Miley
WE are back! Back to reality kung saan sa mata ng nakararami ay mag kaibigan lang ang meron sa amin ni Skyler.
Oo girlfriend na ako ni Skyler at masaya naman ako sa kung anong meron kami.
Naalala ko pa yung surprise na ginawa niya sa boracay. Halos hindi ako makapag salita sa sobrang tuwa.
Doon napatunayan ko kung gaano niya ako kamahal. Kahit pa na pinag tripan niya ako ay bumawi siya ng husto.
Maybe nakabuti din yung trip niya dahil napatunayan ko rin sa sarili ko na sobrang mahal ko na pala talaga si Skyler. Sana lang ay walang magbago or makasira sa aming dalawa.
Ilang araw na lang din ay magpapasukan na ulit kaya naman sinusulit talaga namin ngayon ang bakasyon.
At dahil tapos na ang bonding ko with my friends ay kay Mama ko naman ako sasama.
Nakapangako narin kasi ako kay Mama na magbabakasyon kami, nalungkot pa nga si Skyler nung sinabi kong mag out of the country muna kami ni Mama.
Nagkausap narin kami na ipapakilala niya ako sa magulang niya, pumayag naman ako pero yung sa side ko, umamin ako sa kanya na hindi pa ako ready.
Oo alam ni Mama na may best friend akong bisexual, si Kiana. Pero hindi ko naman alam kung okay sa kanya na malaman niyang kalahi ko rin ang best friend ko.
Siguro hahanap lang din ako ng tyempo, buti na lang at naiintindihan ako ni Skyler.
Napag-usapan namin na pagbalik ko na lang saka niya ako ipakilala.
Kakausapin ko na lang din si Mama about sa amin ni Skyler habang nasa ibang bansa kami para pag uwi ko ay okay ang lahat. Sana.
PERO bago ang lahat nandito na naman kaming magkakaibigan sa unit ni Kiana.
Two days ang nakalipas ng makabalik kami galing boracay.
"Guys hanggang ngayon tinatanong parin ng taong bayan kung sino yung girlfriend ni Skyler." si Bria na busy sa instagram niya.
"Taong bayan talaga?" sabi naman ni Kiana na hinahaplos ang buhok ni Bria, nakasandal kasi sa kanya.
Nung time kasi na sinagot ko si Skyler, ay nag post siya sa Instagram niya ng kamay naming dalawa na magka holding hands at may caption na "Yes".
Kaya ayon na-curious tuloy yung mga followers niya.
Ako naman ang ni-post ko kasi ay yung picture ng surprise niya sa beach at ang caption ko ay "Happiness."
Sa sobrang dami ng followers niya may mga gumawa pa ng mga investiGaytion, at dahil nga nabalitang niligawan niya si Kiana kaya naman ang alam ng nakararami ay si Kiana ang girlfriend ni Skyler.
Nakadagdag pa sa patunay nila, na nag post daw kasi si Kiana ng silhouette ng dalawang babae na naghahalikan.
Ang hindi nila alam ay si Bria ang babaeng kahalikan ni Kiana sa picture at ako mismo ang kumuha nun, ganda nga ng kuha eh, may pa sunset pa kasi.
Tulad namin ay tago din ang relationship ni Kiana kay Bria dahil kahit si Bria ay hindi alam ang gagawin kung paano ipapaalam sa magulang niya.
Kung kay Paul nga daw ay hirap na siyang ipaalam sa parents niya, what more pa daw kay Kiana. Tiyak na magwawala ang parents niya.
Nag post din naman si Bria nang picture, kaya nga lang picture lang ni Kiana at silhouette din, nakatingin si Kiana sa karagatan at ang caption ay "♥". Ang akala ng followers ni Bria ay siya ang nasa picture.
BINABASA MO ANG
Girl Crush
Novela Juvenil(COMPLETED) What if you're straight... Pero ng makilala mo siya ay nagbago ang lahat? Yung pinipilit mong wala lang ay lalong umusbong? Yung dating akala mo ay "Girl Crush" lang ay nauwi sa "Mahal na kita"??? Ipagpatuloy mo pa kaya kung ano ang iyo...