Chapter 29 - Cheezy Bria

4.7K 147 3
                                    

Kiana




"Okay lang ako Miles don't worry okay?" sabi ko sa kanya sa kabilang linya. Tumawag siya para sabihing nakauwi na siya. Halos mag-iisang oras palang nung umalis sila dito sa unit ko.

"Dapat kasi pumayag ka ng diyan ako matulog, baka mamaya balikan ka ni Jeremy." sabi naman niya.

"Ano ka ba, okay lang talaga ako at tsaka para makapag pahinga ka rin ng maayos, dahil kapag nandito ka, malamang maghaharutan lang tayo dito. May lakad kayo bukas ni Sky di ba?" sabi ko naman.

"Kung sa bagay.. Sige na nga pero...." naputol ang sasabihin niya ng bigla akong magsalita.

"Wait." napatingin ako sa gawi ng pintuan ng may marinig akong tumunog yung doorbell.

Tamang tambay pa kasi ako dito sa Living room ng unit ko.

"Why may nangyari ba?" rinig kong tanong ni Miles sa kabilang linya.

"May nag doorbell kasi." sagot ko.

"Wag na wag mong pag bubuksan yan Ana, anong oras na kaya. Maganda ng mag-ingat." Sabi niya.

"But Miles what if kakilala ko? Try ko lang silipin kapag hindi ko kilala syempre hindi ko pagbubuksan." sagot ko.

"Ay naku Ana ah.. Basta wag mo ibababa 'tong call." Sabi niya.

"Oo na po." sagot ko naman at nagtungo sa pinto.

Pagsilip ko ay nakita ko si Bria kaya agad kong binuksan ang pinto.

"Bria, what are you doing here?" takang tanong ko.

"Surprise?" Sabi niya at pumasok narin sa unit ko.

Muli kong binalik ang tuon ko kay Miles.

"Hello Miles? Si Bria yung dumating." sabi ko.

"Ohhhh alam na this. Hahaha si Bria talaga.. Oh sige na end ko na'to. Panatag narin naman ako dahil may kasama ka na." Sabi naman niya.

"Good night Miles love you hahaha" Sabi ko.

"Hahaha love you too muah muah." sagot naman niya at ni end narin ang call.

Kaharap ko na ngayon si Bria at ako naman ay nag cross arms sa harapan niya.

"Anong trip mo? Anong oras na at bumyahe ka pa talaga?" kunwaring pagsusungit ko sa kanya.

Pero ngumiti lang siya at yinakap ako.

"Namiss kasi kita agad eh." sabi niya.

Pero syempre alam ko namang hindi lang iyon ang dahilan.

"Bria, isa?" pagbabanta ko.

"Tsk okay fine, Hindi kasi ako mapalagay dahil baka balikan ka ni Paul. Nakasama ko rin naman siya at alam kong matigas ang ulo niya. Ayoko lang na lumapit ulit siya sayo." After niya magsalita ay napakunot noo agad siya.

"Bakit ka nangingiti diyan?" Takang tanong niya.

"Eh kasi pareho kayo ng nasa isip ni Miley." Sagot ko.

"Oh, actually si Sky din kaya nga pinagtulakan niya rin ako na pumunta dito. Pero kahit Hindi naman niya ako pagtulakan, babalikan kita dito lalo na at alam ko na kung sino yung kinalolokohan pa noon ni Paul. I'll make sure na hindi ka na niya magugulo pa." Sabay ngiti niya at pinch sa ilong ko.

"Ouch! " daing ko.

Pero ngumiti lang siya ulit at mas nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Yung tipong maghahalikan na kami! Pero nagkamali ako dahil hinalikan niya lang ang tuktok ng ilong ko.

Girl CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon