Miley
"Ariana?" Sambit ko ng makita si Ariana palabas ng mall.
"Who's Ariana?" Tanong naman ni Brix. Kakapasok lang din namin ng mall.
"Wait lang Brix huh!" Sabi ko at nagmadaling pumunta sa exit para maabutan si Ari.
"Ari!" sigaw ko. Tamang-tama at mukhang narinig niya ang sigaw ko dahil huminto ito sa paglakad at lumingon sa akin.
Tumakbo agad ako palapit sa kanya at sabay yakap naming dalawa sa isa't-isa.
"Oh my god Miley!!! Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin pagkahiwalay namin sa isa't-isa.
"Hindi ba't ako dapat ang magtanong niyan? Anong ginagawa mo dito? May kasama ka ba?" balik tanong ko.
"Wala, naghanap lang ako ng trabaho. Ikaw huh may kasalanan ka pa sa akin! Hindi ka nag rereply sa mga text ko!!! Tapos hindi ka sumama sa pagsundo sa akin!" Taas kilay niyang sumbat sa akin.
"Sorry na... Gusto ko lang naman kasi na dumistansya kay Skyler eh." malungkot kong sabi.
"Owww~ so kaya pala mainit ang ulo lagi ni Sky? Tsk! Everytime nga na tatanungin ko si Sky about sayo, nilalayasan niya lang ako. Kelan ba kayo mag kakaayos? Nang makapag bonding tayo!" masayang sabi niya.
Bigla tuloy akong nalungkot dahil naalala ko yung sagutan na naman namin ni Skyler kaninang umaga.
"Actually nagkaayos na kami kahapon, kaya lang nagkasagutan na naman kami kaninang umaga, kaya ayun heto.... OMG! Nakalimutan ko kasama ko nga pala si Brix." napatakip pa ako ng bibig ng ma-realized iyon.
Napansin kong napakunot noo si Ariana.
"Halika! Sama ka na lang muna sa akin ng makapag bonding tayong dalawa." Sabay hila ko sa kanya papasok ng mall para wala na siyang kawala!
"Wait, sinong Brix?" takang tanong niya.
"My friend." Sabay ngiti ko sa kanya.
Natanaw ko na si Brix at siya rin namang kumaway sa amin.
"Akala ko nakalimutan mo na ako eh." sabay hawak niya sa kanyang batok.
"Actually muntik na." honest kong sabi.
"Aww! Grabe siya sa akin.. Ngayon ko lang napatunayan na wala talaga akong pag-asa sayo." umiling-iling pa siya at may pahawak-hawak pa sa puso.
Mangani-nganing binatukan ko siya.
"Umayos ka nga, baka isipin ni Ariana may something tayo!" Pero ang loko ngumiti lang nang nakakaloko.
"Oh, her name is Ariana.. I'm Brix." Iniabot niya pa ang kamay niya kay Ari. "Future boyfriend ni Miley." dugtong niya.
Agad kong sinamaan ng tingin si Brix sa pinagsasasabi niya.
Samantalang nakarinig lang kami ng mahinang tawa mula kay Ari.
"Kung hindi ko lang talaga kilala si Miley at Sky baka maniwala ako sa sinasabi nitong si Brix." lintanya ni Ari.
Napaisip ako sa sinabi ni Ari.. Anong ibig niyang sabihin?
"Nice to meet you Brix at feeling ko magkakasundo tayo." dugtong pa nito.
"See? Kahit si Ari gusto akong maging kaibigan. Grabe kayo sa akin.. Pang friendzoned lang ba talaga ang kagwapohan ko?" naka pout na sabi ni Brix.
Sukat dun ay natawa kaming pareho ni Ari. Hindi bagay kay Brix ang mag pout!
Madali kaming nagkasundo na tatlo sa kung anong gagawin kaya hindi kami nahirapan mag bonding.

BINABASA MO ANG
Girl Crush
Teen Fiction(COMPLETED) What if you're straight... Pero ng makilala mo siya ay nagbago ang lahat? Yung pinipilit mong wala lang ay lalong umusbong? Yung dating akala mo ay "Girl Crush" lang ay nauwi sa "Mahal na kita"??? Ipagpatuloy mo pa kaya kung ano ang iyo...