Miley
AFTER kong tumawag kay Sky at mapansin, kung gaano siya kasaya nang makita ako, paano ko pa magagawa ang gusto ni Mama?
Wala akong nagawa kundi titigan na lang yung mga pictures naming dalawa.
Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, Hindi na sana ako naglakas loob na sabihin kahapon kay Mama ang about sa amin ni Skyler.
Akala ko kasi okay sa kanya ang lahat, lalo na at alam niyang may best friend akong bi, at tanggap naman niya si Kiana pero bakit pag dating sa akin bigla siyang nagbago?
Yung masaya naming pag-gagala kahapon ay nauwi sa hindi pagkakaunawaan dahil sa ginawang pag-amin ko.
"Nakipaghiwalay ka na ba kay Sky?" Mabilis akong nagpunas ng luha nang biglang pumasok sa kwarto si Mama.
Hindi ako kumibo, ayoko siyang sagutin.
"Miley, kinakausap kita!" nahimigan kong may inis na sa boses ni Mama, kaya naman medyo nakaramdam ako ng takot. Buong buhay ko kasi ay hindi naman kami nag-away ni Mama ng ganito.
Pinalipas ko ang gabi at akala ko ay magiging okay kami ni Mama at baka matanggap niya yung mga sinabi ko kahapon, pero akala ko lang pala talaga. Dahil ngayon ang una niyang bungad sa akin ay kung nakipag hiwalay na ako kay Sky.
Habang kausap ko si Sky kanina, at nang mapansin niyang namamaga ang mga mata ko, aaminin ko, nakaramdam ako ng takot. Ayokong malaman niya yung nangyayari sa akin ngayon. Ayoko siyang mag-alala pa. At tsaka na-realized kong ayoko na mawala siya sa akin. Mahal na mahal ko siya, sa kanya ko naramdaman ang kakaibang saya na hinahanap-hanap ko.
Kung kinailangan kong magmakaawa kay Mama para tanggapin ang relasyon namin ni Skyler ay gagawin ko.
"I can't Ma." Sagot ko Kay Mama. Nagsimula naring tumulo muli ang mga luha sa aking mata.
Nakita ko kung paano biglang nagbago ang expression ni Mama ng makitang umiiyak ako sa kanyang harapan ngayon, nagkaroon ako ng pag-asa na baka matanggap niya kami ni Skyler.
"Please Ma, ipagawa mo na ang lahat pero wag lang yung gusto mong mangyari na iwan ko si Skyler. Mahal ko siya Ma, at alam kong ganoon din siya sa akin. Ayoko siyang masaktan ng dahil lang sa hindi ko siya ipinaglaban. Kaya hanggat kaya ko siyang ipagpaban ay gagawin ko." Lakas loob kong sagot kay Mama.
Tila natahimik saglit si Mama at parang may iniisip.
"Hindi mo kasi naiintindihan." Biglang sabi ni Mama.
"Ang alin ba ang hindi ko maintindihan Ma?"
"Masasaktan ka lang kapag pinagpatuloy mo ang relasyon niyong dalawa! Iiwan karin niya!" May inis sa mga binitawang salita ni Mama.
"I don't think na iiwan ako ni Skyker Ma, nakita ko kung gaano ako kamahal ni Sky, at kung may masasaktan man sa aming dalawa baka nga siya pa ang masaktan ko. Lalo na sa pinapagawa mo sa akin."
"Ah basta! Sa ayaw at sa gusto mo, makikipag hiwalay ka sa kanya!" sigaw ni Mama na ikinagulat ko pa.
"No Ma! Ipaglalaban ko siya!" Pasigaw ko naring sabi.
"Sobrang tigas ng ulo mo! Gusto mong malaman kung bakit ayoko diyan sa girlfriend mo?"
"Mas mabuti nga Ma, nang maintindihan ko kung bakit hindi mo matanggap ang relayon namin."
"Ayoko na sanang maungkat pa'to pero kung ito lang ang dahilan para mailayo kita sa babaeng yun ay sasabihin ko na sayo."
Medyo na-tense tuloy ako sa sinabi ni Mama, bakit feeling ko isang malaking rebelasyon itong malalaman ko at natatakot akong marinig kung ano man ito?
"Naalala mo kahapon? Tinanong ko kung sino ang mga magulang niya di ba?"
Tumango-tango ako.
Nung umamin kasi ako sa kanya kahapon ay nagulat siya pero saglit lang at medyo mahinahon siya na tila okay lang sa kanya.
Pinakita ko pa sa kanya ang picture ni Skyler, at nung tinitigan niya yung picture saka niya tinanong kung sino ang mga magulang ni Skyler.
After niyang malaman ang name ng parents ni Skyler ay doon na nagsimulang magalit si Mama.
"It's about your father." Mahinang bulong ni Mama pero sapat na iyon para marinig ko.
"Anong kinalaman ni Papa?" nagtatakang tanong ko.
Medyo inalis ni Mama ang tingin niya sa akin at sa labas na ng bintana sa kwarto ko ito nakatingin.
"A-Ang pamilya niya ang dahilan kung bakit namatay ang Papa mo." Hindi parin nakatingin sa akin si Mama habang sinasabi ito. Pero alam kong naiiyak si Mama.
"H-hindi totoo yan Ma, sinasabi mo lang yan para hiwalayan ko si Sky!" nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko.
Biglang nag flashback sa akin nung time na nagpunta kami ng cemetery ni Sky.
Hindi ko alam kung napansin ni Sky na same ng araw namatay ang Papa at Daddy niya, napansin ko na yun pero nakalimutan ko lang sabihin sa kanya.
Ngayon kung totoo ang sinasabi ni Mama, ibig sabihin ang Dad ni Sky ang dahilan kung bakit namatay ang Papa ko?
Hinding-hindi ko malilimutan yung araw na huling nakita ko si Papa bago siya namatay.
Pinipilit siyang isama ng isang matangkad na lalaki, nung una ay ayaw niya talagang sumama pero nung makita niya yung babae na kasama ng matangkad na lalaki ay tila nagbago ang expression ni Papa at napapayag siyang sumama sa matangkad na lalaki.
Hindi ko gaanong makita ang mukha ng babae dahil natatakpan ito ng malaki niyang sombrero.
Tinawag ako bigla ni Yaya at dinala sa kwarto ko kaya hindi ko na nalaman pa kung ano yung ginawa ng babae sa bahay namin at bakit nag-paiwan siya that time.
Hanggang sa mabalitaan ko na lang nung araw ding iyon ay naaksidente ang Papa at sinisisi ko ang matangkad na lalaki sa pagkawala niya.
Dahil kung hindi niya pinilit si Papa na umalis nung araw na iyon ay di sana buhay pa si Papa.
Bukod sa Papa ko at sa misteryosang babae, iyon din ang huling araw na nakita ko ang kauna-unang babae na aking hinangaan.
After kasi mailibing si Papa ay nagpakalayo-layo kami ni Mama, Hindi ko rin alam kung bakit, basta ang gusto niya ay mabura sa mga ala-ala ko ang mga nangyari.
Ginawa naman niya ang lahat para maging masaya ako kahit wala si Papa, naging masaya naman ako pero alam ko sa sarili ko na may kulang parin.
Nang makilala ko si Skyler, alam ko na napunan niya ang pagkukulang na iyon. Pero sa natuklasan ko ngayon?
Hindi ko na alam ang dapat maramdaman.
Bukod kasi sa bumalik sa akin ang galit na nararamdaman ko sa matangkad na lalaking 'yun, what if kung ang matangkad na lalaki na iyon ang Papa ni Sky?
Sa dinamirami ng pwedeng maging Dad ni Sky bakit siya pa?
BINABASA MO ANG
Girl Crush
Teen Fiction(COMPLETED) What if you're straight... Pero ng makilala mo siya ay nagbago ang lahat? Yung pinipilit mong wala lang ay lalong umusbong? Yung dating akala mo ay "Girl Crush" lang ay nauwi sa "Mahal na kita"??? Ipagpatuloy mo pa kaya kung ano ang iyo...