Bria
HALOS sabay kaming napabuntong hininga ni Kiana habang pinagmamasdan ang best friend kong si Sky na nakatulog na lang sa kakaiyak.
Buti na lang at hindi mahilig uminom si Sky kaya naman hindi kami namroblema sa kanya, kaya lang grabe naman ang hinanakit na ibinuhos niya sa amin pati narin ang mga luhang lumabas sa kanya ngayon.
"Ngayon ko lang nakitang ganito si Sky. Sobrang nasasaktan siya Kiana." Malungkot kong sabi.
"Ah, Bria." Mahinang tawag sa akin ni Kiana.
Nilingon ko siya at nahalata ko na parang may gusto siyang sabihin.
"May sasabihin ka?" tanong ko.
Napakagat muna siya ng labi sabay buntong hininga.
"Ano kasi, baka lang naman. I think alam ko kung nasaan si Miley ngayon." seryoso niyang sabi.
"Alam mo? Pero bakit ngayon mo lang sinabi?" Medyo napalakas kong sabi.
"Sssssh, wag ka ngang maingay diyan baka magising si Sky." Kinakabahang sita sa akin ni Kiana.
"Eh dapat nga siyang magising dahil sa sinabi mo." bulong ko.
Binantaan kasi ako eh kaya pabulong-bulong kami ngayon.
"Eh hindi nga ako sure! Ayoko lang naman umasa si Sky. Mamaya wala pala si Miley dun, eh di kawawa na naman si Sky." sabi niya.
"So anong gagawin natin ngayon?" tanong ko sa kanya.
"Pupuntahan natin yung lugar na sinasabi ko, kapag nandun siya saka lang natin ipaalam kay Sky." si Kiana.
"Puntahan na natin ngayon?"
"Ngayon talaga Bria?" Gulat na tanong ni Kiana.
"Why not? I can't wait na gisahin yang best friend mo. Aba! Anong akala niya kay Sky manhid? Hindi nasasaktan sa ginagawa niya?"
Ayoko sana magalit kay Miley pero hindi ko kasi matanggap na nagkakaganito ang best friend ko.
"Bria naman, I'm sure akong may dahilan si Miley. Mahal na mahal ni Miley si Sky, okay? Saksi ako kung paano niya minahal ang best friend mo. Kaya alam kong may mabigat na dahilan si Miley." Malungkot na sabi ni Kiana.
"Sana nga Kiana may mabigat siyang dahilan, dahil kapag nalaman kong pinagtripan lang ni Miley si Sky, patawarin mo ko Babe pero baka kung ano ang magawa ko sa bff mo." Seryoso kong sabi.
"Seryoso ka talaga Babe?" Nag-aalangang tanong niya.
"Kian, mukha ba akong nagbibiro?" Sabay taas ng isang kilay ko.
"Oooohh, hot." biglang sabi ni Kiana.
"wHAT? Oh well I know." sabi ko na lang.
Sabay tawa naming dalawa.
Iisa lang talaga kami ng utak ni Kiana eh."Anyway Babe, Hindi kita pipigilan sa gagawin mo kay Miley, tutulungan pa kita! Hindi ko siya tinuruan manakit ng mabuting tao. Malalagot talaga sa akin si Miles, pero bago yun need muna natin malaman ang dahilan niya." Sabi ni Kiana.
"Siempre naman Babe, kaibigan ko narin naman si Miley. So, punta na tayo?" Aya ko sa kanya.
Nilingon muna ni Kiana si Sky.
"Mabuti pa nga, kahit ito man lang ay makabawi ako sa lahat ng naitulong sa akin ni Sky noon." sabi ni Kiana.

BINABASA MO ANG
Girl Crush
Teen Fiction(COMPLETED) What if you're straight... Pero ng makilala mo siya ay nagbago ang lahat? Yung pinipilit mong wala lang ay lalong umusbong? Yung dating akala mo ay "Girl Crush" lang ay nauwi sa "Mahal na kita"??? Ipagpatuloy mo pa kaya kung ano ang iyo...