Chapter 67 - Taal Volcano Eruption

3.1K 121 12
                                    

Skyler



"Baby, sa bahay ako uuwi mamaya, sama ka?" tanong ko sa kanya habang naglalaro sila ng chess ni Kiana.

Napatingin din sa akin si Kiana.

"Yup sasama ako, nandun din naman si Mama eh." sabi niya at ngumiti sa akin.

Masaya naman ako para kay Mama at sa Mom ni Miley dahil okay na sila.

Ang sabi kasi sa akin ni Miley ay nagkagalit sina Mama at Tita noon, at iyon ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay siya sa akin.

Mabuti na lang nagkaayos na sila kaya nagkaayos narin kami.

Nga pala nandito kami ngayon sa isang bakanteng room at itong chess na ginagamit nila ay kay Brix na laging dala niya sa sasakyan niya.

Kaming tatlo lang ang nasa room dahil sina Bria kasama ang iba pa naming kaibigan ay busy sa pagpapaprint ng project nila. Kaming tatlo kasi ay tapos na.

"Kasama din ba si Bria?" tanong ni Kiana.

"Uhm sabi niya hindi na muna siya sasama dahil gusto ka niyang masolo." sabay smirk ko.

"Nice one Ana, lakas talaga tama sayo ni Bria." sabi naman ni Miley.

"Tsk, ako pa ba? Gwapo na maganda pa." sabay tawa niya rin sa sarili niyang kalokohan.

Napailing-iling na lang ako habang nangingiti, bagay nga talaga sila ni Bria.

"Wag na wag mo lang talaga sasaktan si Bria, Kiana. Dahil malalagot ka talaga sa akin." sabi ko sa kanya.

"Don't worry Sky, baka ako pa ang saktan ni Bria kaya please pakisabi sa best friend mo na wag na wag niya akong sasaktan dahil hindi ko kakayanin." at may pahawak-hawak pa siya sa kanyang puso.

Lakas talaga tama nitong si Kiana eh hahahah. Kahit si Miley ay nangingiti na lang sa pinaggagagawa ng best friend niya.

"Nga pala guys sama tayo pag bumili ng gamit ng baby sina Ariana ah." sabi ni Miley.

"Nagsabi na ako kay Thomas, sasama talaga ako." sabi ni Kiana.

"Wait kailan ba iyon?" tanong ko naman.

"Next week pa naman kaya nandito na tayo nun." sabi naman Miley.

"Uhm sige." pag payag ko at kinurot ang ilong niya.

"Ughh Skyler." angal niya pero nakatingin parin dun sa nilalaro nila ni Kiana.

"Hahahaha seryosong-seryoso ka kasi diyan." sabi ko.

"Baka matalo ako ni Kiana, hindi pwede yun." sabi naman niya.

"Grabe siya patalo ka naman minsan, di pa ako nananalo sayo." sabi naman ni Kiana.

"Pusta ka na lang sa akin next time para manalo ka." sabi ko naman kay Kiana.

"No way, baby naman eh.. alam mo namang hindi ako nananalo sayo." angal ni Miley.

Napangiti naman ako sa inasta ni Miley. Cute.

"Kiss ko muna." sabi ko.

"Ay na wala namang ganyanan, wala si Bria dito oh. Wala ako kalambingan." sabi naman ni Kiana.

"Balaka diyan hahaha" natatawang saad ni Miley at hinalikan ako sa lips ng mabilis.

"Oh ayan okay na ah." dugtong pa ni Miley.

Laking ngiti ko naman dahil doon.

"Isa pa please?" pilit ko sa kanya.

"Maya sa bahay niyo." sabay kindat niya.

Girl CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon