Skyler
ILANG araw ang lumipas at sa wakas ay napilit namin na mag pa check up si Ariana. Syempre sa tulong ng pinakamamahal kong si Miley.
Sasama pa sana sila ngayon kaso sabi namin eh mas okay kung kami na lang muna ang sasama at para narin kay Ariana dahil baka totoo yung hula namin ni Bria na baka nga buntis si Ariana kaya siya madalas mahilo.
Gusto na nga sanang umalis ni Ariana sa unit namin pero hindi namin pinayagan.
"Ikaw ba Thomas ay talagang pananagutan si Ariana kung sakaling positive na buntis siya?" Seryosong tanong ni Bria sa pinsan.
Sinamahan namin na magpacheck-up si Ariana. Pero naiwan kami sa labas dahil itong si Thomas ay ayaw pumasok sa loob. Gusto pa nga sana naming dalawa ni Bria sumama kaya lang kami ba ang ama? Tsaka para surprise di ba?
Kanina pa nga kami nag-aantay dito sa labas kay Ariana.. Sobrang tahimik din namin dahil itong si Thomas kinakabahan masyado.
"Couz! May choice ba ako? Pero kung ako tatanungin sana negative. Hindi pa ako ready. Ang bata ko pa para maging ama at tsaka alam mo namang di ko pa nga nasasabi sa parents ko yung about sa sexuality ko tapos bigla nalang ako magiging ama?"
"Handa mo naman siguro panagutan si Ariana right?" Muling tanong ni Bria.
Pero hindi talaga makasagot si Thomas.
Mga ilang minuto pa ang lumipas.
"Couz! Kahit ganito ako hindi ako magiging pabayang ama. Kung kinakailangang magpakalalaki ako gagawin ko. Bisexual lang ako, ni hindi nga halata dahil ang gwapo ko kaya." pinagalaw-galaw niya pa ang kilay niya.
Napailing-iling na lang ako. Kanina lang kabadong-kabado tapos ngayon nakakangiti na siya. Mag pinsan nga talaga sila ni Bria, may pagka-bipolar.
"Ang tagal naman ata ni Ariana?" Sabat ko.
"Kaya nga. Dapat nandito na siya huh!" dagdag ni Bria.
Biglang tumunog yung phone ni Thomas.
"Negative." sabi ni Thomas.
Pareho kami ni Bria na napatingin kay Thomas.
"Nag-txt si Ariana, pasensya na daw sa abala, tutal negative naman ang kinalabasan ng check up kaya umalis na siya ng hindi nagpapaalam ng personal. Masaya daw siyang nakilala niya tayo sa sandaling panahon at nagpapasalamat sa pag-tanggap, hindi niya na daw tayo naharap pa dahil nahihiya siya." kwento ni Thomas.
"Bakit naman siya mahihiya?" Takang tanong ko.
Nagkibit balikat naman yung magpinsan.
"Nakahinga ka ba ng maluwag?" Tanong na naman ni Bria.
"I don't know Bria. Meron sa akin na parang may mali. Parang gusto ko siyang hanapin." seryosong sabi ni Thomas.
"Uyyyyy tinamaan ka kay Ariana?" Pang-aasar ni Bria.
Ako naman ay hindi na napigilan ang pagtawa dahil bigla siyang binatukan ni Thomas. Mahina lang naman.
"Kalokohan mo!" sabi ni Thomas.
"Wushu! If I know." Pang-aasar parin ni Bria.
"Kayong dalawa tama na nga yan.. Umuwi na tayo. At hahanapin pa natin si Ariana" inaya ko na lang sila umuwi baka magbugbugan na'tong dalawa at syempre kelangan pa naming maabutan si Ariana.
AFTER namin sa hospital ay dumiretso ako sa unit ni Kiana, syempre with Bria. Nandun din kasi si Miley.. Need din nila malaman yung about sa nangyari kay Ariana.
BINABASA MO ANG
Girl Crush
Novela Juvenil(COMPLETED) What if you're straight... Pero ng makilala mo siya ay nagbago ang lahat? Yung pinipilit mong wala lang ay lalong umusbong? Yung dating akala mo ay "Girl Crush" lang ay nauwi sa "Mahal na kita"??? Ipagpatuloy mo pa kaya kung ano ang iyo...
