Kiana
"Patawarin mo na ako please? Hindi na talaga mauulit." nakaluhod na pakiusap ni Max.
Ilang araw na rin niya akong sinusuyo pero kasi hindi ko na talaga kaya. Sobrang sakit na.
At kanina nga ay naisipan kong makipag break sa kanya. Pero ayaw niyang pumayag kaya ngayon ay nakaluhod siyang nagmamakaawa sa akin.
"Please babe! Mahal na mahal kita.. Wag mo naman gawin sa akin 'to oh!"
Natawa ako ng mapakla sa sinabi niya.
"Mahal na mahal? Pero nagawa mo akong saktan Max! Ilang buwan mo akong binalewala, ilang buwan akong nagbulaglagan para lang isalba yung relasyon natin pero ikaw itong gumagawa ng paraan para lalong masira yung relasyong 'to. Tapos ngayon sasabihin mong mahal na mahal mo ako?" Nangingilid narin ang mga luha sa mga mata ko.
Dahil nakita kong naiiyak narin si Max.
"Babe, di ko naman sinasadya eh. M-May pangangailangan lang din kasi ako at natutukso.. Tao lang ako Babe, intindihin mo naman ako oh."
"Right! Dahil hindi ko maibigay yung sarili ko sayo kaya naghanap ka ng iba. Max tama ba 'yon? Kung mahal mo ako irerespeto mo ako. Maghihintay ka kung kelan ko kayang ibigay ang sarili ko sayo. Hindi yung maghahanap ka ng iba. At ngayon pinapalaya na kita. Malaya ka ng maghanap ng taong maibibigay ang pangangailangan mo na hindi ko maibigay sayo." Lalayo na sana ako sa kanya ng niyakap niya ako ng mahigpit habang nakaluhod at lumakas narin ang kanyang pag-iyak.
"No Babe, please wag mo akong iwan, hindi ko kaya.. Maniwala ka naman sa akin oh! Mahal na mahal kita." Ang higpit parin ng yakap niya sa akin.
"Tumayo ka nga diyan Max." Pinupunasan ko narin yung luha ko.
"No, hindi ako tatayo dito.. Patawarin mo muna ako.. Please Babe."
"Oo na pinapatawad na kita, basta tumayo ka na ngayon din."
Dali-daling tumayo si Max at niyakap ako ng napakahigpit.
"Thank you." at hinalikan niya ako sa ulo ng paulit-ulit.
"Pinapatawad na kita pero tuloy parin ang break up. Sorry."
Yung masayang mukha niya ay napalitan ng lungkot.
"Fine. Payag akong makipag break ka sakin pero liligawan ulit kita. Just like the old times." muli ay hinalikan niya ako sa ulo at nagpaalam ng umalis.
Wala na akong nagawa dahil bigla na lang itong nawala sa paningin ko.. Tatanggi pa sana ako eh kaso sa tigas ng ulo ni Max, malamang hindi niya ako susundin.
"Mabuti naman at hiwalay na kayo." Masayang bungad sa akin ni Thomas.
"Oh bakit hindi maipinta yang mukha mo?" dagdag ni Thomas.Inaayos ni Thomas yung dala nilang pagkain ni Miley. Nandito kami ngayon sa kusina dahil nabanggit ko nga sa kanila yung naging usapan namin kanina ni Max. At ngayong gabi ay naisipan nila na dito mag dinner sa unit ko.
"Thomas, alam mo naman kung bakit, nagtanong ka pa." si Miley na punong-puno na agad ang bunganga habang nagsasalita, ni hindi pa nga kami nakakaupo sa upuan.
Napangiwi na lang ako, kasi ang lakas niya talaga kumain kaso hindi siya nataba. Tho, mataba siya noon pero ng pumayat siya ay na-maintain niya na yung katawan niya.
"Dahan-dahan Miles baka mabilaukan ka." pero ang loka nginitian lang ako.
Crush ko talaga 'tong best friend ko, bago ko pa nakilala si Max.. Pero gaya ng sabi ko crush lang talaga.. Kahit madalas kaming mapagkamalan na merong relasyon dahil sa sobrang sweet namin sa isa't-isa ay hindi ako na-inlove sa kanya.. Okay narin siguro yun para hindi masira friendship namin.

BINABASA MO ANG
Girl Crush
Novela Juvenil(COMPLETED) What if you're straight... Pero ng makilala mo siya ay nagbago ang lahat? Yung pinipilit mong wala lang ay lalong umusbong? Yung dating akala mo ay "Girl Crush" lang ay nauwi sa "Mahal na kita"??? Ipagpatuloy mo pa kaya kung ano ang iyo...