Ariana
HINDI parin ako makapaniwala sa aking nakita, totoo ba talagang sina Sky yung nakita ko?
"Bakit mo inagaw sa akin yung phone? Kausap ko pa sina Miley." angal ni Sabine.
Nang makita ko kasi ang mga kaibigan ko ay mabilis kong inagaw ang phone niya. Hindi nila pwedeng malaman kung nasaan ako. Lalo na ang kalagayan ko ngayon.
Pero mukhang huli na ang lahat, nakita na nila ako. Kailangan ko na lang makaalis bago pa nila ako maabutan dito. Tiyak na marami silang tanong once na maabutan pa nila ako. At ayoko rin namang makagulo pa kay Thomas dahil para sa kanya naman 'tong ginawa ko.
"Kailangan kong lumayo." natataranta kong sabi.
"Ano? Nahihibang ka na ba? Anong oras na at tsaka hindi pwede! Base sa nakita ko kilala ka nila Miley at feeling ko ikaw yung hinahanap nilang kaibigan." sabi niya.
"Pero Sab hindi mo kasi naiintindihan..."
"Hindi ko talaga maintindinhan kasi ayaw mong ipaliwanag, Yana naging magkaibigan narin tayo, handa akong makinig kahit gaano pa kahaba yan." sabi niya.
Biglang nag ring yung phone ni Sabine.
"Si Miley tumatawag." sabi ko.
"Akin na yung phone, Yana. Please!" sabi ni Sabine.
Napabuntong hininga na lang ako at iniabot ang phone sa kanya. Wala rin naman ako magagawa, hindi ako basta-basta hahayaang makaalis ni Sabine, bantay sarado din kaya ako sa kanya, para sa kaligtasan din naman daw kasi namin iyon ng baby.
"Pwedeng pa-loudspeaker?" request ko, siempre gusto ko rin malaman ang saloobin ng mga kaibigan ko.
"Hello Miley." sagot niya.
"Thank God sumagot ka! Tell me! Si Ariana yung nakita namin di ba?" Si Miley.
"Ariana ba real name mo?" tanong sa akin ni Sabine.
Tumango-tango ako, Yana lang kasi ang binigay kong name sa kanya. Hindi narin naman siya nagtanong sa tunay kong name kaya hinayaan ko na.
"Nandiyan siya sa tabi mo ngayon?" tanong ni Miley.
"Oo naririnig niya yung usapan natin at alam mo ba kanina niya pa gustong umalis." sabi ni Sabine.
"WHAT? NO! Wag mo hahayaang makaalis si Ari, ARI PLEASE STAY KA LANG DIYAN." sabi ni Miley.
"Wanna talk to her?" Alok sa akin ni Sabine pero umiling ako. Di ko alam kung anong sasabihin.
"Ayaw ka niyang kausapin." sabi ni Sab kay Miley.
"Okay lang, basta bukas pupunta na agad kami diyan! Hintayin niya kami. At please lang Sab wag na wag mong hahayaang makatakas yan kundi malalagot ka sa akin." sabi ni Miley.
"Narinig mo Yana? Malalagot ako! Kaya behave ka lang diyan." sabi niya sa akin.
"Ano pa nga ba? Sa kalagayan kong 'to makakalayo pa ba ako?" sabi ko.
"Anong ginagawa mo dito?" rinig kong sabi ni Sabine ng pagbuksan niya yung kumatok sa pinto.
"Don't worry hindi ikaw ang pinunta ko dito." sagot ng isang lalaki.
BINABASA MO ANG
Girl Crush
Roman pour Adolescents(COMPLETED) What if you're straight... Pero ng makilala mo siya ay nagbago ang lahat? Yung pinipilit mong wala lang ay lalong umusbong? Yung dating akala mo ay "Girl Crush" lang ay nauwi sa "Mahal na kita"??? Ipagpatuloy mo pa kaya kung ano ang iyo...
