Bria
"Brix pakibuksan mo na nga lang yung pinto. Gusto ko makilala yung guy na kasama ni Max."
Nagkatinginan pa kami ni Sky bago ako tumingin kay Kiana na ngayon ay nakakunot noo.
"No Brix, wag mo bubuksan ang pinto. I don't want to see them." pagmamatigas ni Kiana.
Ako naman ngayon ang napakunot noo.
"But Kian I need to see that guy!" muli kong binalik kay Brix ang pansin ko at sinenyasan na buksan ang pinto.
"Pero..." si Brix na gulong-gulo na at palipat-lipat ang tingin sa amin ni Kiana.
"Sige na Brix buksan mo na pinto, kami ng bahala kay Kiana." singit ni Sky.
"Skyler." tawag naman sa kanya ni Miley.
"Miley, gusto lang naman namin makita kung sino yung nasa labas. Para kasing si Paul." sabi ni Sky.
"Paul? As in yung ex ni Bria?" tanong ni Miley.
Tumango-tango na lang si Sky bilang sagot.
"But it's not Paul, It's Jeremy." sagot naman ni Miley.
"Miley is right. Si Jeremy yung nasa labas and now with Max. Great nagsama ang dalawamg pang gulo sa buhay ni Kiana." singit naman ni Thomas.
"So your Jeremy huh?" Tanong ko kay Kiana.
"My Jeremy??? NO WAY!." iritang sagot nito.
Napangiti na lang ako sa naging reaction niya. Halatang ayaw na ayaw makita si Jeremy.
Pero kaboses talaga niya si Paul eh.
"Ah guys bubuksan ko ba or hindi?" singit ni Brix.
"Buksan mo na Brix. I wanna meet Jeremy. Papamukha ko sa kanyang wala na siyang pag-asa kay Kiana dahil akin lang ang Babe ko." Sabay akbay ko kay Kiana na ngayon ay pulang-pula.
Mabilis namang umalis si Brix at binuksan ang pinto.
Inalis ni Kiana ang pagkakaakbay ko sa kanya at hinarap ako.
Nagkangitian pa nga kaming dalawa at bigla niya na lang ako hinalikan.
"God these two." rinig namin na sabi ni Thomas.
Samantalang nakarinig na lang ako ng tawa mula kay Sky at Miley.
Pero syempre mas pinalalim ko yung halik ni Kiana, di ko tatanggihan lalo na para makita ng Max at Jeremy na yan na akin lang si Kiana.
Selfish man pakinggan pero ganun talaga lalo na alam kong mahal ako ni Kiana at ipaglalaban ko lang yung taong nagparamdam sa akin ng totoong pagmamahal.
"WHAT THE F***?" nahinto lang kami sa halikan ng marinig ko ang isang familiar na tinig.
Hinarap namin ito at napakunot noo ako sa nakita ko.
"Paul/Bria?" sabay naming bigkas.
"Paul? But he's Jeremy." takang tanong ni Kiana.
"I can't believe na iisa lang si Paul at Jeremy." rinig kong sabi ni Sky sa likuran namin.
"What?" gulat na reaction ni Miley.
"No way? Siya nga si Paul?" tanong ni Kiana sa akin.
Tumango-tango ako.
"Oh I remember na, his name is Paul Jeremy right Kiana?" tanong ni Miley.
"Ah yeah bakit ko nga ba nakalimutan?" sagot naman ni Kiana.

BINABASA MO ANG
Girl Crush
Teen Fiction(COMPLETED) What if you're straight... Pero ng makilala mo siya ay nagbago ang lahat? Yung pinipilit mong wala lang ay lalong umusbong? Yung dating akala mo ay "Girl Crush" lang ay nauwi sa "Mahal na kita"??? Ipagpatuloy mo pa kaya kung ano ang iyo...