Miley
BAGONG taon at bagong buhay! Siempre with my one and only love, Skyler.
"Class dismissed." anunsyo ng professor namin.
Nagpahuli ako at tsaka si Sabine para hindi makasabay sa estudyenteng nag-uunahan sa paglabas ng room.
Hays bakit kasi may isang subject na hindi ko kasama si Skyler pero kasalanan ko rin naman. Tsk!
"Luh, luh, luh mukhang tinakbo ni Skyler mula sa room hanggang dito ah." sabi ni Sabine.
Napakunot noo ako sa sinabi niya at ng inguso niya yung pinto ay nakita ko si Skyler na humahangos pa.
Nang hanapin niya ako at nakita niyang nakatingin na kami sa kanya ay kumaway-kaway ito na ikinatawa namin pareho ni Sabine.
"Ang kulit!" sabi ni Sabine at natatawa parin.
Napailing-iling naman ako kasi nagpacute pa talaga ito.
Matapos namin ayusin ang gamit namin ay nag-aya narin ako lumabas.
Nang malapit na ako kay Skyler ay todo ngiti na ito, mapagtripan nga muna.
"Ah miss sinong hinihintay mo? Wala na kasing tao sa loob eh." Sabay ngiti ko sa kanya.
"Ah ganun ba? Sayang naman. Hinihintay ko kasi yung wife ko, baka nakita niyo naman." ganting sagot naman niya.
Napakagat labi ako sa sinabi niyang iyon.
"Ikaw miss nakita mo ba yung wife ko? Her name is Miley baka naman." sabi ni Skyler kay Sabine.
Samantalang si Sabine ay napailing-iling nalang din.
"Bala nga kayo diyan, dinamay niyo na naman ako." sabi pa niya at kami naman ni Skyler ay natawa na lang.
"Ikaw kasi eh..." sabi ni Skyler at hinatak na ako para yakapin.
"Uhmmm sobrang namiss kita." sabi niya habang yakap ako.
Gumanti naman ako ng yakap yung mahigpit!
Sobrang bango kasi! tas nakakagigil pa."Aba! Aba! PDA oh PDA!" sabi naman ni Sabine.
Bahagya akong lumayo kay Skyler.
"Sinong PDA?" Sabi naman niya at ninakawan na naman po ako ng halik sa lips.
"Ayun, pakunwari pa, wala na... Kita mo yung mga tao sa paligid? Ayun yung isa dun nangingisay na sa kilig." sabi niya pa.
Natawa naman kami ni Skyler sa sinabi niya.
Loko din talaga 'to si Sabine eh."Ano na namang pinaggagawa niyo at trending kayo sa school kaaga-aga pa?" salubong sa amin ni Kiana.
"Wow! Nagsalita ang kanina pa pinagtitinginan dito sa canteen." sabi ni Thomas.
"Ssssshh wag mo kami ibuko!" sabi ni Kiana.
Napataas naman ako ng kilay kay Kiana.
"Bakit? Kayo lang ba pwedeng maglandian ni Bria?" sabi ko.
Biglang nagtawanan naman ang iba naming kaibigan sa sinabi ko.
Napanga-nga naman si Kiana.
"Deym, I'm so proud of you na talaga best friend, nagbago ka na nga talaga!" sabi ni Kiana na may pagpalakpak pa.

BINABASA MO ANG
Girl Crush
Teen Fiction(COMPLETED) What if you're straight... Pero ng makilala mo siya ay nagbago ang lahat? Yung pinipilit mong wala lang ay lalong umusbong? Yung dating akala mo ay "Girl Crush" lang ay nauwi sa "Mahal na kita"??? Ipagpatuloy mo pa kaya kung ano ang iyo...