Bria
"Okay lang ba talaga na dito muna ako sa unit niyo?" si Ariana na inaayos ang gamit sa guest room namin.
"Ari naman kanina ka pa eh, sabi ng okay nga lang. Pag narinig ka ni Sky babatukan ka na nun.. Kanina ka pa paulit-ulit." napakamot na lang din ako. Sobrang kulit din pala talaga ng isang 'to.
At hindi ko inaasahang si Sky pa ang magdadala sa kanya dito. Ni hindi ko nga inaasahan na magiging close silang dalawa dahil sa pagkakakilala ko kay Sky ay allergic yun sa mga tao jusme! Tapos ngayon ko lang malalaman na nagkakatext silang dalawa at itong si Sky ay inaya pang mamalagi muna dito si Ariana.
"Sorry naman, nga pala san sina Miley? Isang linggo ko ng di nakakausap si Miley tapos pag hinanap ko si Miley kay Sky, iniiba niya yung topic." tanong niya ulit.
Napataas na naman ako ng isang kilay. Close niya rin si Miley?
"Bakit mo hinahanap si Miley dito?" takang tanong ko.
"Last week kasi sabi niya silang dalawa ang susundo sa akin, pero ikaw naman ang kasama ni Sky na sumundo sa akin. Tinanong ko si Sky kanina kung nasan si Miley pero hindi ko alam ang sagot niya lang, tas medyo badtrip pa ata kaya hindi na ako nagtanong pa. May problema ba yung dalawa? Kasi kahit si Miley hindi sinasagot ang txt ko." Mahabang lintanya ni Ariana.
Wow! Hindi ko alam na close silang tatlo. How come? Wala man lang nabanggit sa akin si Sky about dito.
"Wait nga paano kayo naging close na tatlo? Bakit hindi ko alam 'to?" hindi ko na napigilan ang magtanong.
Aba! Nagtatampo pa nga ako kay Sky dahil sa nalaman ko nung isang linggo.
Sabihin ba naman sa aking totoong nililigawan na niya si Kiana.
Pagkatapos ng pinag-usapan namin sa batangas. Eto yung naisip niyang solution?
Sobrang disappointed talaga ako kay Sky, at tsaka alam naman niyang naguguluhan din ako sa nararamdaman ko tapos ngayon pangungunahan niya ako?
Tapos ngayon si Ariana naman? Ni hindi ko alam na dito muna titira si Ariana kung hindi pa ako sinama sa pagsundo sa kanya ni Sky.
"Eh paano mo malalaman? Tuwing mag vi-video call ako, si Sky at si Miley lang yung laging magkasama. Tinatanong ko nga kung nasan kayo pero lagi kayong wala."
Napaisip ako bigla, after ng batangas trip namin ay naging busy ako kay Paul..
Feeling ko kasi may tinatago sa akin si Paul kaya halos hindi na ako umalis sa tabi niya.
Si Thomas naman ay hanggang ngayon inaasikaso ang mga papel niya para makapag transfer sa school namin. Pinuntahan niya rin yung ibang kamag-anak namin dito sa Pilipinas.
Si Kiana naman ay ayaw lumabas ng kanyang unit dahil ginugulo parin siya ni Max. After school ay pupunta ito sa amin para maki-hangout saglit then after nun mag-aaya na itong umuwi.
Madalas ko ngang makita si Miley sa unit namin nung mga nakaraang araw.
Ilang beses nila akong inaya na mag movie marathon pero ilang beses ko rin silang tinanggihan dahil pupuntahan ko si Paul."I understand na. Pero gusto ko lang malaman kung okay lang sayo na makita yung pinsan ko."
Medyo napahinto sa ginagawa niya si Ariana pero mabilis itong nakabawi at ngumiti sa akin.
"Okay lang ano ka ba. Tsaka wala naman na yun. Past is past nga di ba?"
"Okay sinabi mo eh. Basta huh if you need help nandito lang ako. Kahit pinsan ko si Thomas kapag may ginawang masama sayo iyon.. Isumbong mo lang sa akin. Okay?"
"Yes Mam." sumaludo pa ito, na ikinangiti ko.
Magkakasundo din talaga kami nitong si Ariana eh.
"Wala ka bang balak ipagpatuloy yung pag-aaral mo? O kaya bumalik sa parents mo?" tanong ni Sky kay Ari habang kumakain kami.
Naglayas nga pala itong si Ariana at yung day na nakilala niya si Thomas ang araw kung kelan nangyari ito.
Nalaman niya kasing balak siyang ipakasal sa anak ng business partner ng parents niya at hindi niya ito matanggap kaya wala siyang nagawa kundi umalis sa kanila.
Sakto naman nung araw na iyon na nakituloy siya sa kaibigan niya ay napadpad sila sa resort dahil may pinuntahan silang birthday party na doon ginanap at kapag siniswerte ka nga naman dahil nangyari pa sa kanya yung one night stand nila ni Thomas.
Nagpakalasing para makalimutan ang problema pero pag gising sa umaga panibagong problema ang sumalubong sa kanya.
"Alam mo naman na ang sagot diyan Sky." ako na ang sumagot para kay Ariana.
Bigla kasing nalungkot ito.
"I'm sorry, nag-aalala lang naman ako sa kinabukasan mo. What if pumasok ka sa school namin?" nakikita ko namang sincere si Sky sa bawat tanong niya kay Ari.
"Thank you Sky. Pero okay na talaga ako. Next time ko na lang siguro ipagpapatuloy yung pag-aaral ko kapag nakapag-ipon na ako. Sa ngayon nagpapasalamat ako at pinayagan niyo akong tumira muna dito habang nag hahanap ako ng trabaho dito sa City."
"Ikaw bahala, basta pag nagbago yung isip mo sabihin mo lang sa akin, tutulungan kitang asikasuhin yung mga papel mo." sabay ngiti ni Sky.
Pamatay talaga itong ngiti ng best friend ko ay. Kahit sino mahuhulog, nagtataka nga ako bakit ako ay hindi nahuhulog sa kanya?
Pero swerte ko dahil best friend ko siya, napakamaalalahanin, sobrang sweet at syempre sobrang mapagmahal. Kaya sobrang swerte ng taong mamahalin ng isang tulad niya.
Biglang tumunog yung phone ni Sky.
"Oh Hi Kiana." sagot ni Sky sa tumawag sa kanya.
"Yup nandito na si Ariana, kumakain kami. Ikaw kumain ka na?"
"Ganun ba? Sige sunduin na lang kita mamaya." At binaba na ni Sky yung phone niya.
"May lakad kayo ni Kian?" tanong ko.
"Huh, nagpapasama kasi siyang mag shopping." Sagot niya. Pero medyo may irita sa boses nito.
"Himala ata at hindi siya kay Miley nagpasama mag shopping?" tanong ko.
"May lakad daw kasi sila ni Brix." may halong bitterness na sagot ni Sky.
Oh~ kaya naman pala biglang nagbago ang mood.
"Bakit nga pala hindi ko na nakikitang pumupunta dito si Miley?"
"Why don't you ask her?" iritang sagot ni Sky.
"Woah chill, nagtatanong lang." Nabigla ako sa tono ng salita niya. First time ko atang makita na nainis ng ganito si Sky.
"Nawalan na ko ng gana kumain. Alis na'ko." Tumayo na ito at lumakad palayo sa amin ni Ari.
Nagkatitigan pa kami ni Ariana sa inasta ni Sky, kahit siguro siya ay nagulat sa inasta ni Sky.
Mukhang marami na akong nakaligtaan dahil sa pagiging busy ko kay Paul.
Nawalan ako ng oras sa best friend ko, lalo na sa nararamdaman ko para sa isang tao.
Kailangan ko ng ayusin ang mga bagay-bagay para mapagtuunan ko ng pansin itong bumabagabag sa akin.
At ng matulungan ko rin ang best friend ko.
BINABASA MO ANG
Girl Crush
Teen Fiction(COMPLETED) What if you're straight... Pero ng makilala mo siya ay nagbago ang lahat? Yung pinipilit mong wala lang ay lalong umusbong? Yung dating akala mo ay "Girl Crush" lang ay nauwi sa "Mahal na kita"??? Ipagpatuloy mo pa kaya kung ano ang iyo...