Chapter 13 - Girlfriend Duty

7.3K 210 17
                                    

Skyler




"Sky?" napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.

Nakasandal kasi ako sa sasakyan ko at kakatapos lang basahin yung reply ni Miley ng makita ako ni Kiana.

I just told Miley na pupunta ako ng school nila para i-surprise si Kiana at libangin muna ito hanggat wala pa ako sa labas ng gate nila.

"Anong ginagawa mo dito?" gulat parin na tanong nito. Madalas kasi ay sila ang nagpupunta sa school namin.

Narinig ko pa ang bulung-bulungan ng ibang students ng makita ako.

Kilala kasi talaga si Kiana at Max sa school nila dahil narin sa pagiging couple nila.

Alam ko namang maraming naiinis sa akin ngayon dahil sa balitang kumalat na ako na ngayon ang girlfriend ni Kiana, pero anong magagawa ko? Gusto ko lang tulungan na makawala sa Max na 'yun ang kaibigan ko.

Ang akala kasi ng lahat ay perfect couple ang dalawa, pero wala silang alam sa kung paano lokohin ni Max si Kiana.

Matatapos narin pala ang sem kaya halos wala ng ginagawa at papalapit narin ang paglipat nila sa school namin.

"Girlfriend duty?" Sagot ko.

Alam ko namang nag-aalala lang ito sa akin dahil baka sugurin ako ng mga fangirls ni Max.

Tsk! Pake ko naman sa kanila?

Halos isang linggo narin pala ang pag-arte namin as girlfriend and girlfriend at sa loob ng isang linggong iyon ay hindi parin siya tinitigilan ni Max, kaya naman mas pinalevel-up pa namin ang sweetness namin.

Kung noon hanggang holding hands lang.. Ngayon may hug at kisses narin pero sa pisngi lang.

Tanging si Miley lang ang nakahalik sa lips ko wala ng iba.

And speaking of Miley, nasa tabi siya ni Kiana na nakangiti lang sa amin kaya gumanti narin ako ng ngiti.

I always love her smile, may naaalala kasi ako dahil sa mga ngiti niya.

After ng pangyayari sa van ay mas lalo kaming naging close sa isa't-isa.

Mas lalo din siyang naging sweet kaya parang gusto ko na tuloy paniwalaan yung sinabi ni Bria pero minsan biglang maglalaho yung paniniwala ko dahil may gagawin ulit si Miley na nakakapagdalawang isip sa kung ano ba ang dapat kong paniwalaan.

At isa pa hindi lang naman siya sa akin ganun ka-sweet! Kahit kay Kiana, sobrang sweet niya na minsan ikanaseselos ko na pero wala naman akong karapatan kaya napapairap na lang ako mag-isa. Buti nga hindi nila nakikita yung ginagawa kong pag-irap.

Isa pang kinaiinisan ko ay kapag lumalapit sa kanya yung manliligaw niyang mukhang ewan! .. Tsk!

"Miley!" May tumawag dito.

Pagtingin naming tatlo, speaking of the devil nga naman.

"Oh, Hi Brix." Sagot nito.

"Hatid na kita?" Tanong nito ng makalapit.

"Huh, may sasakyan akong dala eh maybe next time?" alanganing sagot nito.

Napa smirk naman ako. That's my girl.

Napakamot ito ng ulo.

"Ganun ba? Sige hatid na lang kita sa parking lot." sabay ngiti nito.

Tsk! Ayaw talaga paawat.

"Sweet naman.." at may nakakalokong ngiti pa si Kiana ng sabihin niya iyon.

Lalo namang lumaki ang ngiti ni Brix.

At bago ko pa masuntok sa pagmumukha 'to ay nagsalita na ako.. Gusto ko ng umalis sa lugar na ito dahil hindi ko talaga gustong nakikita na magkasama pa si Miley at si Brix. Ewan ko ba, kumukulo talaga ang dugo ko. 

"Huh, Kiana let's go?" tanong ko.

"Huh? Wait saan tayo pupunta?" Takang tanong niya.

"Basta, sumama ka na lang promise magugustuhan mo. Right Miley?"

"Wait may alam ka?" tuon ni Kiana kay Miley.

"Yup, nag text siya sa akin na kung pwede ay libangin ka muna habang wala pa siya." sabi nito.

"Oh! So ngayon kayo na talaga ang mag best friend? Ganun?" medyo pagtatampo nito.

"Ay sus, ang best friend ko. Malamang ako kakausapin niya surprise ---" bigla siyang napahawak sa bibig niya..

Hindi na surpise kasi sinabi na ni Miley.
Napailing-iling na lang ako.

"Ooops! Sorry." sabay peace niya at hinila na palayo si Brix.

Ouch! Bakit parang may kumurot dito sa puso ko ng makitang magkasugpong ang kanilang mga kamay?

"Oh anong mukha yan?" tawag pansin sa akin ni Kiana.

Shems! Mukhang nahuli pa ata akong sinundan ng tingin yung dalawa.

"Huh, mukha ng Dyosa?" pagbibiro ko.
Pero nakatanggap lang ako ng malakas na hampas sa braso.

Grabe, kawawa talaga ako dito kapag magkasama kami.

"Mas Dyosa si Miley." tapos tinaas-taas niya pa yung kilay niya. Parang manyak lang ang dating huh.. "Kala mo 'diko nakita huh! makatitig ka kay Miley iba!" dugtong pa nito.

"Masama bang tumingin sa magaganda?" sagot ko sa kanya at inirapan siya.

Pero napahagikgik lang ito.

"Naku naku naku! Baka sunod niyan mahal mo na best friend ko huh.. Pano na'ko?" naka crossarm na tanong sa akin ni Kiana.

Napataas naman ako ng Kilay.

"What? Are you in love with me?" tanong ko sa kanya.

"Of course not. Kung ikaw pa si Bria maari pa." Sabay iwas niya ng tingin.

Napa-Owwwwww naman ako dun..

"Shit! Alam mo kung liligawan mo si Bria ngayon, hindi kita pipigilan.. Tutulungan pa kita! Agawin mo siya sa unggoy niyang boyfriend please!!!"

Biglang sama naman niya ng tingin sa akin.

"Akala ko ba best friend ka ni Bria? So bakit mo sasaktan ang best friend mo? Can't you see? Mahal niya yung boyfriend niya."

Natahimik ako bigla sa sinabi niya. Alam ko naman yun eh.

"Pero kasi parang may mali. Ikaw na nagsabi best friend niya ako. Kaya sinasabi ko lang kung anong napapansin ko. Mahal nga siguro ni Bria ang lalaking yun pero bakit feeling ko si Bria lang ang nagmamahal?"

"Paano ka naman nakasisiguro na ganun nga iyon?" tanong parin niya.

"I just know. Oh wait Girl crush ka ni Bria, malay mo may pag-asa ka." Sabay wink ko sa kanya.

"Hindi nga?" Sagot niya. Biglang na excite siya hahaha Hanep kulang na lang mag heart shape yung mata niya.

"Ay naku! Bahala ka diyan... Tara na nga, may surprise pa ako sayo." Sabay hila ko sa kanya papuntang sasakyan ko.

Okay naman siguro na malaman niyang girl crush siya ni Bria di ba? Hindi ko naman sinabi yung buong napag-usapan namin dati about sa kanya at sa kung anong nararamdaman ni Bria.

Girl CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon