Chapter 59 - Jeremy and Max

3.1K 108 9
                                    

Miley



ILANG araw narin ang lumipas since naging legal sina Bria and Kiana, siempre masaya ako para sa best friend ko dahil sa wakas ay nakatagpo siya ng taong mamahalin siya ng lubos.

Minsan napag-usapan namin na bago lang ang relasyon nila kaya paano siya nakakasiguro na si Bria na nga.

Ang sabi niya, hindi niya rin mapaliwanag. Basta daw iyon lang ang nararamdaman niya at nakikita niya talaga ang future with Bria.

Sana all di ba?

Anyway nandito kami ngayon sa dating school namin para hanapin si Jeremy or Paul, lumipat pala siya ng school after nilang maghiwalay ni Bria. Kaya pala hindi namin siya nakikita sa school.

Ngayon lang kami nagkaroon ng time para kausapin ang lalaking iyon, naging busy din kasi sa school dahil malapit na ang Christmas at bakasyon na naman.

Ewan ko ba dito kay Bria at Kiana at gusto pa nilang kausapin ang taong iyon, samantalang okay naman na ang lahat.

"Kiana?" Sabi ng babaeng huminto sa harapan namin.

"Max?" gulat na tanong ni Kiana.

Ako naman ay napa OHHHHHH ng ma-realized na si Max ang nasa harapan namin.

"Wow, ang laki ng pinagbago mo!" excited na saad ni Kiana at yumakap pa kay Max.

"Napadpad kayo dito? Long time no see." sabi niya.

Grabe ang laki ng pinagbago niya, noon kasi napaka manly niya manamit ngayon sobrang haba ng hair niya may pakulot pa at medyo girly na siya. Mas naging manly na tuloy si Kiana sa kanya.

Pero syempre mas maganda parin si Kiana.

"May inaabangan lang, ikaw ang laki ng pinagbago mo, muntik na kitang di makilala." sabi ni Kiana.

"Hindi ko nga rin inakala eh" sabay kamot niya.

"Babe!" biglang may tumawag kay Max.

Paglingon namin ay napakunot noo kami ni Kiana.

"OMG!" sabi naman ni Bria.

"Wait Babe?" sabi naman ni Thomas.

"Who are they?" bulong sa akin ni Skyler.

"Maya babe kwento ko sayo." sagot ko.

"Babe?" nangingiti niyang tanong.

"Ayaw mo?" taas kilay kong sagot.

"Wifey." nakangiti niyang sagot.

"Ewan ko sayo." pero kinikilig na ako niyan wag kayo.

Namiss ko kasi yang Wifey na yan eh. Buti naman at tanggap niya ng lahat ng naikwento ko sa kanya.

"Jeremy/Paul?" sabay na bigkas ni Bria at Kiana.

"Bria, Kiana..." nagtatakang tanong ni Jeremy.

"Wait, don't tell me kayo?" si Bria.

"Ano, Oo mag iisang buwan na." nahihiyang sagot ni Max.

"Oh my god!" biglang singit ko.

"Damn! I can't believe this hahahaha" sabay tawa ng malakas ni Kiana.

Kahit si Bria at Thomas ay natatawa na din.

"Seryoso?" si Bria.

"Seryoso 'to noh, mahal ko siya." Sabi ni Jeremy na hinawakan pa ang kamay ni Max.

Girl CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon