Skyler
"Anong gagawin natin sa unit mo?" Takang tanong ni Kiana. "Akala ko ba may surprise ka sa akin?" muling tanong niya.
Nasa harap na kasi kaming dalawa ng unit ko at bubuksan ko na lang at makikita na niya ang surprise ko.
"Surprise nga di ba? Malay mo pagbukas ng pintong yan may biglang sumabog sa mukha mo eh di surprise?" Sabay bigay ko sa kanya ng nakakalokong ngiti.
At siya naman ay biglang hinampas ako sa braso. "Loko ka talaga." sabi pa nito, pero bigla namang kumapit na sa braso ko. "Hindi ka aalis sa tabi ko habang binubuksan mo yang pinto.. Kala mo huh!" sabay smirk niya.
Napailing-iling na lang ako habang nakangiti sa kanya.
Pagbukas ko ng pinto ay nanlaki ang kanyang mga mata.
Bumungad kasi sa kanya ang unit ko na punong-puno ng lobo sa itaas, may mga petals ng flowers na nagkalat sa sahig at may banner na nakasulat na "Happy Weeksary".
"Happy Weeksary." Bati ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin at parang naluluha na.
"Oh bakit ka naiiyak? Hindi mo ba nagustuhan?" Napakamot pa ako ng ulo.
Pero hinampas niya ako bigla sa braso.
" No! Silly, syempre nagustuhan ko. Tears of joy 'to. Pero hindi mo naman kailangan gawin ito. Nagpapanggap lang tayo remember?"
"I know. Gusto mo pumasok? O diyan ka na lang sa labas? Sayang naman yung food na hinanda ko." sagot ko sa kanya.
"Ikaw nagluto? Aba hindi ko uurungan yan, sarap mo kaya magluto."
Dahan-dahan siyang naglakad at pinagmasdan yung ginawa naming surprise sa kanya.
"Seriously, thank you sa effort." huminto ito sa paglalakad at hinarap ako. Yumakap ito sa akin, kaya naman gumanti na lang ako ng yakap.
Pero kumalas din siya agad kaya nakita ko yung lungkot sa kanyang mga mata.
"Bakit parang hindi mo naman nagustuhan yung ginawa ko?" tanong ko sa kanya.
Pero hindi niya ako sinagot ng may pumukaw sa kanya ng pansin 'di kalayuan sa kinatatayuan namin.
Nagtungo agad siya sa may isang maliit na lamesa na malapit sa sofa ko at may kinuhang watch.
Shems! Kay Miley yun, naiwan niya kagabi.
"Kay Miley 'to huh?" takang tanong niya.
Napahawak ako sa batok ko..
"Huh. Ano kasi nandito siya kagabi, actually siya nakaisip na gawin ko'to sa'yo." Ngingiti sana ako sa kanya pero nakita kong nakataas na ang isang kilay nito. Kaya napangiwi na lang ako.
"Tsk, tsk, tsk.. I'm so jealous right now alam mo ba yun?" napa-crossarms na siya sa harap ko.
"Ba-bakit naman?" bakit naman kasi siya magseselos diba? Siya na nagsabi, nagpapanggap lang kami.
"Hindi man lang nabanggit sa akin ni Miles na nagpunta siya kagabi dito, samantalang dati halos lahat ng ginagawa niya ay inihihingi niya ng pahintulot sa akin. At pansin ko mas nagiging close kayo masyado. She's my best friend Sky." seryosong sagot niya.
Akala ko pa naman nagseselos siya sa amin ni Miley, pero sa pagiging close lang pala namin. Siguro natatakot siyang mawalan ng best friend.
"Biglaan lang naman yung nangyari kagabi. Pareho kasi kaming bored at naisipan kong papuntahin siya. Hindi ba nag text pa ako sa inyo pero same kayo ng sinagot nila Bria, na may iba kayong plano kaya kaming dalawa na lang ang nagsama."
BINABASA MO ANG
Girl Crush
Novela Juvenil(COMPLETED) What if you're straight... Pero ng makilala mo siya ay nagbago ang lahat? Yung pinipilit mong wala lang ay lalong umusbong? Yung dating akala mo ay "Girl Crush" lang ay nauwi sa "Mahal na kita"??? Ipagpatuloy mo pa kaya kung ano ang iyo...
