Chapter 20 - Confession

6.7K 211 15
                                    

Skyler




AAMININ ko sobrang nagselos talaga ako ng malamang magkasama si Brix at Miley.

Yung sayang naramdaman ko ng malamang siya yung kasama ni Ariana ay nawala nang parang bula at napalitan ng inis. Ewan naiinis talaga ako!

Masisi mo ba'ko? Kanina lang siya ang pinag-awayan namin tapos malalaman ko na si Brix ang pinuntahan niya? Sinong matutuwa doon?

Kaya hindi na ako nakapagpigil at hinila na si Miley papuntang rooftop.

Hindi ako makakapayag na makitang magkasama si Brix at Miley!

Habang papunta kami ng rooftop ay umaagos na ang luha ko.. Ewan ko ba hindi ko mapigilang maluha, nasasaktan lang talaga ako.

Kaya nung makarating kami sa taas ay agad ko siyang pinaharap, pinakita ko talaga sa kanya na nasasaktan ako.

Pero hindi ko akalain na makikita ko siyang umiyak din.

Tila biglang nagpanic ako pero hindi ko pinakita dahil naiinis nga dapat ako diba? Pero shemay naman Miley bakit ngayon pa? Di ba dapat ako ang nagdadrama?

Pinunasan ko ang luha ko at walang sabing niyakap ko si Miley na lalong ikinahagulgol ng isa.

"Ssshhh.. Tahan na okay? I'm sorry." sabay halik ko sa ulo niya.

Narinig ko ang mahina niyang paghikbi..

Humiwalay siya sa yakap ko kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na pahirin ang kanyang luha.

"I'm sorry." sabi ko ulit.

"Bakit ka nag-sosorry?" tanong niya at siya naman itong pinahid ang natirang luha sa aking mga mata.

"I don't know.. Basta sorry." Sabi ko na lang. Nagkatitigan pa kami ni Miley at tila may gustong sabihin sa isa't-isa.

"You know what gusto kitang sigawan pero ng makita kitang lumuluha, parang may humaplos sa puso ko. Tell me Skyler ano bang dahilan at dinala mo'ko dito? Nagugutom na ako. Sayang naman yung binili ni Brix para sa'kin." Naka pout na sabi nito.

Gusto ko sanang matawa sa sinabi niyang nagugutom siya pero ng mabanggit na naman yung name ni Brix ay natawa na lang ako ng mapakla.

"Brix? Puro na lang Brix!!! Miley can't you see? NAGSESELOS AKO!" At hindi ko na nga napigilan ang sarili ko.

Nakita ko pang napaawang ang bibig ni Miley pero bigla niya rin itong tinikom.

"B-Bakit ka naman nagseselos?" nakayukong tanong nito.

Napasambunot ako sa sarili ko. Tsk. Bahala na kung ano man ang mangyari dito, at least nasabi ko ang gusto kong sabihin sa kanya. Saka ko na iisipin kung anong gagawin ko sakaling hindi maganda ang maging kalabasan.

Pinilit kong iharap si Miley sa akin, at ayun ang isa kaya pala nakayuko dahil itinatago ang pamumula ng pisngi. 

Napa-smirk ako. Iba talaga ang effect ko sa kanya.

"Hindi pa ba halata? MAHAL KITA!" Deretsahan kong sabi.

Napalunok pa ako bigla dahil tila bigla akong kinabahan dahil sa hindi pagsasalita ni Miley.

Nakatingin lang sa akin ito ng deretso, pero ako na ang unang umiwas ng tingin dahil tila natutunaw ako sa kanyang mga tingin.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng mahinang paghikbi at pagtingin ko sa kanya ay para itong bata na umiiyak.

"Sssshhh bakit ka umiiyak?" taranta kong tanong.

"Kung ayaw mo sa sinabi ko, sige na binabawi ko na. Basta wag ka lang umiyak oh please?" taranta ko paring pakiusap sa kanya.

Girl CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon