Chapter 55 - Lord Patawad

3.7K 152 33
                                        

Skyler



ILANG araw narin ang lumipas since may nalaman ako about sa aming dalawa ni Miley.

After that day kapag nandiyan si Miley ay nawala na yung hiyang nararamdaman ko. Minsan nga naisip ko baka magtaka na siya dahil narin sa sweetness na pinapakita ko sa kanya.

Akala ko nga ay tuluyan niya akong iiwasan dahil sa kiss na naganap sa amin pero one time ay nagpunta siya sa amin kasama si Kiana na parang walang nangyari. So ako ang ginawa ko dahil alam ko narin naman kung sino siya sa buhay ko, sumakay na lang din sa trip niya pero syempre nakuha ko nang maglambing.

Hindi parin kasi namin sinasabi ni Bria na may alam na ako.

Samantala, napapadalas ang panaginip ko about sa batang babae.

Ngayon ko na lang ulit naalala ang batang babae na iyon. Actually sa tuwing naaalala ko siya ngayon ay gumagaan ang pakiramdam ko.

Sa panaginip kasi ay lagi niya akong pinapasaya.

Minsan nga pumasok din sa isipan ko na parang may hawig yung batang babae kay Miley.

Hawig lang naman pero kasi naisip ko sana iisa na lang sila ng kababata kong iyon.

Isang beses ko lang siya nakita pero napukaw niya na agad ang puso ko. Kung hindi nga lang dumating si Miley sa buhay ko ay baka hinihintay ko parin ang panahon na baka pagtagpuin ulit kami ng tadhana.

"Hoy, tulala ka na naman diyan." si Bria na humarang sa harapan ko.

"Tumabi ka nga!" hawi ko sa kanya.

"Wushu, pinagmamasdan mo na naman si Miley, aba baka matunaw na yun." sabi pa niya.

"Eh bakit? Natural lang naman na pagmasdan ko siya, pinapanood ko siya eh." sabi ko.

Naglalaro kasi ng volleyball sina Miley kasama ang iba pa naming kaibigan, kakatapos lang ng PE Class namin.

"Ayaw mo pa kasing sabihin." Sabi niya at tumabi sa akin.

"Ang cute niya kaya mag react kapag bigla akong naglalambing sa kanya. Kaya wag muna." sabi ko.

Napailing-iling naman siya.

"Baka naman magalit sayo yun?" si Bria.

"Ako ng bahala dun, nga pala may nabanggit ba si Kiana? Baka may balita ka diyan." sabi ko.

"Wala nga eh, pero feeling ko may naikikwento si Miley sa kanya at hindi lang sinasabi sa akin. Alam mo na loyal parin yun sa best friend niya." sabi niya.

"I know. Just like you." nangingiti kong sabi.

"Hay naku, alam mo masasapak talaga ako ni Kiana once na malaman niyang matagal ka ng may alam at hindi man lang natin sinabi sa kanila." sabi ni Bria.

"Don't worry Bri, pareho lang naman tayong naglihiman, so it' a tie." sabi ko na binalik ang attention kina Miley.






























































































MATAPOS ang laro nila ay nagsitakbuhan sila palapit sa amin ni Bria.

Tsk. Pawisan ang baby ko, makapaglambing nga.

"Wala na nangingiti na naman siyang mag-isa." sabi ni Bria sa akin na may kasama pang pailing-iling.

Siniko ko na lang siya sa tagiliran para manahimik at isang pigil na tawa naman ang kanyang isinagot sa akin.

Girl CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon