Skyler
NAG aabang kaming magkakaibigan sa harap ng bahay nila Miley, para lang makausap siya pero ni kahit anino niya ay hindi namin napansin.
Hindi rin kami makapasok sa bahay dahil biglang nag iba yung mga katulong sa bahay at bilin sa kanila na walang papapasukin na kahit sino, kahit si Kiana ay hindi makapasok, na simula pa noon ay malaya ng nakakalabas pasok sa bahay nila Miley.
Umalis lang saglit sina Kiana kasama yung dalawang boys para bumili ng food, dahil gutom na gutom na kami. Sana lang may mahanap sila dahil anong oras narin.
"Sky, hindi pa ba tayo uuwi?" naiinip na tanong ni Bria.
"Bria naman, alam mo naman kailangan na kailangan kong makausap si Miley." sagot ko sa kanya.
"I know, pero ngayon ba talaga ang dating niya? At tsaka anong oras na oh? Malapit ng mag 11:00pm, alam mo ba kung anong oras tayong pumunta dito? Kanina pa tayong tanghali dito pero walang Miley na sumusulpot." Halata na sa kaibigan ko ang pagod habang sinasabi iyon.
Samantalang ako, hindi ko na alam ang gagawin, after kasi nung pag-uusap namin ni Miley nung nag hangout kami, kinabukasan ay hindi ko na siya ma-contact.
Iniisip ko kung may nagawa ba akong mali pero wala talaga eh. Nung napansin kong namamaga ang mga mata niya, I know there's something wrong pero hindi ko akalain na bigla niya na lang akong buburahin sa buhay niya ng ganito?
Alam kong ngayon ang uwi nila dahil ito ang napag-usapan namin noon bago siya umalis. At ito na lang ang pag-asa ko para makausap si Miley, dahil kahit sina Kiana, Thomas at Brix ay walang alam sa nangyayari.
"Kung makita man natin ngayon si Miley, ang tanong kakausapin ka ba niya? Hindi ka nga makapasok sa bahay nila." sabi ulit ni Bria.
"Hindi ko na alam Bria." naluluha kong sabi.
Bigla namang dumating si Kiana, Thomas at Brix na may dalang pagkain.
"Oh ito kumain na muna tayo. Ano wala parin bang sign ni Miles?" tanong ni Kiana.
"Thanks Babe" sabay halik ni Bria sa noo ni Kiana. "Wala parin eh." Dagdag ni Bria.
Nung nakita kong hinalikan ni Bria si Kiana sa noo mas lalo lang akong nalungkot. Sobrang miss na miss ko na si Miley.
"Huh, ayaw niyo ba munang umuwi? Malay niyo bukas nandito na si Miley." singit ni Thomas.
"Ay naku, Thom kanina pa'ko nag aayang umuwi." sabi ni Bria.
"Sky, mabuti pa nga siguro umuwi na muna tayo. Balik na lang tayo tomorrow, sasamahan ka ulit namin." sabi naman ni Brix.
"Pero-" pinutol ni Kiana ang sasabihin ko.
"Wala ng pero-pero, mabuti pa nga sa unit niyo na tayo kumain, halika na Sky. Ilang araw ka narin hindi kumakain ng maayos, anong gusto mo haharap ka kay Miley ng ganyan? Don't worry kahit na anong mangyari nandito lang kami para sa'yo, okay? Tutulungan ka namin kay Miley. Pero sana wag mo pababayaan ang sarili mo." sabi ni Kiana.
"Bakit naiiyak ka diyan Bria?" pansin ni Thomas sa pinsan niya.
"Sobrang proud lang ako sa sinabi ng girlfriend ko." Sabi naman ni Bria.
Bigla tuloy akong natawa ng mahina.
"Nice napangiti niyo kahit papaano si Sky." Sabi naman ni Brix.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Confused na tanong ni Bria.
"Wala babe, patay na patay ka lang talaga sa akin." sabi naman ni Kiana.
"Hep! Mamaya na yan umuwi na tayo!" Aya ni Thomas.
"Thank you guys huh. Mabuti nga bukas na lang ulit." sabi ko.
KINABUKASAN ay nag tungo ulit kaming magkakaibigan sa bahay nila Miley pero tulad ng nangyari kahapon ay sawi kaming makita si Miley.
Naramdaman ko na lang ang yakap ng mga kaibigan ko dahil para akong napagsakluban ng langit at lupa.
Gusto ko lang naman makita at nakausap si Miley pero bakit ipinagkakait sa akin?
ANO BA TALAGA ANG NAGAWA KONG MALI?
NASAKTAN KO BA SI MILEY NG HINDI KO NAMAMALAYAN?
"I'm so sorry Sky." Malungkot na sabi sa akin ni Kiana.
Ngiting pagak ang isinukli ko kay Kiana.
"Hindi mo kailangan mag sorry Kiana. Siguro ako ang kailangan mag sorry? Siguro kaya iniiwasan ako ni Miley kasi may nagawa akong hindi niya nagustuhan? Pero siguro naman lilipas din yung galit niya? Siguro baka kausapin na niya ako sa ibang araw? Like sa pasukan baka kausapin na niya ako di ba?" Sa sobrang dami kong tanong ay malungkot na tingin ang isinukli sa akin ng aking mga kaibigan.
Hanggang sa hindi ko na naman napigilan ang pagtulo ng aking mga luha.
Yung hindi niya nga lang ako kausapin noon halos mabaliw na ako paano pa yung ngayong hindi ko rin siya nakikita?
"Sky..." si Bria na pinunasan ang mga luhang tumulo sa aking pisngi.
"Gusto ko siyang makita Bria." bulong ko.
Naramdaman ko na lang ang pagyakap ulit ni Bria sa akin.
"Gusto kong malaman kung anong kailangan kong gawin, wag niya lang akong iwan kasi hindi ko talaga kakayanin." naluluha kong sabi.
"I don't think na may nagawa kang mali, I know you Sky. Alam ko kung gaano mo kamahal si Miley, hinding-hindi mo siya magagawang saktan." sabi ni Bria.
"Tama si Bria, maybe may nangyari Kay Miley?" Singit ni Brix.
"Wait, may point si Brix. What if may nangyari palang masama kay Miley?" sabi ni Thomas.
"Thom, I don't think so. Kasi I'm sure akong tatawagan ako ni Tita kung may nangyaring masama kay Miles. I'm the best friend remember?" Sabi naman ni Kiana.
"Kung sakaling may nangyari nga sa kanya eh di dapat malaman natin kung na saan siya. Kiana, please baka naman ma-contact mo yung Mom ni Miley." sabi ko kay Kiana na halos magmakaawa ako sa kanya.
"Gagawin ko ang lahat Sky, pero di ako nakakasiguro kasi since nawala si Miley ay hindi ko narin ma-contact si Tita di ba? Hindi ko lang alam ngayon." sabi ni Kiana.
" Kahit ako nabigo akong ma-contact si Tita" singit ni Thomas.
Halos mabuwal ako sa aking kinatatayuan.
Saan ko hahanapin yung taong ayaw magpahanap?
BINABASA MO ANG
Girl Crush
Novela Juvenil(COMPLETED) What if you're straight... Pero ng makilala mo siya ay nagbago ang lahat? Yung pinipilit mong wala lang ay lalong umusbong? Yung dating akala mo ay "Girl Crush" lang ay nauwi sa "Mahal na kita"??? Ipagpatuloy mo pa kaya kung ano ang iyo...