Chapter 50 - Girl Crush

3.6K 125 5
                                        

Skyler





PAGDATING na pagdating nila Bria at Kiana ay tinawag ko agad ito para makausap. Dinala ko siya sa kwarto ko.

"Ouch! Sky naman eh!" sabay himas ni Bria sa noo niya na pinitik ko.

"Napapansin ko ng lagi mo akong pinapatulog kapag may plano kayong tatlo nila Miley." taas kilay ko pang sabi sa kanya.

"Hindi kaya, nagkakataon lang na kailangan mo talagang matulog, hindi ba't sabi ni Tita bawal kang magpuyat?" nakangusong sabi ni Bria.

"Talaga lang ah?" turan ko at pinanlakihan siya ng mga mata.

"Oo nga! Teka nga bakit gising ka pa?" sabi pa niya.

"Eh sa nauhaw ako tapos nung pabalik na ako saka ko napansin na bukas yung ilaw sa theater room at yun nga nakita ko si Miley!" natataranta ko pang sabi.

"Oh bakit ganyan reaction mo?" taas kilay niyang sabi.

"Eh basta!" sabi ko at napakamot sa ulo.

Napakunot noo naman si Bria at tila binabasa ako ngayon.

Paano ko ba kasi sasabihin na may nararamdaman akong kakaiba when it comes to Miley?

Nalilito nga ako eh, kasi since nakita ko siya that day, yung sa hospital na natutulog siya, hindi na siya maalis sa isipan ko.

Lagi siyang hinahanap-hanap ng mga mata ko at kapag nasa malapit siya ay bumibilis ang tibok ng puso ko.

Nilalakasan ko na nga lang ang loob ko para kausapin siya pero after ng konting conversation ay natatahimik na naman ako dahil mas gusto ko siyang titigan.

Hindi ko kasi mapaliwanag eh, ang hirap. Yung feeling na parang kilalang-kilala ko siya pero hindi ko naman mapaliwanag kung bakit at para bang sasabog ang puso ko sa tuwa tuwing makikita ko siyang ngumingiti.

Gusto ko lagi ko siyang nakikitang masaya.

Tapos kanina muntik ko na siyang mahalikan? I MEAN BAKIT KO GAGAWIN YUN? PAREHO KAMING BABAE!

Hindi ba dapat paghanga lang ang maramdaman ko sa kanya? Pwede naman yun di ba? Kaya nga may tinatawag na GIRL CRUSH!

"Tama, Girl Crush ko lang si Miley." bigla kong nasambit.

"GIRL CRUSH MO SI MILEY?" biglang sigaw ni Bria.

Mabilis kong natakpan ang bibig ni Bria pero huli narin naman dahil narinig niya na ang sinabi ko.

Nagpumiglas si Bria sa paghawak ko sa kanya at nakawala naman siya.

"Totoo?" Nangingiti niyang tanong.

Bakit parang masaya pa siya sa nalaman niya?
Hindi ba dapat magtaka siya?

"Okay lang sayo?" kunot noo kong tanong sa kanya.

"Girl Crush mo si Miley? OO NAMAN! Jowain mo pa eh." Sabay abot tenga niyang ngiti.

Lalo akong nagtaka sa kanyang reaction.

"Pinagsasasabi mo? Straight ako! Bakit ko siya jojowain?" takang tanong ko.

"Sigurado ka? Malay mo naman gusto mo ng bumaliko, I mean it's Miley, wala ka ng talo." sabay kibit balikat niya.

"Bakit parang wala lang sayo? May crush ka rin kay Miley?" curious kong tanong.

"Bakit ikaw lang ba pwede mag ka Girl Crush? Girl Crush lang naman ah." sabi niya pa.

"So Girl crush mo nga si Miley?" tanong ko pa.

"Sinabi ko bang si Miley?" tanong niya.

Wait, kung hindi si Miley...... Wait! OMG so it's KIANA?

Girl CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon