Chapter 48 - Nakaw Tingin Part 2.

3.4K 124 6
                                    

Miley



NAKADUKDOK akong natutulog sa tabi ng higaan ni Skyler nang maramdaman kong may naglalaro sa buhok ko.

Naalala ko bigla si Skyler, hilig niya kasing laruin ang buhok ko.

Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko, inisip ko pa ang magandang panaginip na iyon. Umalis ako sa pagkakadukdok ko para i-check si Skyler pero nagulat ako ng makita ko 'tong nakaupo na sa higaan niya at nakatingin sa akin.

Mabilis akong nag-ayos ng sarili.

"Ah, Hi-hi." mautal-utal kong sabi sa kanya.

Nakita ko kung paano siya napangiti ng konti sa inasal ko.

"Sorry kung nagising kita." sabi niya.

"Huh? Ka-kanina mo pa ba ako ginigising? So-sorry." Sabi ko.

"No hindi kita ginigising, nung nakita kasi kitang nakadukdok diyan ay bigla na lang nagmatic ang kamay ko at hinaplos ang buhok mo. Baka nainggit lang ako, ang ganda kasi ng buhok mo." Sabi niya.

"Are you okay?" nag-aalala tanong niya pa.

Pinipigilan ko kasing lumabas ang luha ko.

Naalala ko kasi na sinabi rin ni Skyler iyon, nagagandahan siya sa buhok ko dahil manipis ito.

"Ah Oo naman, may naalala lang." sabi ko at nagpunas ng luha.

Grabe ang pigil ko ngayon para hindi sunggaban si Skyler. MY GOD!

Tapos yung mga tingin pa sa akin ni Skyler ngayon nanunuot hanggang buto.

Grabe siya sa akin.

Umiwas nga ako ng tingin, hindi ako makatagal sa tingin na pinupukol niya baka di ko mapigilan at mahalikan ko siya bigla.

Pero syempre binalik ko rin ang tingin ko sa kanya at nakita kong napatingin siya kina Thomas, Brix at Sabine na natutulog pa.

Wait nasan si Kiana at Bria?

"Ah Miss, kanina ko pa kasi iniisip. Kilala ko ba kayo?" halata talaga sa kanya ngayon ang pagtataka.

Hindi ako makasagot. At ganito pala yung feeling, masakit makita na hindi ka naalala ng taong mahal mo. Yung gustong-gusto mo siyang yakapin at hagkan pero hindi mo magawa. Parang gusto ko na lang maiyak kaso hindi pwede, mahabang paliwanagan kasi kapag nagtanong pa si Skyler.

Ano na ngayon ang sasabihin ko? Kahit sa pagiging kaibigan ay hindi siya maniniwala dahil hindi naman ako nag-eexist sa buhay niya ngayon.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito sina Bria at Kiana.

Tila nakahinga ako ng maluwag ng makita si Bria at Kiana.

"Sky!!!!! Gising ka na!" sabay takbo nito at napayakap pa kay Skyler.

Natatawa naman si Skyler sa naging reaction ni Bria.

"Pinag-alala mo ako ng sobra!" sabi ni Bria.

"I'm so sorry Bri." malambing na sagot nito.

"It's okay, ang importante ay nagising ka na at kasama ka na ulit namin." masayang sabi ni Bria.

Pero nabalik ulit ang tingin niya sa akin.

"Ah Bria, ano nga palang ginagawa nila dito?" tanong niya

"Ah ano, mga kaibigan sila ni Thomas." sabi ni Bria.

"Thomas?" kunot noong tanong niya.

"Si Thomas, ayun yung natutulog na naka-itim na shirt. Pinsan ko siya galing ibang bansa.

Girl CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon