Kiana
NANDITO kami ngayong dalawa ni Miles sa may sala ng unit nila Bria at hinihintay na matapos magluto ang dalawa.
Samantalang si Sabine naman ay lumabas saglit para kausapin sa phone yung kanina pang tawag ng tawag sa school.
Si Thomas at Brix naman ay inutusang bumili ng mga kulang na ingredients sa lulutuin kaya solong-solo ko si Miles ngayon.
Naka-crossarms akong nakaupo sa harapan ni Miley at hinihintay ang kanyang paliwanag.
Ano 'tong naabutan namin silang naghahalikan sa sofa ni Sky?
Ganito kasi yun after ng klase ay dumiretso na agad kami dito, eh alam naman nilang kasama namin si Bria, so kahit anong oras ay makakapasok kami sa condong 'to!
Pagpasok namin ay nagmadali kaming hanapin yung dalawa, para lang maabutang naghahalikan sila, muntik pang ihiga ni Sky si Miley kung hindi lang nag-ingay si Bria.
Jusme, makakapanood sa kami ng live show ng wala sa oras.
Pero grabe lang nakaramdam ako ng init doon ah sobrang hot nung dalawa kanina.
Pero erase-erase! Ang sabi sa amin ni Bria kanina ay sinabi niya na ang totoo kay Sky pero wala parin itong maalala.
Pero kung makahalik si Sky sa best friend ko kala mo kilalang-kilala si Miles.
"Ano Miles? Nilalasap mo parin ba hanggang ngayon at hindi ka makaimik diyan?" nangingiti kong sabi.
"Che! Istorbo talaga kayo lagi!" sabi niya.
Natawa na lang ako sa isinagot niya at may kasama pang pailing-iling.
"Napatunayan ulit natin kung gaano ka karupok." sabi ko.
"I know right? Mana sayo." sagot niya na natatawa narin.
"Mag best friend nga talaga tayo, parehong marupok." natatawa ko ulit na sabi.
"Kahit ako hindi makapaniwalang magagawa ang mga bagay na ganun." sagot naman ni Miley.
"Iba talaga nagagawa ni Sky sayo noh?"
Tumango-tango siya.
"Alam mo bang seryoso lang kaming nag-uusap kanina, tapos napatingin lang ako sa labi ni Skyler at nauwi na kami sa kung anong naabutan niyo?" halos di makapaniwalang saad ni Miley.
"Don't worry Miles, naiintindihan kita, ganyan din ako kay Bria." sabi ko at sabay pa kaming natawa.
"YEY! KAINAN NA!!!!" excited na sabi ni Brix pagkalapag na pagkalapag ni Bria ng pagkain sa mesa.
At dahil nasa harapan ko si Sabine kitang-kita ko kung paano ito lihim na napangiti sa inasta ni Brix.
The way she looks at Brix, she's truly madly in love with him.
Kaya hindi talaga ko naniwala na may relasyon si Miles at Sabine... Bukod sa PATAY na PATAY ang best friend ko kay Sky, nakita ko kung paano tingnan ni Sabine at Brix ang isa't-isa.

BINABASA MO ANG
Girl Crush
Teen Fiction(COMPLETED) What if you're straight... Pero ng makilala mo siya ay nagbago ang lahat? Yung pinipilit mong wala lang ay lalong umusbong? Yung dating akala mo ay "Girl Crush" lang ay nauwi sa "Mahal na kita"??? Ipagpatuloy mo pa kaya kung ano ang iyo...