Skyler
"Miley!" tawag ko sa babaeng nakita ko na nakikipag-away sa lalaki.
Shit! Where's Thomas? nagmadali akong makalapit kina Miley at doon sa dalawang lalaki na hawak-hawak ang mga braso ni Miley.
"S-Sky!!! H-Help me." nanghihina na sigaw ni Miley.. Siguro napagod kakapalag sa mga lalaki.
"Hey, get your hands off!" sabi ko sa dalawa.
Pero nag smirk lang sa akin yung isa.
"Kapag sinuswerte ka nga naman, may isa pang magandang dilag, pano ba yan tag-isa na tayo?" sabi niya sa kasamahan.
Pero nag smirk lang ako sa lalaki. Hindi nila kilala ang binibunggo nila.
"Mukhang gusto mo ring maligayahan miss." sabi ng kasamahan niya na unti-unting lumapit sa akin.
Pero ng makalapit siya ay ginamit ko agad yung mga secret moves ko. Kaya ayun bagsak agad..
Napanga-nga pa yung isang lalaki na may hawak kay Miley. At nung siya naman yung susugod ay ginamitan ko ulit ito ng ninja moves ayun bagsak ulit.
Tsk! Mga lampa naman pala.
"Wow! S-Sky alam ko nakainom ako pero siguro naman hindi ako namamalikmata sa nakita ko?" Nanlalaki parin ang mga mata ni Miley na nakatingin sa akin.
"Don't worry malinaw na malinaw na pinatumba ko sila. Nung bata kasi ako ay muntik na akong makidnap kaya para maiwasan ulit yun ay pinag-aral ako ng mga magulang ko ng Karate, Taekwondo at kung ano-ano pa para maging self defence ko. Kulang na lang pag-aralan ko maging Ninja." sinipa ko pa yung isang lalaki na babangon pa sana.
"Nasan nga pala si Thomas?" tanong ko.
"Ughhhh that gay! Iniwan na lang ako basta ng may nakitang lalaki at yun sabi niya mauna na akong umuwi at next time na hanapin si Max. Kaso ito nga ang nangyari nakasalubong ko yung dalawa. Buti na lang dumating ka, kung hindi.." napayakap pa sa kanyang sarili si Miley.. Buti na lang may suot akong jacket na hinubad ko agad at pinatong sa balikat niya. Mugto rin ang mga mata niya kaya agad ko siyang niyakap ng mahigpit.
"Okay na ang lahat you're safe." Habang yakap-yakap ko siya ay nakaramdam ako ng mumunting halik sa leeg ko.
"Shit!" at inilayo ko bigla si Miley sa akin na pupungay-pungay ang mga mata na humarap sa akin.
"B-bakit mo ginawa yun?" tanong ko sa kanya.
"I don't know.. Ang bango mo kasi tapos..."
Nakataas na yung isang kilay ko at hinihintay na tapusin yung sasabihin niya.
"Tapos?".. Tanong ko. Pero nakita ko siyang nakatitig sa lips ko. Kahit ako ay napalunok dahil sobrang hot niya tumingin ngayon.
"Fuck it." sabi niya at nagulat na lang ako dahil kinabig niya ako at mabilis na nilapat ang kanyang mga labi sa labi ko.
Inilayo ko ulit siya.. Hindi tama 'to. I thought she's straight?
"S-Sky please kiss me... I'm feeling... you know.. Ughhhh basta help me.. Naiinitan ako." sabi niya at hinubad yung jacket na inilagay ko.
"Ano ba nangyayari sayo?!" Tanong ko pero hindi niya ako pinansin at huhubadin na sana yung pan-itaas niya pero mabilis ko siyang pinigilan.
"What the... Miley!" hinawakan ko ang kanyang dalawang kamay at mahigpit na niyakap.
"S-Sky... i like your smell." sabi niya at muli ay binigyan niya ulit ako ng mumunting halik..
Shit! Napatingin ako sa dalawang lalaki na nakahandusay at may nakita akong isang bote na maliit.

BINABASA MO ANG
Girl Crush
Fiksi Remaja(COMPLETED) What if you're straight... Pero ng makilala mo siya ay nagbago ang lahat? Yung pinipilit mong wala lang ay lalong umusbong? Yung dating akala mo ay "Girl Crush" lang ay nauwi sa "Mahal na kita"??? Ipagpatuloy mo pa kaya kung ano ang iyo...