Chapter 25 - Boracay Day 3

5.3K 167 3
                                        

Thomas





LAST day na namin sa Boracay, ang bilis lang ng araw kaya susulitin na namin ang natitirang oras namin sa napakandang lugar na ito.

Sana lang talaga ay kumpleto kaming magkakaibigan, mas masaya sana.

"Ano ready na kayo? Naghihintay na yung flying fish sa atin." Excited na bungad ni Kiana.

Nandito kasi kami ngayon sa isang cottage at naghihintay na matapos yung unang batch na sumakay sa flying fish.

Ang hyper lang ng pagkakasabi ni Kiana nun halatang masayang-masaya siya sa nagyayari sa kanya ngayon.
And to be honest masaya ako para sa kaibigan ko kahit na hindi halata sa akin ngayon dahil may namimiss ako.

Kahit pa na alam kong may something si Bria at Kiana dahil mahahalata mo naman talaga sa dalawang tao kung may something o wala, ay nabigla parin ako.

Syempre di maiiwasan yun, aba ang alam ko straight yung pinsan ko at tsaka akala ko girl crush lang niya si Kiana. Malay ko bang mahal na pala niya.

Kung nalaman ko lang sana na si Bria lang pala ang magiging sagot para iwan ni Kiana si Max ay matagal ko na sanang pinakilala si Bria kay Kiana.

Tapos akala ko talaga si Sky ang maaring makagawa nun para kay Kiana, Diosmio. Hindi ko rin inakala na kay Miley pala ang bagsak ni Sky.

Actually si Miley ang natitirang pag-asa ko noon baka sakaling ma-inlove si Kiana at Miley sa isa't-isa pero sadyang may pagmamahal talaga na para lang sa friendship.

Bigla ko tuloy naalala si Ariana. Alam ko magkaibigan kami, at kahit na parang aso't pusa kami kapag magkasama pero nitong mga araw may napapansin ako sa sarili ko. I love my friends Kiana, Miley, si Sky, si Brix at syempre ang pinsan kong si Bria, pero yung kay Ariana? I don't know, mahal ko nga ba siya dahil kaibigan ko siya o may ibang ibig sabihin itong nararamdaman ko?

Ang gulo ko naman ata? Dahil nung nasa states ako, meron isang guy na naging dahilan kung bakit ako na-confuse tapos ngayong nakilala ko si Ariana tila na-confuse ulit ako.

Ano ba talaga ako?























"Yes tayo na. Tara na guys!!!" excited na sigaw ni Brix.

Pumunta na kami sa kinaroroonan ng Flying fish at pumwesto.

Sa likod ako pumwesto kasama si Sky at Brix pero pinagitna namin si Sky.

Nasa harapan ko si Bria, si Sky naman ay si Miley at si Brix naman ay si Kiana.

Nagkatinginan naman kaming tatlo na nasa likod.

May plano kasi kaming i-prank yung tatlong nasa harapan namin. At syempre si Sky ang nakaisip nun.

Hindi ko alam kung gagana pero alam ko namang magaling kaming tatlo sa acting kaya sisiw lang 'to.

Nag start ng umandar yung flying fish at nung nasa kalagitnaan na kami at halos bumaliktad na yung sinasakyan namin ay nagkatinginan kami nila Sky at Brix.

Nang halos bumaliktad yung flying fish at pagbalik nito sa normal ay wala na sa tabi ko si Sky, ganun din si Brix.

"Shit! Nawawala si Sky at Brix." sigaw ko.

Sabay-sabay na hinarap ako nila Miley at napahinto narin yung lalaking nag gaguide sa amin.

"Na-Nasaan sila? Thom nasaan si Sky?" nangingilid na yung luha sa mga mata ni Miley.

Shit. Patay ka talaga Sky after nito.

Nagkatinginan kami nung guy at tinunguan ko siya.

"Ayon, ayon sila ni Brix." turo ni Bria. "Sky" tawag niya at biglang tumalon ito sa dagat.

May dumating din naman agad na rescue.

Kaya lumipat muna kami sa speed boat na dala ng kasamahan ni Kuya.

Nakita namin na hawak-hawak ni Brix si Sky papalapit sa amin na walang malay, tinulungan na ni Bria si Brix para mas mabilis na makalapit sa amin.

Ako naman ay tumalon narin sa dagat para makatulong maiakyat si Sky sa speed boat.

"Kuya, tara na bilisan mo." sigaw ni Kiana.

Tinitingnan ko si Miley, Bria at Kiana.

Si Bria ay naiiyak na, si Kiana naman ay hindi mapakali at si Miley ay natutulala na lang.

Hanggang sa makatuntong kami sa pang-pang ay hindi parin nagkakamalay si Sky.

Nagkatinginan ulit kami ni Brix.

Nakita ko sa mga mata ni Brix yung pag-aalinlangan.. Kahit ako nakukunsensya kaso nasimulan na naman kaya tatapusin na lang din namin ang trip na'to. Bahala na si Sky.

Nung sinukuan na ng rescue team kuno si Sky ay doon ko na nakitang humagulgol ng iyak si Miley at Bria. Si Kiana naman ay tahimik na umiyak sa isang tabi.

"No, hindi maari 'to. Iligtas niyo ang best friend ko. Sky please gumising ka diyan!" Hagulgol ni Bria.

"SKYLER! bumangon ka diyan!!! HINDI PA NGA KITA SINASAGOT EH! IIWAN MO NA'KO?" hagulgol naman ni Miley.

"Baby please, marami pa akong gustong sabihin sayo, marami pa tayong gagawin di ba? Mamahalin mo pa'ko nang matagal. Kaya please naman oh, idilat mo na yung mga mata mo." patuloy na pagtangis ni Miley.

Napa face palm na lang ako sa acting ni Sky. Sa nakikita ko ngayon na reaction nung tatlo, alam kong malalagot kami.

"Hindi na'ko magpapaligaw, Baby. Kung gusto mo tayo na agad basta bumangon ka na diyan. Hindi ko kaya please Skyler..." mas lalong lumakas ang pagtangis ni Miley ganun din nung dalawa.

Nagkatinginan ulit kami ni Brix at sobrang nakukunsensya na kami. Damn it Sky wala ka pa bang balak dumilat diyan? Harapin mo 'tong tatlo.

"Talaga? Tayo na?" Biglang salita ni Sky.

Nahinto naman yung tatlo sa pag-iyak at kami ay napailing-iling na lang ni Brix.

"Kuya navideohan mo ba lahat ng pangyayari?" tanong ni Sky sa ibang kasama namin dito.

Halatang naguguluhan yung tatlo.

"Akala ko bukas ka pa gigising diyan eh." sabi ko kay Sky.

"Ngayon ikaw ang magpaliwanag sa tatlo, basta huh sumunod lang kami sa trip ni Sky. Sorry Miley, Kiana and Bria." Nakangiwing ngisi ni Brix.

"Sorry couz, Kiana, Miley." sabay kamot ko sa ulo ko.

Ang sama ng tingin nila sa aming tatlo, naku patay talaga kami.

"Ang ibig sabihin ba nito ay hindi talaa nalunod si Sky? Actingan lang 'to?" tanong ni Bria.

Mabilis na tumango kami ni Brix.

"Sorry best friend peace?" sabi ni Sky kay Bria.

Napailing-iling na lang si Bria.

"Damn you Sky. Alam mo bang sobrang nag-alala kami?" sabi naman ni Kiana.

"I'm really sorry Kiana, di na mauulit promise." sabi ni Sky.

"Dapat lang Sky. Dahil hindi magandang biro yun." sagot naman ni Kiana.

"Akala ko talaga nawalan na ako ng best friend." Nangingilid parin na luha ni Bria at yumakap pa kay Sky.

Nang kumalas sa yakap si Bria ay sabay-sabay kaming napatingin kay Miley.

"Baby?" Tawag sa kanya ni Sky.

Pero tumingin lang sa kanya ito ng masama at biglang nag walk out.

"Ayan, patay ka sa Baby mo." sabi ko na lang.

"Guys anong gagawin ko?" tarantang tanong niya.

Sabay-sabay kaming nagkibit balikat.

"Aish!" sabi niya pa at nakita na lang namin na napasambunot sa sarili niya si Sky.

Trip pa more.

Girl CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon