Chapter 11 - Girlfriend

8K 260 14
                                    

Kiana



"Kwento dali!!!" excited kong sabi kay Miley pagpasok na pagpasok namin sa kwarto namin.

"Excited lang? Ikaw nga itong dapat mag kwento, aba! Hinaras mo si Bria."

"Oy hindi huh.. Sa pagkakatanda ko gumanti siya sa mga halik ko. At tsaka sabi niya masarap akong humalik." at talagang pinagmayabang ko pa kay Miley yung sinabi ni Bria.

Pero sa totoo niyan ang sarap halikan ni Bria kaya nga naulit eh. Nakalimutan kong minahal ko si Max nung nagtama yung labi namin.

"Hey Ana, baka nakakalimutan mo may boyfriend yung tao at tsaka straight yun kaya kung ayaw mo masaktan umayos ka." sabay taas niya ng kilay.

"Ito naman lasing ako okay? At tsaka bakit ako itong ginigisa mo ngayon? If I know kayo itong dalawa ni Sky ang may ginawang milagro." binigyan ko pa ng nakakalokong ngiti si Miley dahil namumula ito ngayon.

Tsk! Meron talaga tinatago 'tong best friend ko eh.

"W-wala nga!" mautal-utal niyang sabi.

"Wag ako Miles, I know you." At tinaasan ko siya ng kilay.

"Fine! Meron nga." Pero nakayuko niya lang itong sinasabi.

"OMG! Nag sex kayo?" napahawak pa ako sa bibig ko pero bigla na lang siyang tumingin sa akin at di makapaniwala sa narinig.

"No! Di kami nag sex.. Ana naman eh!" Naka pout narin siya.. Ang cute lang.

"Wait naguguluhan ako sabi mo may nangyari?"

Tumango siya.

"Umamin ako sa kanya, sabi ko Girl crush ko siya tapos ayun nga hinalikan ko siya..."

"And?" kasi naman pabitin effect pa si Miles.

"Yun nga kung saan-saan ko siya hinalikan pero hanggang leeg lang huh.. Tapos yung huling naaalala ko ay yung nag grind ako sa kanya pero bigla niya akong pinaibabawan, narinig ko pang nag sorry siya bago ako nakatulog."

Damn! How I wish na nakita ng dalawang mga mata ko yung ginawa ni Miley.. I'm sure akong sobrang hot ni Miley that time.

"Can you do that again?? Sa akin mo gawin" sabi ko.

Pero nakatikim lang ako ng hampas ng unan sa mukha.

"Baliw! Di na mauulit yun." sabi niya pa.

Pero joke lang yun huh? Wala akong pagnanasa sa best friend ko.

"Wushu! Nagustuhan mo noh?" pang-aasar ko.

"Che! tigilan mo ako." at lalo siyang namula.

Natawa na lang ako dahil yung unan na pinanghampas niya sa akin ay tinakip niya sa mukha niya.

So cute Miley. Di talaga ako magtataka kapag nabalitaan ko na lang na babae narin ang gusto nito.


























AKALA ko magiging okay na ang natitirang oras namin dito sa batangas, hindi pa pala dahil nasa harapan ko ngayon ang babaeng kinamumuhian ko.

Sa dinami-rami kasi ng beach resort ay bakit dito rin nila naisipan diba?

"Di ba sabi ko ayaw ko ng makita pagmumukha mo?"

At tsaka asan ba yung mga kaibigan ko? Kung kailan kailangan ko ng back up ngayon pa sila wala?

"Can we talk? Please?" Pilit pang hinawakan ni Max yung kamay ko pero nagpumiglas ako.

"Wala na tayong dapat pag-usapan." matalim na sabi ko sa kanya.

Girl CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon