Chapter 71 - Laban Skyler!

3.4K 113 6
                                        

Miley




"Ang tagal naman nila Bria?" angal ni Kiana habang naghihintay kami dito sa kubo-kubo malapit sa college building namin.

Kinakain pa kasi namin yung binili naming fried noodles at siomai kaya di na kami sumama kina Skyler sa library kasama si Bria and Sabine. Si Thomas at Brix naman ay bumili ng makakain dahil nainggit sa amin ni Ana.

"Baka nag enjoy kakatingin ng libro si Bria at nakalimutan ka na" biro ko sa kanya.

"Never ako kakalimutan nun ah, ikaw diyan ang matakot Miles." sagot niya.

"Nah hindi na ako takot, nakalimutan niya na ako di ba? Pero kahit ganun mahal niya parin ako." proud kong sabi.

Napailing-iling siya habang nangingiti.

"May amnesia nga pala si Sky, wait wala parin ba siyang naaalala?" curious niyang tanong.

"Actually madalas sumakit ang ulo niya and sabi niya may mangilan-ngilan siyang nakikita kapag nangyayari yun."

"Oh so baka nga unti-unti ng bumabalik ala-ala niya." masaya niyang tugon.

"Sa nga Ana." sabay ngiti ko sa kanya.

"Oh wala parin sina Bria?" sina Thomas na kakarating lang at may dalang foods.

"Wag mo muna hanapin Thom, uubusin ni Bria and Sab yung pagkain natin kapag nandito yung mga yun." sabi ni Brix.

"May point si Brix." Sabay tawa ni Kiana. "Ewan ko ba dun kay Bria ang lakas kumain pero sexy parin." dagdag pa niya.

"Same with Sabine." sabi naman ni Brix.

"May mga tao talagang ganun." sagot ko naman.

Samantalang kakasubo lang ng pagkain nila Thom at Brix ng biglang sabay na tumunog ang phone namin.

Si Sab ang tumatawag sa akin, bakit kaya?

"Si Bria/ Si Sab." sabay na sabi namin ni Kiana.

Sabay na sinagot na lang din namin ang tawag.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sabine at sa pangalawang pagkakataon ay tila huminto ang mundo para sa akin.

Nagkatinginan kami ni Kiana at ngayon nga ay halos pareho kami ng naging reaction.








































































































































































































NAGMADALI kaming apat na pumunta sa hospital na pinagdalhan ni Skyler.

Iyak ng iyak na nga lang ako sa byahe dahil baka hindi ko na kayananin kapag may mangyari pa sa kanyang masama.

Ang dami ko pang gustong gawin na kasama niya, may pinaplano pa nga ako sa nalalapit na birthday di ba?

Lord please sa pangalawang pagkakataon sana po ay iligtas niyo si Skyler, hindi ko po kakayaning mawala siya.

Nang makarating kami sa hospital ay hinanap agad namin sina Bria.

Nakita na lang namin sila ni Sabine na parehong umiiyak at duguan ang mga damit.

Girl CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon