Brix
"Madalas ako yung nakikita mong tulala, ngayon ikaw naman." sabay tapik sa akin ni Thomas.
"Paano mo naman nalaman na nandito ako?" takang tanong ko sa kanya.
Naisipan ko kasing mag bar muna mag-isa at makalimot.
Hindi ko na kasi pinaalam sa kanila kung saan ako pupunta after namin sa unit nila Sky. Gusto ko muna makapag-isip at mapag-isa.
Sobrang nasaktan ako sa nalaman ko, pero anong magagawa ko? Walang kami. Wala akong habol.
"Sabihin na nating sinundan talaga kita, Bro I know deep inside diyan nasasaktan ka, okay lang umiyak. Syempre mahal mo eh." sabi ni Thomas.
Mabilis kong nilagok ang inorder kong alak.
"I love her Bro. Kanina gustong-gusto ko siyang yakapin pero nung nalaman kong sila ni Miley, hindi ko alam kung anong gagawin Bro, nagagalit ako pero hindi ko alam kung kay Sabine ba o sa sarili ko. Bro, pinaglaban ko siya, inintindi ko siya, pinagbigyan ko siya sa gusto niya pero ano? Akala ko magiging masaya ako kapag pinaraya ko siya kasi yun ang gusto niya, pero mas masakit pala. Pati pangako namin sa isa't-isa kinalimutan niya."
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang aking mga luha.
"Kausapin mo kaya si Sabine?" Sabi ni Thomas.
"Para saan pa?" sabay tungga ko ng alak.
"Sabi nga ni Kiana at Bria mukhang mahal ka parin ni Sabine, malay mo confuse lang yung tao. Tulad ng nangyari sa akin, akala ko nabakla na talaga ako dahil sa nangyari sa akin sa states pero ng makilala ko si Ariana bumalik ako sa dati, babae parin ang gusto ko." natatawa niyang kwento.
"Kaso, pinakawalan ko pa. Kaya ngayon heto hanggang ngayon umaasa na makikita siyang muli." Si Thomas naman ngayon ang napatungga ng alak.
Siya kasi talaga ang madalas na ganito, yung nagdadrama dahil hanggang ngayon wala parin siyang balita kay Ariana.
Napansin kong umiilaw ang phone ko na nasa harapan ko, si Bria ang tumatawag.
"Bria." sagot ko sa tawag niya.
Napatingin naman agad sa akin si Thomas ng marinig ang name ng pinsan niya.
"Sayo na ako tumawag, hindi kasi sinasagot ni Thomas mga tawag ko, are you with him?" tanong niya.
"Yes, magkasama kami, why? May nangyari ba?" tanong ko.
"Wala naman, baka kasi maglasing na naman yan, alam mo na. Nag-aalala lang ako. At ikaw, I'm sure akong kayong dalawa ang malalasing ngayon, ibigay niyo sa akin kung saang bar kayo para ako na mag drive sa inyo pauwi." sabi ni Bria.
"No, Bria don't worry kaya namin ni Thomas 'to." Tanggi ko.
"Nag-aalala lang ako sa inyo ni Thomas, Brix. Baka mapano kayo." sabi ni Bria.
"Thank you Bria, pero mas mag-aalala kami kung pupuntahan mo pa kami dito, anong oras narin oh. Malalagot kami kay Kiana at Sky kapag hinayaan ka naming pumunta mag-isa dito." sabi ko.
"Tsk, okay sige ganito lang, kung gusto niyo mag-inom ni Thomas.. Matino pa naman siguro kayo ngayon di ba? Sa condo na lang kayo ni Thomas mag-inom, at least dun alam ko safe kayo, o kaya sa inyo Brix. Please!" sabi ni Bria.
"Okay sige Bria, uuwi na kami. Basta pipirmi ka diyan sa unit niyo ni Sky." Sabi ko.
"Thanks Brix, ingat kayo ni Thom." sabi niya.

BINABASA MO ANG
Girl Crush
Teen Fiction(COMPLETED) What if you're straight... Pero ng makilala mo siya ay nagbago ang lahat? Yung pinipilit mong wala lang ay lalong umusbong? Yung dating akala mo ay "Girl Crush" lang ay nauwi sa "Mahal na kita"??? Ipagpatuloy mo pa kaya kung ano ang iyo...