Chapter 72 - Shipper

3.1K 102 9
                                    

Miley



NARAMDAMAN kong may humahaplos sa aking buhok kaya agad kong idinilat ang aking mga mata at bumangon sa pagkakayuko upang tingnan kung tama ang hinala ko.

Tama nga ako, gising na siya.

Hindi ko napigilan ang mapaluha sa tuwa ng makita siyang nakangiti sa akin. Mabilis ko din siyang niyakap na lalong ikinatuwa niya.

"Bakit ka umiiyak?" natatawang sabi niya ng humiwalay ako ng yakap.

Sukat doon ay nakatanggap siya sa akin ng hampas sa braso.

"Awww, Baby?" sabay himas niya sa braso.

"Sinong hindi maiiyak? Pinakaba mo na naman ako, ang tigas talaga ng ulo mo. Next time pag nakaramdam ka ng hilo umupo ka muna!" gigil na sabi ko sa kanya.

Pero siya nakatingin lang sa akin habang nakangiti at tila amaze na pinapanood ang bawat salita ko. Yung totoo? Kanina ko pa kasi napapansin na hindi mawala-wala yung ngiti niya sa mukha.

"Come." biglang sabi niya at hinila ako para mas lalong lumapit sa kanya. "Dito ka sumampa ka sa bed gusto kitang mayakap ng mahigpit." sabi pa niya.

Anong trip niya? Alam ko naman na malambing na siya noon pa naman pero... hello nasa hospital kami.

"Don't worry hindi kita pagsasamantalahan dito  yayakapin lang talaga kita please? unless...." sabay lipbite niya.

Halos mapanganga ako.

"Oh my god Skyler yung bunganga mo, mamaya may makarinig." di makapaniwalang sabi ko.

Nakarinig naman ako ng halaklak mula sa kanya. Ewan ko ba at tila musika sa akin ang kanyang tawa pero napasingkit bigla ang mata ko ng magsalita na siya.

"You're blushing." sabi niya pa.

"No I'm not." tanggi ko pero sino bang niloko ko? Pagdating naman talaga kay Skyler ay mabilis akong mamula.

Ngumiti na lang siya sa naging sagot ko.

"Ayaw mo talaga ako yakapin?" sabay paawa niya.

What the? Nabagok lang yung ulo naging bipolar na.

Napailing-iling na lang ako, matatanggihan ko ba siya? Kung hihilingin niya ngang isuko ko ang bataan ko sa kanya dito ora mismo ay ibibigay ko. Pero syempre si Skyler yan alam kong di niya magagawang hilingin sa akin ang mga bagay na alam niyang hindi pa ako handa. Kaya kahit anong tease ko sa kanya ay malakas ang loob ko dahil kahit siya mismo, alam kung hanggang saan ang limitasyon namin.

Napa-smirk na lang ako at dahan-dahang lumapit sa kanya, yung tipong nang-aakit.

Since nagka-amnesia kasi siya kapag tinitease ko siya ay bigla na lang siyang namumula at nagpapanic. Bago parin kasi talaga sa kanya at wala parin siyang alam sa ginagawa na namin noon. Natatawa na lang ako sa loob-loob ko dahil ang innocent at cute niya tingnan.

Now tingnan natin kung sino ngayon ang magpapanic, umupo ako sa tabi niya at binigyan siya ng malalagkit na tingin, nag lipbite din ako at nakita ko kung paano ito napatingin sa labi ko at sabay tingin sa akin.

Hinihintay kong magpanic siya pero hindi ko inaasahang bigla niya na lang akong hahalikan.

Naglapat ang mga labi namin ng mga ilang segundo dahil kumalas din siya agad at sinubsob ang ulo sa aking leeg.

Pinaikot niya ang braso niya sa aking bewang kaya yinakap ko na lang siya pabalik at napangiti.

"Humanda ka sa'kin kapag nakauwi na'ko." sabay halik ni Skyler sa leeg ko na ikinangiti ko.

Girl CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon