Chapter 74 - Compatible

4.2K 106 9
                                    

Miley



MULING kuminang ang aking mga mata ng makita ang pagkaing inihanda ni Skyler sa mesa. Hindi parin tapos my god, punong-puno siya ng sorpresa. Heto pa, lahat ata ng favorite food ko ay nasa harapan ko... Napapalunok na lang tuloy ako ng laway ng di oras.

"Ikaw nagluto lahat?" excited kong tanong sa kanya.

"Uhmm Oo pero tinulungan ako ni Bria and syempre nalaman ko lahat ng gusto mo dahil kay Kiana kaya thanks talaga sa mga bestfriend natin." sagot niya.

Napakagat agad ako ng labi ng makita ko yung carbonara.. favorite ko talaga yun.

Nakarinig ako bigla ng mahinang hagikgik mula kay Skyler, tsk! pinagtatawanan na naman ako ng isa palibhasa alam niyang gustong-gusto ko ang luto niya.

"Yung totoo Skyler, ikaw ba ang may birthday o ako? Bakit para sa akin lahat?" seryoso kong tanong.

"Bakit nga ba? Siguro dahil ikaw ang lahat sa akin? Kaya kung anong magpapasaya sayo, magiging kaligayan ko narin."

"Parang kanta yun ah." sabay tawa ko pa...

"Hindi ah, yun lang talaga ang pumasok sa isip ko. Nga pala may ibibigay din ako sayo." sabi niya at may hinanap sa kanyang bag.

"Here." sabay abot niya sa akin ng black na hoody at ng buklatin ko ay nakita ko yung design na may nakasulat Aquarius's na ipinagtaka ko.

"Aquarius? Pero Gemini ako." sabi ko.

"I know." nakangiti niyang sagot at binuklat naman yung hawak niyang hoody.

Sa hawak niyang hoody at may nakasulat na Gemini's.

"Oh, yan dapat ang akin." sabi ko.

"Nope, yan talaga ang sayo. Kita mo yung 's para ibig sabihin... Ako'y sayo at Ika'y akin lamang." sabay ngiti na naman niya.

Samantalang ako ay napailing-iling na lang habang nangingiti, ganito ba talaga nagagawa ng inlove? Kanta ulit yun ah.

"Alam mo ikaw lalo kang lumalala." natatawa kong sabi. "Naisip mo talaga 'to?" dagdag ko pa.

"Wifey, hindi lang yan ang naisip ko. Alam mo ba base sa research ko, we're compatible daw. Imagine that? Pinagtagpo na nga, soulmates pa. Kahit si Universe shipper natin." sabay kindat niya.

"Ewan ko sayo..." sabay kurot ko sa braso niya, bigla kasi akong nanggigil.

"Aw grabe siya.." sabay nguso niya. "Wala bang thank you kiss na lang?" dagdag niya pa.

"Wala! Mabuti na lang wala si Bria and Kiana ngayon noh? Kundi baka pinagtatawanan ka na ng dalawa." sabi ko.

"Huh? Sino nagsabing wala kami?" biglang sulpot ni Bria kasama si Kiana na nakakagat pa ng labi dahil nagpipigil sa tawa.

"Kian ilabas mo na yan." sabi ni Bria kay Kiana, na agad din namang tumawa ng tumawa.

Nang mahimasmasan siya ay nagsalita agad ito.

"Grabe Sky, nag research ka talaga?" manghang sabi niya pa.

"At anong masama dun aber?" sabi naman ni Bria na may kasama pang pag taas ng kilay.

"Wait babe, don't tell me idea mo yun?" sabi ni Kiana kay Bria.

"Oo idea ko nga, ano naman sayo? May reklamo ka?" sabi niya.

"Huh? Ah wala naman.. mamaya nga isesearch ko rin kung compatible tayo." sabay ngiti niya at akbay kay Bria.

Under si best friend kay Bria hahaha

Girl CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon