Kiana
MONDAY na naman at ibig sabihin ay hindi namin classmates sina Sky at Bria sa unang klase, hindi ko alam kung nakabuti ba ito sa amin or nakasama.
Inaamin ko naman kasing sobrang miss ko na si Bria at gusto ko siyang masilayan.
Nakaupo lang ako sa pwesto at hinihintay ang pag dating nila Miley, tiyak akong late na naman ang dalawang yun. Hindi ko nga alam kung saan pa sila nag pupunta ni Sabine at kung bakit lagi silang nahuhuli sa klase.
"KIANA!!!" sigaw ni Sabine na nasa pintuan at hinihingal pa, naglakad din naman siya agad palapit sa akin.
Kunot noo ko siyang pinagmasdan, ano bang problema nito at mukhang hinabol ng sampong aso.
"SUMAMA KA SA AKIN DALI!" sabay hila niya sakin pero nagpumiglas ako.
"Wait nga Sab, saan mo muna ako dadalhin?" Tanong ko.
"KINA BRIA! mamaya ka nang magtanong dahil kailangan nating maabutan si Miley kung ayaw mong maabutang nagsasapakan yung dalawa." nagmamadaling sambit ni Sabine.
"Wait, WHAT? BAKIT HINDI MO PINIGILAN SI MILEY?" sabay takbo ko palabas ng room.
"HUY HINTAYIN MO KO! PINIGILAN KO SIYA KASO PALABAN!" rinig kong sigaw ni Sabine.
Tsk, sana naman ay di gumawa ng eksena si Miley.
Buti na lang at wala pa gaanong tao kaya walang harang sa daan at mabilis akong nakarating sa room nila Bria. Ngunit pag pasok na pagpasok ko sa room nila ay isang malakas na sampal ang natanggap ni Bria mula kay Miley ang aking naabutan.
"MILES!" sigaw ko at tumakbong palapit sa kanila.
May tatlong estudyante na hindi ko kilala ang kasama namin sa room, nag-aalala tuloy ako at baka kung ano ang mabanggit ni Miley at kumalat ito sa school.
"Ano bang ginagawa mo?" awat ko sa kanya. "Halika na!" Hila ko sa kanya pero nagpumiglas ito.
"Hayaan mo'kong maipaghiganti ang kaibigan ko. Ang kapal ng mukha niyang saktan siya." nanggagalaiti na sambit ni Miley at pinanlilisikan ng tingin si Bria.
"Tapos ka na ba?" biglang sabi ni Bria.
Tiningnan ko ng masama si Bria, bigla kasi akong kinabahan sa smirk na binigay niya kay Miley.
"Masakit ba? Hindi ba't iyon din naman ang ginawa mo? SO ANONG KARAPATAN MONG MAGALIT?" si Bria naman ngayon ang nag-tataas ng boses.
Damn, why so hot BRI? Oh my god hindi ito ang tamang panahon.
Nakita kong napayukom ng kamao si Miley at ramdam ko na rin ang tension sa pagitan ng dalawa. Shocks! I need help kailangan kong mailayo si Mikey kay Bria.
Napatingin ako kay Sky na tahimik lang na pinagmamasdan sina Bria at Miley. Seriously wala siyang gagawin?
Pinandilatan ko siya ng mata na mabuti naman at nakita niya.
"Sab! Halika tulungan mo kong ilayo si Miley dito." sabi ko.
Nasa bungad ng pinto lang kasi si Sab at mabilis naman itong lumapit sa amin.
"No, Ana! Pananagutin ko pa 'tong si Bria." Pagmamatigas ni Miley.
"Ano ba Miles? Hindi na kailangan okay?" sabi ko.
"Hindi? Kaya pala kung makaiyak ka kagabi? Huh! Hindi-" si Miley.
"Stop it Miles." sabi ko.
"This is enough." biglang tayo ni Sky sa kinauupuan niya.

BINABASA MO ANG
Girl Crush
Novela Juvenil(COMPLETED) What if you're straight... Pero ng makilala mo siya ay nagbago ang lahat? Yung pinipilit mong wala lang ay lalong umusbong? Yung dating akala mo ay "Girl Crush" lang ay nauwi sa "Mahal na kita"??? Ipagpatuloy mo pa kaya kung ano ang iyo...