Chapter 6 - Batangas Trip

8K 225 40
                                    

Skyler



"Wow! Ang ganda dito Thomas.. Paano mo nakita ang resort na ito?" excited na tanong ni Bria sa pinsan.

"Ako pa ba?" mayabang na sabi ni Thomas.

Nandito kasi kami sa isa sa mga magagandang resort dito sa batangas.

Actually matagal na kaming nagpaplano at ngayon nga ay natuloy dahil hinihintay rin talaga namin na umuwi si Miley at matapos yung inaasikaso ni Thomas.

"Nga pala ito ang susi sa kwarto niyo. Bria and Sky kayo ang magkasama sa kwarto. Miley and Kiana kayo naman sa isa at ako ay solo~" bigay niya ng susi.

"Yay~ thank you Thom!!" sabay halik ni Miley sa pisngi ni Thomas.

"Wait bakit si Thomas lang yung may kiss? Where's mine?" singit ni Kian.

"At bakit kita ikikiss?" si Miley na nagtaas ng kilay.

"Huh dahil ako nagdala ng gamit mo?"

"Tsk! Tsansing ka lang eh.. Halika na nga.." at hinila ni Miley si Kiana sa kwarto nila.

"Ang kulit talaga ng dalawang yun.. Sige na. Magkita na lang tayo mamaya.. Pahinga na muna tayo."

Nag-paalam na si Thomas sa amin at kami naman ni Bria ay nagtungo narin sa kwarto namin.

"Sigurado bang walang relasyon si Miley at Kiana?"

"Yun ang sabi nila." kibit balikat ko.

"Kasi naman parang sila sa ikinikilos nila. Bakit tayo mag best friend tayo pero hindi naman tayo ganun." sabi ni Bria na inaayos na ang gamit.

"Oh really? Hindi tayo ganun? Kaya naman pala ang sama lagi ng tingin sa akin ni Paul? Mas sweet ka pa sa akin kesa sa boyfriend mo. Kaya wag ka nga.. Kung ano-ano inisip mo eh." ako naman ay pabagsak na humiga.

"Ganun din ba tayo?" gulat niyang tanong..

Ay wow hindi niya pala alam yun?

"Yup! Kulang na lang halikan mo ako."

"Really? Damn.. Pero ano kaya pakiramdam ng halikan ang isang babae?"

Halos man laki ang mata ko sa sinabi niya.

"Sigurado ka bang straight ka?" Tanong ko.

"Oo naman may boyfriend nga ako eh. Na-curious lang naman ako noh"

Natahimik kami saglit kasi kahit ako ay napaisip din kung ano pakiramdam ng makahalik ng babae.

"May tanong nga pala ako Sky." Bumangon ako sa pagkakahiga at umupo sa kama, nakaharap narin sa akin si Bria.

Buti naman at mukhang maiiba yung topic namin.

"Yes?" curious kong tanong sa kanya. Bigla kasi siyang nagseryso.

"Akala mo hindi ko napapansin yung mga tinginan niyo ni Kiana? Na yung mga nakaraang araw sobrang alaga mo sa kanya at ang sweet-sweet mo sa kanya. Kanina sa sasakyan magkahawak kamay kayo habang natutulog.. Ano ibig sabihin nun?" Taas kilay na tanong ni Bria.

Di ako makasagot kasi ano nga ba ibig sabihin nun? Kahit ako ay hindi ko mapaliwanag...

"Bria, I don't know okay? Basta gusto ko lang siya alagaan? Alam mo naman kung ano dinanas niya kay Max di ba? At kanina naikwento sa akin ni Thomas na hiwalay na sila ni Max kaya pinaramdam ko lang sa kanya na magiging okay lang ang lahat."

Nagkatitigan kami ni Bria na para bang binabasa ang isa't-isa.

"Sabi mo nga you're straight. Pero kasi Sky.. Si Kiana yung tipo ng babae na gender bender ayaw ko lang na masaktan ka."

Girl CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon