Chapter 39 - Sandalan

3.2K 125 9
                                    

Bria




NAPAKAMOT na lang ako sa ulo ng maabutang tulog si Sky.

Wala ba siyang balak gumising? Kagabi pa siya hindi bumabangon dito sa kama niya.

Noon naman maaga siyang nagigising dahil sa workout niya, pero simula ng iwan siya ni Miley ay napabayaan na niya ang kanyang sarili.

Ano na gagawin ko?

Biglang tumunog yung phone sa bulsa ko na agad ko ding sinagot ng makita ang name ni Kiana..

"Morning Babe." sagot ko.

"Oh, bakit parang walang kaga-gana yang morning mo?" Sabi ni Kiana.

"Hindi ko na alam gagawin ko kay Sky." malungkot kong sabi.

"Puntahan ko kayo babe, wait mo lang ako." sabi niya.

"Uhmm, ingat ka Babe." sabi ko at sabay baba ng phone.

Nilapitan ko si Sky para gisingin.

Kailangan ko siyang pakainin dahil kagabi pa siya hindi kumakain.

"Sky.. Sky.. Sky.." tawag ko sa kanya.

Inalog-alog ko pa para tuluyang magising, hindi naman ako nabigo dahil unti-unting dinilat ni Sky ang kanyang mga mata.

"Let's eat?" alok ko agad ng madako ang tingin niya sa akin.

Noon laging siya ang nag-aaya sa aking mag breakfast dahil siya ang nagluluto ng makakain namin at siya itong masarap magluto.

Pero ngayon kahit hindi ako masarap magluto, pinilit kong makagawa ng breakfast namin, kaya sa ayaw at sa gusto niya ay kakain siya!

"I don't want to eat." sagot niya at tinalikuran ako.

Napataas agad ako ng kilay. Aba! Pinagbigyan ko na siya nitong mga nakaraang araw sa pagmumukmok niya, hindi na ako makakapayag na balewalain na naman niya ako.



































































































































"Kakain ka rin naman pala eh." Ngiting-ngiti pa ako sa harapan niya habang pinapanood siyang kumain.

Kung hindi pa ako tatawag sa Mama niya ay hindi siya babangon, takot din palang malaman ng Mama niya yung pagmumukmok na ginagawa niya.

"Just don't tell my mom about this." Masungit na sagot ni Sky.

Tsk.. Nagsungit na naman po.

"Oo na, madali akong kausap 'no, pero sa isa pang kundisyon." Sabi ko.

Tiningnan niya ako nang masama, kung noon pa 'to siguro ay tumiklop na ako pero iba na ngayon. Kailangan kong maging matatag para sa kaibigan ko. Para sa kanya din naman itong ginagawa ko.

"Ano na naman ba?" tanong niya.

"Well may pasok na tayo tomorrow, and gusto ko umayos ka. Walang magmumokmok at pumasok ka ng tulad ng dati, nagkakaintindihan tayo Sky?" Like a boss kong sabi. Aba! Minsan lang mangyari 'to kaya lulubusin ko na, madalas kasi siya ang nasusunod sa amin.

"Fine." Malamig niyang sagot.

Tsk. Kahit mukhang napipilitan siya okay na siguro yun.

"Good. Sige na ubusin mo na yang kinakain mo." sabay ngiti ko ulit sa kanya.

Girl CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon