Bria
"NAHIHIBANG KA NA BA?" madiin kong sabi kay Miley.
"Babe, huminahon ka please." pagpapakalma sa akin ni Kiana.
"Babe, hindi eh. Alam ko best friend mo si Miley pero yung saktan niya ang best friend ko na parang wala lang sa kanya? Kian, hindi ko maiintindihan kahit kailan yun." galit ko paring sabi.
"Naiintindihan kita Babe, pero siguro naman may iba pang paliwanag si Miles." sabay bigay niya ng pansin kay Miley na kakapunas lang ng luha.
"Miles, paano? As in bakit parang biglaang dumating si Sabine sa buhay mo? Mahal mo si Sky pero bakit parang biglang nawala yun?" mahinahon na tanong ni Kiana.
Bilib din ako sa kontrol na ginagawa ni Kiana sa sarili, samantalang kanina sumisigaw na siya pero ngayon kalmadong-kalmado.
"Ana, akala ko rin eh, akala ko mahal ko si Sky pero nakita ko siyang muli... At yun bumalik ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya." sabi ni Miley.
Samantalang ako naguguluhan sa sinasabi niya. Anong bumalik ang lahat? May past sila ni Sabine? Pero akala ko ba straight si Miley noon?
"Anong ibig mong sabihin Miles?" takang tanong ni Kiana.
"Ana, natatandaan mo yung batang babae nakilala ko noon? Yung kauna-unahang girl crush ko? Si Sabine yun." masayang balita ni Miley.
"No way... Hindi nga?" Di parin makapaniwalang tanong ni Kiana.
"Kahit ako hindi makapaniwala na makikita ko siyang muli, kaya pala ang gaan ng loob ko sa kanya nung magtagpo ang landas namin, bago ako umuwi ng pinas." Hinawakan pa ni Miley ang kamay ni Sabine, pero si Sabine ay nanatiling nakayuko ang ulo.
Mas lalo tuloy umusbong ang galit na nararamdaman ko, dahil habang masaya si Miley ngayon, nagdurusa naman si Sky.
"Alam mo gustong-gusto kitang saktan ngayon Miley. Pero hindi ko gagawin yun, alam mo kung bakit? Kasi mahal ka ni Sky at alam kong masasaktan siya kapag sinaktan kita. Ngayon kung talagang masaya ka diyan sa childhood crush mo, sana lang ay maging masaya ka talaga. Dahil alam kong yun din ang gugustuhin ni Sky ang maging masaya ka. Let's go Kiana, nasabi ko na ang gusto kong sabihin."
"Mag-usap na lang tayo next time Miles, sa ngayon naguguluhan parin talaga ako. Maling-mali ang ginawa mo, nakasakit ka ng tao. Siguro mas okay kung kakausapin mo din ng matino si Sky. Say sorry to her." Malungkot na sabi ni Kiana.
Napansin ko ang biglang panlulumo ni Miley, parang biglang nakita ko sa mga mata niya yung sakit? Pero bakit naman siya masasaktan?
"Let's go na Kiana" aya ko ulit at this time ay sumama na sa akin palabas ng bahay si Kiana.
"Kamusta si Sky?" tanong ko sa pinsan ko ng maabutan namin sila ni Brix na nakatayo sa labas ng room ni Sky.
"Hindi nga namin alam kung anong ginagawa niya, kanina pa nga tahimik eh. Kanina pa kami katok ng katok pero ayaw kami pagbuksan, baka may susi ka diyan" si Thom.
"Wait hanapin ko lang." sabi ko at pumunta na sa kwarto ko.
Habang hinahanap ko yung susi ay bigla na lang nagsalita sa likod ko si Kiana.
"Babe." tawag niya sakin.
"Oh Kiana." sagot ko.
"Galit ka parin ba kay Miles?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Girl Crush
Teen Fiction(COMPLETED) What if you're straight... Pero ng makilala mo siya ay nagbago ang lahat? Yung pinipilit mong wala lang ay lalong umusbong? Yung dating akala mo ay "Girl Crush" lang ay nauwi sa "Mahal na kita"??? Ipagpatuloy mo pa kaya kung ano ang iyo...