Chapter 49 - Kagat Labi

3.4K 128 17
                                    

Miley




MGA tatlong araw ang lumipas ay nagpumilit ng lumabas ng hospital si Skyler.

Halata parin yung mga galos niya at mga sugat lalo na sa ulo pero mas ginusto niyang sa condo niya ito magpahinga.

Gusto niya na nga ring pumasok pero hindi pumayag si Tita.

Isa pa, problema rin namin kung paano namin sasabihin sa kanya ang totoo. Once kasi na pumasok siya sa school ay maraming makakakilala sa kanya.

"So ano ng gagawin natin? Sa Monday papasok na si Sky." sabi ni Kiana.

"Sabi naman ni Tita siya ng bahala. Kaya wag niyo na alalahanin yun." sabi naman ni Bria.

"Pero Bria ang laki ng school." sabi ko.

"Tama si Miley, kung ang plano ni Tita ay pakiusapan ang mga classmates ni Sky pati narin ang nakakakilala sa kanya sa school paano naman yung mga taong humahanga sa kanya? Couz feeling ko malalaman at malalaman ni Sky ang totoo." sabi ni Thomas.

"I think kailangan na natin sabihin ang totoo kay Sky bago niya pa malaman sa iba." sabi naman ni Brix.

"Bria." Tawag ni Sky.

"Gising na siya." sabi ni Brix.

"Ah Sky nandito kami sa sala." sigaw ni Bria.

"Oh, may meeting?" takang tanong niya na kinukusot pa ang mga mata.

Napangiti agad ako ng makita iyon, cute! Pigilan niyo ko susunggaban ko na'to.

"Oh nangingiti ka na naman diyan, kalma ka lang." bulong ni Sabine.

Speaking of pigilan niyo ko. Maaasahan talaga 'tong si Sabine eh.













































































UMUWI na sina Thomas at Brix, ganun din si Sabine. Samantalang kami ni Ana ay nag-paiwan.

Niligpit namin dalawa ni Kiana yung mga pinag-kainan namin.

"Ako na maghuhugas Babe." sabi ni Bria.

"Ssssh Babe ka diyan, marinig ka ni Sky." sabi ni Ana.

"Nandun siya sa sala okay?" sabi ni Bria.

"Bria sige na kami na lang ni Ana ang maghuhugas dito, samahan mo na lang si Sky." sabi ko.

Napakamot naman sa ulo si Bria.

"Sige na pero kiss ko muna." lambing ni Bria kay Kiana.

Napapangiti tuloy ako, I'm so happy para sa best friend ko.

Kiniss naman niya ito pero mabilis lang.

Kitang-kita ko pa kung paano kinilig si Bria at iyon sabay takbo palabas ng kusina.

Napailing-iling naman si Kiana.

"Aminin kinilig ka rin." sabi ko sa kanya.

"I'm in love with her Miles, natural lang yun." sagot naman niya.

"Buti ka pa." malungkot kong sabi at naghugas na lang ng pinggan.

"Naku, naku ang best friend ko." Si Kiana na inakbayan pa ako.

"Gusto mo sabihin na natin ang totoo kay Sky?" sabi niya pa.

"Baka gusto mong nagpanic yun?" sabi ko sa kanya.

Girl CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon