Chapter 64 - Maling Akala

3.2K 108 4
                                    

Ariana


HINDI parin talaga ako makapaniwala. Mantakin mo yung lalaking nagpatibok ng puso ko sa kauna-unahang pagkakataon at yung lalaking nagpatibok ng puso ko sa pangalawang pagkakataon ay iisa.

Akala ko talaga ay hindi ko na siya makikilala pa at hanggang sa kwento na lang Tita. At yung akala kong makakalimutan ko rin si Thomas ay hanggang akala na lang din pala.

Masasabi kong life is good parin pala.

Naging maayos naman ang lahat sa amin, nagkakwentuhan muna kami at pinakain ng mga pinagmamalaking lutong ulam ng nanay ni Sabine sina Sky.

Masaya naman ako at nag-eenjoy ang mga kaibigan ko.

Mabuti na nga lang at hindi pa nila ako ginigisa dahil pagnagkataon mapapakamot na lang ako sa ulo.

Pagsapit ng hapon tumungo sina Miley sa bahay nila Brix.

Samantalang nandito ako ngayon nakaupo lang sa kama at pinapanood na magligpit ng mga gamit ko si Thomas.

After kasi namin magkaayos ay napag-usapan na isasama na niya ako pauwi.

Nagpasalamat na nga rin ako sa mga nakasama ko sa bahay nila Sabine, lalo na kay Sabine syempre.

Napag-usapan din kasi namin na sa bahay na lang muna nila Brix magpalipas ng araw dahil hindi sila kakasyang lahat dito.

Si Tita naman ay uuwi narin ng states kinabukasanan kaya hindi na ako hinayaan pa ni Thomas na maiwan muna dito. Ayaw niya talaga akong iwanan kahit na mga ilang minuto lang. Lagi ko rin itong nahuhuli na nakatingin sa akin.

"Let's go?" sabi ni Thomas.

Tumango ako at siya naman ay inalalayan ako.

Sa sala ay nakita naming nag-aabang sina, Sabine, Tita, ang nanay ni Sabine at ang ibang kamag-anak ni Sabine na naging close ko narin.

"Thank you po talaga sa pagtanggap niyo sa akin." Yumakap pa ako sa nanay ni Sabine na parang naging pangalawang ina ko narin.

"Dadalaw ka minsan ah, mamimiss ka namin." sabi ni Nanay.

Nanay narin kasi ang tawag ko sa kanya.

"Opo nanay promise babalik ako dito." naluluha kong sabi.

"Sab!!!" tawag ko sa kanya.

"Oh walang iyakan, magkikita pa tayo sa city noh." natatawang sabi niya.

"Oo nga pala." ang sambit ko na lang.

"Tita!!!" sabi ko sa Tita ko.

Niyakap naman niya ako.

"Just call me okay? I'm always here for you my favorite pamangkin." sabi niya.

Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

"Thank you talaga Tita." sagot ko.

"At ikaw Hijo, ikaw ng bahala sa pamangkin ko wag na wag mong pababayaan. Kapag nalaman kong sinaktan mo'to malalagot ka talaga sa akin." sabi ni Tita.

"Don't worry po Tita hinding-hindi ko po siya sasaktan." sagot ni Thomas.

Tila kinilig naman ako dahil doon.

Yung babakla-bakla noon, ngayon heto na at head over heels sa akin. Huh!
































































































Girl CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon