Chapter 30 - Wifey

4.7K 141 8
                                        

Miley



"Anong ginagawa natin sa sementeryo? Akala ko ba ipapakilala mo ako sa father mo?"

Halata ang pagtataka sa mukha ni Skyler habang nakamasid sa paligid.

Samantalang ako ay hindi na muna sumagot at hinanap na lang ang puntod ng sadya namin.

Nang makita ko na ay madali kong hinila si Skyler palapit sa puntod.

"Pa, Sorry kung ngayon lang ako ulit nakadalaw ah medyo naging busy din po sa school eh. Nga pala Pa, may gusto akong ipakilala sa inyo."

Ngumiti muna ako kay Skyler na ngayon ay kita parin ang pagtataka sa kanyang mukha.

"Pa, I want you to meet my girlfriend. Skyler Trias." sabay ngiti ko na tila kaharap ko talaga si Papa.

"Hello po Papa." Napatingin agad ako kay Sky pagkasabi niya nun.

"Nice to meet you po. Okay lang naman po na tawagin ko po kayong Papa di ba? Wag po kayong mag-alala hinding-hindi ko po sasaktan ang anak niyo. Mahal na mahal ko po siya. Pinapangako ko po na mamahalin ko siya hanggang sa kadulu-duluhan ng buhay ko. Iingatan at aalagaan ko po siya hanggang sa makakaya ko."

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko.

Sobrang swerte ko talaga sa babaeng minahal ko.

"Narinig mo Pa? Mahal na mahal niya ako kaya wag po kayong mag-alala diyan dahil may mag-aalaga na po sa akin at alam ko pong mapagkakatiwalaan naman po ng buhay ko ang taong pinili kong mahalin. Alam ko po na hindi niya ako sasaktan."

Naramdaman ko na lang na may umakbay sa akin at hinalikan ako sa tuktok ng ulo ko.

Inayos ko sa puntod yung dalang flowers namin ni Sky.

"Now I understand kung para kanino yung flowers, akala ko talaga para sa akin yang binili mo." Napakamot na sabi ni Sky.

How cute. Napangiti tuloy ulit ako sa kanya.

"Ah Miley okay lang ba malaman  kung anong ikinamatay ng Papa mo?"

Nang dahil sa tanong na yun, muli kong naramdaman ang galit na matagal ko ng pilit na kinakalimutan.

Napansin yata ni Skyler na hindi pa ako ready mag kwento kaya naman bigla niyang binawi yung kanyang sinabi.

"Pero kung hindi mo pa kayang i-share sa akin okay lang naman." sabay hawak niya sa kamay ko at halik sa noo ko.

Tila nawala ang galit na naramdaman ko kanina sa ginawang yun ni Sky.



















































"Bakit kailangan pang takpan ang mga mata ko? Seriously Skyler?" pangungulit ko.

After kasi naming bumisita sa puntod ni Papa ay siya naman itong nag-aya na ipakilala sa kanyang Dad.

"Wag makulit, sige ka baka madapa tayong dalawa." sabi niya.

"Ipapakilala mo ko sa Dad mo ng nakatakip ang mata? Oh baka naman sinasabi mo lang yan pero ang totoo ay may surprise ka para sa'kin." hula ko lang naman.

"Uhhhhm to be honest, hindi naman talaga dapat kita ipipiring pero after mo kong ipakilala kay Papa naisip kong gawin 'to."

"At talagang Papa ang tawag mo sa Papa ko huh?" pagbibiro ko sa kanya.

"Why not? You're my wife. Ikaw din gusto ko Dad ang itawag mo sa Daddy ko."

Okay hindi ko na alam ang sasabihin, sabi ko nga eh mananahimik na lang ako.

Girl CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon