Chapter 18 - LQ kuno

6.5K 193 22
                                    

Skyler



"S-Skyler?" Gulat na bungad sa akin ni Miley.

Pagdilat kasi ng mga mata niya ay ako agad ang bumungad sa kanya.

"Good morning Baby" sabay halik ko sa noo niya.

"Baby?" kunot noong tanong niya, sabay upo niya sa kama at kinusot-kusot pa ang mata.. Samantalang ako ay nakangiti lang sa harap niya dahil sobrang cute niya tingnan.

"Ah huh! Baby, you're my Baby. You're such a cry Baby kasi." Naalala ko kasi yung naging usapan namin kahapon sa unit ni Kiana. Umiyak siya di ba after ng kiss namin?

Nabalik ako sa kasalukuyan ng makatanggap ako sa kanya ng kurot sa tagiliran.

"Ouch! Grabe naman, ang aga-aga ang sadista mo sa akin." naka pout kong sabi at hinimas-himas yung tagiliran ko.

Pero inirapan niya lang ako.
Aww! Grabe siya sa akin.

"Ang aga-aga kasi nang-aasar ka." gigil niya parin na sabi sa akin.

Pero binigyan ko lang siya ng isang matamis na ngiti.

Nasabi ko na bang ang cute niya rin mainis? Kung hindi pa.. Opo sobrang cute niya.

"Creepy mo, Skyler! Ano bang ginagawa mo sa kwarto ko ng ganitong oras?

"Uhm, bumabawi sa mga araw na hindi kita nakasama? Sobrang namiss nga kita di ba? At ikaw din namiss mo ko.. So I'm here." actually kahapon sa unit ni Kian ay ayaw ko pa siyang pakawalan..

Kahit nung hinatid ko siya pauwi ay hindi ko binibitawan ang kamay niya.

"You're creeping me out Skyler. Ganyan ka pala pag namimiss mo ang isang tao? Ni ayaw mong mahiwalay sa akin, baka hindi na ako makahanap ng boyfriend niyan kung ganyan ka?" sabay ngiti niya.

Sukat sa sinabi niya ay nagbago ang mood ko.

"Sayo lang naman ako ganito, at kung ayaw mong ganito ako, fine. Aalis na lang ako."

Akmang tatayo na sana ako ng pigilan niya ako.

"Hey! So aalis ka talaga? Hahayaan mo akong makahanap ng boyfriend?" may inis sa tono ng kanyang pananalita.

Napaharap agad ako sa kanya.

"Di ba iyon naman ang gusto mo? Mabuti pa tawagan mo na si Brix, tutal mukhang siya ang gusto mo makasama ngayon."

Pero napasimangot lang ito.

"Okay, tutal siya lang naman ang nakakaintindi sa akin. Diyan ka na nga."

Nag madali siyang pumunta sa bathroom niya at ako ay naiwang nakasunod ng tingin sa kanya hanggang sa magsara ang pinto.

Tsk! Kakaayos lang namin kahapon, heto na naman?

Ano ba kasing nagawa ko? Eh sa naiinis talaga ako dahil sa binanggit niya kanina. Ako 'tong kasama niya tapos pagboboyfriend ang nasa isip niya? Sinong matutuwa dun? Ughh kainis!

Nagmadali na lang ako na umalis ng bahay nila.













"Oww!!! LQ? Ano ba yan, wala pang kayo pero LQ na agad?" sabay abot sa akin ni Kiana ng juice at pizza.

Pag alis ko kasi sa bahay nila Miley ay dumiretso agad ako sa unit ni Kian at kiniwento ang nangyari kanina.

"LQ ka diyan, tigilan mo'ko Kian. We're just friends." malamig kong sabi.

"Ouch, friend zoned best friend ko?" seryosong tanong niya sa akin.

"Alam mo buti na lang inihinto ko na ang panliligaw ko sa'yo kahapon. Hindi ako tatagal sa kakulitan mo." Sabay napailing-iling na lang ako.

Girl CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon