Thomas
"Ano ba Thomas magdahan-dahan ka naman, baka gusto mong sa hospital tayo magkita-kita nila Ariana." sigaw sa akin ni Kiana habang ako'y nagdadrive.
Kagabi ko pa nga gusto pumunta sa province nila Brix, lalo na nung nalaman kong totoong buntis si Ariana. What if ako ang ama ng pinagbubuntis niya di ba? Pagkakataon ko na sanang malaman kagabi kaso sabi ni Brix hindi nasagot ni Ari ang tanong niya dahil kailangan na nitong matulog, sobrang gabi narin kasi at makakasama iyon sa baby.
"Kaya nga couz, baka lalong di mo makita si Ari sa ginagawa mong pag drive." si Bria na katabi nila Sky at Miley na tulog na tulog sa may likod.
"Excited lang talaga ako na makita si Ariana couz." sabi ko.
"Okay lang ma-excite pero please Thom, hinay-hinay lang kung gusto mong abutan pa si Ari." sabi ni Kiana.
"Okay, okay babagalan ko na ang andar. Ano pa bang magagawa ko? Pinagtutulungan niyo na akong dalawa." sabay kamot ko sa ulo.
"Babe tingnan mo 'tong dalawang katabi ko, tulog na tulog naglabing-labing na naman siguro." sabi ni Bria.
Kahit ako ay napatingin kina Sky at Miley na sweet na sweet na magkayakap habang natutulog.
"Pustahan si Miles may kagagawan niyan hahahaha" natatawang sabi ni Kiana.
"No both of them, sabik na sabik kaya ang best friend ko kay Miley hahaha kung alam mo lang! Partida wala pang maalala yan." natatawang sabi naman ni Bria.
"Mga loko talaga kayo guys, pag-usapan ba naman ang ganyan." singit ko sa usapan nila.
"Okay sige ikaw na lang pag-usapan natin Thom. Siempre about you and Ari." sabi sa akin ni Kiana.
Pero mukhang pinagpawisan ako sa tanong na iyon ni Kiana, about me and Ari? Ano nga bang meron sa amin? Basta ako ang alam ko kailangan ko siyang hanapin at ngayon ngang nahanap ko na siya... Ano ng gagawin ko?
"Honestly? I don't know guys. Siguro kapag kaharap ko na si Ariana baka dun malaman ko kung ano ba ang dapat na meron kami." sincere kong sagot.
"Naks, binata na talaga pinsan ko." sabi ni Bria.
Napangiti na lang ako sa sinabi niya.
"Hindi ka na bakla Thom?" biglang tanong ni Kiana.
Parang gusto ko nga tawanan ang sarili ko dahil bakit nga ba naisip kong bakla ako? Bakit ba kinumbinsi ko ang sarili ko na bakla ako?
Pero kasi iba talaga yung naramdaman ko sa lalaking iyon. Sa kanya ko lang naramdaman tumibok ang puso ko ng ganun.
"Kiana bakit ganun, alam ko sa sarili ko ngayon na may nararamdaman na ako para kay Ariana pero bakit hindi mawala sa isip ko yung lalaking nagpabago ng pananaw ko sa aking sarili?" seryoso kong tanong.
"Patay tayo diyan Thom, ano na? Hindi pwedeng dalawa sila ang mahal mo." sabi sa akin ni Kiana.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Bahala na! Basta ang importante ngayon ay si Ariana." sabi ko.
Tinapik na lang ni Kiana ang balikat ko.
"Kaya mo yan." Sabi niya at ngumiti sa akin.

BINABASA MO ANG
Girl Crush
Teen Fiction(COMPLETED) What if you're straight... Pero ng makilala mo siya ay nagbago ang lahat? Yung pinipilit mong wala lang ay lalong umusbong? Yung dating akala mo ay "Girl Crush" lang ay nauwi sa "Mahal na kita"??? Ipagpatuloy mo pa kaya kung ano ang iyo...