Skyler
Hindi naman pala mahirap pakisamahan si Kian, dahil mas naging close pa nga kami. Lagi na nga kaming magkakasama, halos isang linggo na kaming apat na magkakasama at kahit may klase kami ay nagkikita kami sa hapon.
Ang cool nga dahil nagkataon na almost pareho kami ng schedule kahit sa ibang university nag-aaral si Kian.
Pare-pareho pa kaming business management ang kinuhang course. Si Thomas naman ay galing states kaya inaasikaso niya yung paglipat niya ng school at magiging schoolmate narin namin siya.
Ito namang si Kian ay napag isipang tatapusin na muna ang sem bago lumipat sa amin. Aayain niya nga rin lumipat yung isa nilang friend na si Miley para sama-sama parin silang magkakaibigan.
"So saan naman tayo ngayon?" masiglang tanong ni Thomas?
"Bar hopping kaya tayo? Wala naman pasok bukas eh. At doon na kayo matulog sa unit mamaya." sabi ni Bria.
"Good Idea!" masiglang sabi ni Kian.
Malamang masaya yang si Kian, hilig kaya niya ang mag bar. Actually nalaman namin na sa bar sila nagkakilala ni Max.
Hindi man siya nagkikwento ng about sa nangyayari sa kanila ni Max ay hinahayaan na lang namin. Basta makita lang namin na okay siya at hindi sinasaktan ni Max ay wala kaming ginagawa.
Nagkaayos din naman kasi sila agad nung time na nag punta sila ni Thomas sa unit namin.
Kagabihan daw ay nag sorry sa kanya si Max at yun nga tinanggap niya ulit yung sorry ng magaling niyang girlfriend.
Natawa pa nga ako sa reaction ni Thomas habang kinikwento sa amin yung nangyaring ganap kay Kian at sa girlfriend niya. Gigil na gigil si Thomas kay Max.
Pinakalma ko na nga lang dahil kulang na lang ay puntahan niya si Max at tirisin.
Sobrang na-curious tuloy ako kung bakit ganun siya kagigil kay Max. Kaso ayaw din namang sabihin ni Thomas dahil baka ikagalit na ni Kian.
NANDITO na kami ngayon sa bar at nagkakasiyahan... Yung mag pinsan ayun nangunguna na sa dance floor at syempre si ako naiwan dito sa table at hinihintay bumalik si Kian.
Nagpaalam kasi ito kanina na pupunta sa CR saglit, gusto ko nga sanang samahan kaso walang titingin sa mga gamit namin.
Napapatingin narin ako sa relo ko dahil akala ko ba saglit lang?
Baka marami lang sigurong tao sa CR kaya natagalan si Kian sa isip-isip ko.
Binalik ko na lang yung pansin ko sa mag pinsan na nagkakalat sa dance floor..
Parang tanga na nga akong tawa ng tawa dito mag-isa dahil sa nakikita kong pag giling ni Bria kay Thomas pero yung mukha ni Thomas ay hindi na maipinta, hindi ko alam kung nandidiri ba ito o ganun lang talaga siya mag react? Kaya hindi ko mapigilan ang hindi matawa.
"SKY" sigaw ng isang babae.
Nahinto ako sa pagtawa ng biglang may tumawag sa akin.. Si Kian pala ang tumawag sa akin at nagulat pa ako dahil pag harap ko sa kanya ay nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.
Pagkalapit niya sa akin ay agad niya akong niyakap at humagulgol sa iyak.
Ngayon ko lang siyang nakitang ganito yung down na down at halos hindi na makausap sa sobrang iyak.
Ito na ba yung sinasabi ni Thomas na nakikita niya kapag nasasaktan si Kiana? Dahil sa nakikita ko ngayon? Nasasaktan din ako.
Saglit ko pa lang nakikilala si Kian pero sa mga araw na iyon ay narealized kong deserve niya yung maging masaya.

BINABASA MO ANG
Girl Crush
Novela Juvenil(COMPLETED) What if you're straight... Pero ng makilala mo siya ay nagbago ang lahat? Yung pinipilit mong wala lang ay lalong umusbong? Yung dating akala mo ay "Girl Crush" lang ay nauwi sa "Mahal na kita"??? Ipagpatuloy mo pa kaya kung ano ang iyo...