama sa bahay.
Pumayag din naman si Tita kaya hindi ko na tinanggihan ang alok niya.
Tinutulungan ko si Tita at ang mga kasambahay nila sa paghahanda pero itong si Sky ay inuna pa talaga ang gusto niya. Wala rin naman ako nagawa kundi ang sumunod sa gusto ni Skyler dahil sinabi rin ni Tita na sumunod na lang ako sa gusto nito.
Pagpasok ko sa room niya ay todo ngiti itong sinalubong ako ng yakap kaya yumakap na lang din ako.
"Naglalambing na naman?" sabi ko.
"Why ayaw mo ng ganito ako?" sabi niya.
"Hindi naman baka kasi masanay ako at hanap-hanapin ko." sagot ko.
" Well masanay ka na dahil hindi ako magsasawang maglambing sayo." sabay ngiti niya.
Sinong hindi mahuhulog sa kanya di ba? Sobrang swerte ko dahil ako ang minahal niya.
"Teka kaya nga pala pinapunta kita dito kasi ibibigay ko sayo yung gift mo. Pero bago yun pipiringan muna kita." may kinuha siyang pampiring at isinuot sa akin.
"Kailangan ba talaga ng ganito?" Sabay nguso ko. Pero wala na ako makita dahil nailagay na niya ang piring.
"Basta! Magtiwala ka lang sakin okay?" Sabi niya and after that ay pinaharap niya ako sa kanya.
Hindi ko tuloy makita kung anong ginagawa niya ngayon pero feeling ko ngiting-ngiti siya ngayong nakatingin sa akin.
"Are you ready for my surprise?" Tanong niya.
"Ano pa nga ba?" sagot ko naman.
"I want you to be happy lagi mong tatandaan yan." at naramdaman ko na lang na hinalikan ako ni Skyler na agad ko rin namang tinugon.
"I love you." sabi niya at hinalikan ako sa noo.
Napangiti ako. "I love you too." sagot ko.
"Let's go? Para bago mag 12, kumpleto ang Christmas mo." sabi niya at inalalayan na ako.
"Just trust me." dagdag niya pa habang naglalakad na kami.
"I trust and love you Skyler." sabi ko.
"Hahaha Italy?" mahinang hagikgik niya.
"Italy." sabi ko at nangingiti na lang.
Patuloy lang kami sa paglalakad, hanggang sa pababa na kami ng hagdan. My god baka gumulong kaming dalawa dito ah. Pero sabi niya nga magtiwala lang ako sa kanya. I know naman na hindi ako pababayaan ni Skyler.
"Ayan! Nakaraos din." halata ang excitement sa boses ni Skyler. Parang na-excite din tuloy ako.
"Merry Christmas Baby." bulong niya sa tenga ko at tinanggal ang piring ko.
Dahan-dahan kong dinilat ang aking mata, medyo malabo pero nung lumilinaw na ay agad kong nakita sa harapan ko si Mama.
Mangiyak-ngiyak akong tumakbo palapit sa kanya.
"Ma!" saad ko sabay yakap ko sa kanya.
"Akala ko hindi po kayo makakauwi this Christmas, hindi po kasi kayo sumasagot ng tawag." Naiiyak kong sabi.
"Pwede ba yun? Eh tayo na lang ang magkasama at tsaka sobra ang pangungulit sa akin ng girlfriend mo, so paano ako makakatanggi?" nangingiting sambit ni Mama.

BINABASA MO ANG
Girl Crush
Novela Juvenil(COMPLETED) What if you're straight... Pero ng makilala mo siya ay nagbago ang lahat? Yung pinipilit mong wala lang ay lalong umusbong? Yung dating akala mo ay "Girl Crush" lang ay nauwi sa "Mahal na kita"??? Ipagpatuloy mo pa kaya kung ano ang iyo...